Prolouge

9.5K 213 12
                                    

Athaneum

─────────────


"Congratulations, Miss Fuertia. You're hired!"


Lumaki ang aking ngiti dahil sa inanunsyo sa akin ng HR. May katagalan na akong naghahanap ng trabaho, mabuti at pinagpala ako rito sa kompanya na ito.


Ilang linggo matapos akong masisante at mawalan ng trabaho doon sa Hotel, agad naman akong naghanap ng mga panibagong trabaho.


I didn't get accepted to the first three jobs I applied to. But fortunately, sakto habang papauwi ay mayroon akong nahagilap na mga flyers, nabasa kong naghahanap ng panibagong secretary para sa isang malaking kompanya.


Siyempre, hindi ko iyon pinalagpas at agad kong tinake ang risk. Wala nang paligoy-ligoy pa, kaya heto ako ngayon, natanggap sa trabaho!


Tinadhana na rin siguro na hindi ako natanggap sa mga unang trabahong sinubukan kong pasukin. Dahil mas malaki ang sweldo dito at mas safe tignan ang working environment.


May inabot ang HR sa akin, "You'll start your job tomorrow as Ms. Castallejo's Secretary. Here is her schedule for tomorrow."


Miss Castallejo is our CEO. Tinanggap ko kaagad ang inabot niya sa akin na schedule ng aking bagong boss.


"Bukas, reponsibilidad mo na ang pag-aayos sa kaniyang schedule." Pagklaro niya pa sa akin.


I quickly scanned Ms. Castallejo's schedule for tomorrow before slightly bowing at Mrs. Sarmiento as a response.


"Noted po. Thank you po, Mrs. Sarmiento." Ang saya-saya ko ngayon!


Mayroon pa siyang dinagdag, "Just some things to remember, Ms. Fuertia. Kaunting paalala lamang,"


"Miss Castallejo is a VERY hot-headed and strict woman. Mabilis siyang maubusan ng pasensya kahit sa mga maliliit na bagay manlang. Be sure not to stutter, she will surely scold and scream at you if you do." Pagpapaalala niya sa akin.


Kinabahan naman ako sa pinaalam sa akin ni Mrs. Sarmiento tungkol sa aking boss. I haven't met her in person just yet. However,  I'm already frightened of Miss because of the given description about her.


Ngumiti naman ito, "Well that's all tp remember, Ms. Fuertia. Any questions?" Umiling ako. Mukhang kaya ko naman, well sana.


"None po. Thank you so much po ulit, Mrs. Sarmiento." I bet she already noticed the big smile that's plastered on my face


Ang laki-laki ng ngiti ko. Halata na yata na sobrang saya at excited ko. In spite of that, I tried to remain calm.


This is a really big deal for me. Para sa isang taong ilang trabaho na ang napasok at palaging nabibigo, napakalaking bagay nito para sa akin. Lalo na't napakalaki ng kompanyang ito at kilalang-kilala, hindi lang sa buong bansa, pati na rin worldwide.


"Alright. Goodluck, Ms. Fuertia. I'll be in my office if you need anything, my door is always open." Tumango-tango ako sa sinabi niya.


I can't stop smiling kahit na nangangalay na ang mga pisngi ko. Ito ang pinaka-unang beses na papasukin ko ang ganitong uri ng trabaho.


I can't wait to start my job tomorrow. To be honest, I consider my self lucky to have this job. Sa kadahalinang sobrang kilala ng kompanyang ito sa bansa, internationally pa nga, eh. Sa pagkakaalam ko rin, ang napakalaki ng sweldo rito at malaking kompanya pa. It's very luxurious.


She Got Me PregnantWhere stories live. Discover now