Chapter 27: No Visitors Allowed

Start from the beginning
                                    

"Dalton, I brought your lunch. Eat first before reading your book then I'll go back to the office," pagtawag ni Emily sa ama ni Dylan.

Tumango si Dalton at saka lumipat sa upuan sa pandalawahang mesa. Ipinaghiwa rin siya ni Emily ng mansanas at nahugas ng ilang pirasong grapes. "You have to eat well."

Pilit na ngumiti si Dalton sa kanya. "Thank you, Emily. How about you?"

"I already ate in the restaurant while waiting for your food," saad ni Emily at saka binalingan ng tingin si Dylan.

Dahan-dahang idinilat ni Dylan ang mga mata, pakiramdam niya ay nangangalay ang kanyang likod kaya hinanap niya sa paligid kung sino ang kasama niya sa silid. Alam niyang inilipat na siya kanina mula sa ICU, ngunit hindi na niya nahintay kung sino ang dumating para samahan siya sa kanyang private room.

Nang makita ni Emily na gising na si Dylan, kabado siyang lumapit sa binata. "Hi! Kumusta ang pakiramdam mo?"

Napalingon ang kumakain na si Dalton. Nang makita niya na gising na ang anak ay itinigil niya ang pagkain at mabilis na nagtungo sa tabi nito. "How are you feeling, son?"

Kumunot ang noo ni Dylan at saka muling iginala ang tingin sa paligid.

"Dylan, may masakit ba sa iyo? Tatawagin ko sandali si Dr. Howard," natatarantang sabi ni Emily na agad kinuha ang kanyang cellphone.

Sinubukan gumalaw ni Dylan ngunit napangiwi siya nang maramdaman ang sugat sa dibdib. "Can I sit, Papa?"

"Don't move. I will adjust the bed so you can at least sit," pagsaway ni Dalton sa anak.

Nang umangat ang kalahati ng kama at nagmukhang halos nakaupo na si Dylan, inayos naman ni Dalton ang unan nito upang hindi mahirapan ang likod.

"Dalton, continue eating your lunch. I'll feed Dylan," ani Emily na dala na ang ipinainit na lugaw sa microwave oven.

"I'm not hungry," pagod na saad ni Dylan.

Pinanlakihan siya ng mata ni Emily. "You need to eat to recover properly."

Kumunot lamang ang noo ng lalaki. "Where's Lianne?"

"She's in the office," maiksing sagot ni Emily at saka sinubukan subuan si Dylan.

Sumama ang mukha ni Dylan at iniiwas ang kanyang mukha. "Kakain lang ako kapag si Lianne ang nagsubo sa akin."

Kumunot ang noo ni Dalton. "She can't come here."

Napalingon si Emily sa ama ni Dylan. Malamlam ang mga mata niya nang tingnan muli ang binata. "You're not yet allowed to receive visitors. Only I and your father were allowed to be with you."

Parang bata na lumabi si Dylan. "I want to see my girlfriend."

"Kausapin mo na lang sa phone. Sandali." Ibinaba ni Emily ang hawak na mangkok sa side table at saka kinuha ang kanyang cellphone sa bag. Pinunasan muna niya ng anti-bacterial wipes ang kanyang cellphone bago pinindot iyon.

"Ms. Chen, hinahanap ka ni Dylan," ani Emily sa kausap sa phone bago iniabot ang telepono sa kapatid.

Alanganing tinanggap ni Dylan ang telepono mula kay Emily. Nagsimula ring lumakas ang pintig ng kanyang bagong puso. "H-hello."

"Hi! Kumusta pakiramdam mo?" Narinig ni Dylan ang pamilyar na boses ng kasintahan. Napapikit siya dahil ramdam niya na may kakaiba sa pagsasalita ni Lianne.

Galit pa kaya siya sa akin?

"Miss na kita," sagot ng binata. "Gusto kita makita."

"Bawal daw maraming nagpupunta diyan. Sa phone na lang muna tayo mag-usap."

Tumango si Dylan na para bang nakikita siya ng kasintahan. "Hindi ka na galit?"

Hindi sumagot si Lianne. Napabuntong hininga si Dylan. "Galit ka pa nga."

"Hindi na," maiksing sagot ng dalaga.

"Lianne..."

"Hmmm"

Humugot ng malalim na hininga si Dylan. "Huwag mo akong iiwan ha?"

Muling nanahimik ang babae sa kabilang linya.

Biglang tumunog ang isang machine na nakakabit sa dibdib ni Dylan. Napahawak ang binata sa kanyang dibdib.

"Dylan?" nag-aalalang sabi ng babae sa kabilang linya.

Binawi ni Emily ang phone kay Dylan kasabay nang pagpasok ng ilang doktor at nurse sa silid. Lumayo si Emily sa kama upang bigyan ng espasyo ang mga doktor habang nagpaalam muna siya kay Lianne sa phone.

Napatayo si Dalton at nag-aalalang pinagmasdan ang ginagawa ng mga doktor at nurse.

Humahangos na dumating si Dr. Howard at kunot ang noo na nilapitan si Dylan na nakangiwi pa rin sa naramdamang sakit dahil sa mabilis na pagtibok ng kanyang puso. May ini-inject sa kanyang IV Line dahilan upang makaramdam ng pagkalma si Dylan.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Dr. Howard kina Dalton at Emily.

"He was talking with his girlfriend on the phone when the machine suddenly beeped loudly," paliwanag ni Emily na lubha pa ring kinakabahan sa pangyayari.

Lumapit si Dalton kay Dylan. "Is my son okay, Dr. Howard?"

"Yes, but please avoid any stress," tiningnan ni Dr. Howard si Dylan.

Tumango naman ang binata bago pumikit.

Nang makuntento ang mga doktor sa ipinakitang pagkalma ng binata ay lumabas na ang mga ito kasama ang mga nurse. Naiwan naman si Dr. Howard.

"He wants to see his girlfriend. Can she visit here?" tanong ni Emily sa doktor.

Umiling si Dr. Howard. "We are limiting the watchers and footprints in his room because he is still prone to infection. And no stress is allowed until we are sure that his new heart has already adapted to his body."

Napatingin si Emily kay Dylan. Naaawa siya sa kapatid dahil hindi nila mapagbibigyan ang kagustuhan nitong makita si Lianne.

"No phone calls for now, until he learns to control his emotions," dagdag pang bilin ni Dr. Howard bago lumabas ng silid.

"Can you eat now, Dylan?" puno ng pag-aalalang tanong ni Dalton.

Umiling ang binata at saka ipinikit ang mga mata. "I want to rest."

Nagkatinginan sina Emily at Dalton. May pinindot si Dalton at dahan-dahang bumaba ang kama ni Dylan upang makahiga ito ng maayos.

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now