Chapter 27

1.1K 20 0
                                    

“Ang assignment ko, nakalimutan kong dalhin,” mabilis na palusot ko uli.

Nang hindi siya nagsalita ay mabilis akong nagpaalam at lumakad ngunit nakailang hakbang pa lang ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko kaya ang ending ay hila-hila na niya ako. Muntik pa akong mapada dahil sa laki nang hakbang niya. Daig pa ang kapre sa kaniya.

Magpo-protesta na sana ako nang mabilis siyang yumuko at humarap sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin na para bang naawa kaya mabilis akong napayuko. Ilang sandali pa ay naramdaman kong may mabigat na bagay na nakapatong sa ulo ko kaya mabilis akong napatingala. Mabilis siyang lumapit sa akin at huli na para umatras ako dahil nahawakan na niya ang kamay ko at parang bata na pinasout sa akin ang kaniyang gray na cotton hoodie jacket. Hindi ko magawang magprotesta dahil I kinda find it cute.

Magtatanong sana ako kung bakit niya ako pinasout ang jacket nang madali siyang nagsalita.

“Wear my jacket. Ayokong makita ang nakabusangot mong mukha,” prangka na saad niya at mabilis akong hinila.

“Sus, akala mo naman hindi ka nakabusangot. Daig mo pa nga ang may menstruation, i!” Gusto kong sabihin sa kaniya ngunit hindi ko ginawa dahil baka magbago ang mood niya nang wala sa oras.

Imbis na masaktan sa sinabi niya napalabi na lamang ako. Kahit kailan ay masyado talaga siyang prangka at pilosopo. Kung hindi ko lang siya kilala ay baka kanina ko pa nasipa ang kaniyang mukha. Pero kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya.

Kahit naguguluhan ay nagpadala na lamang ako sa hila niya. Dahil tanging ilong lang naman ang nakikita ng mga tao dahil sa laki ng hoodie ng jacket ni Jared ay nakahinga ako nang maluwag. Hindi na ako nakarinig pa ng mga bulong-bulungan ng mga estudyante.

“Aray!”

Mabilis akong napadaing nang tumama ang noo ko sa likod ni Jared dahil sa biglaan niyang paghinto. Napahimas na lamang ako sa noo ko dahil sa sakit.

“Stupid,” komento niya at mabilis na tinanggal ang hoodie ko.

Aangal sana ako sinabi niya ngunit mabilis na napatingin sa paligid.

“Wow!” bulalas ko.

Ang takot ay napalitan ng pagkamangha dahil isang maliit na bahay or should I say kubo na napapalibutan ng vines. At sa magkabilang gilid ay may isang bulaklak na parang kahoy na pinorma ng parang baliktad na U. Sa bawat gilid ay may mga rosas na namumulaklak ng iba't-ibang kulay.

“Paano mo na naman discover ang lugar na ‘to?” tanong ko at mabilis na humarap kay Jared.

Una ang breathtaking view ng dagat. Ngayon, mga flowers and trees na naman.

Imbis na sa mukha ni Jared ako tumingin ay nalihis ito nang makita ko ang naglalakihang bunga ng mangga.

“I didn’t discover these. I made these,” saad niya.

Sa peripheral vision ko, kita ko pa ang pagtaas ng kilay ni Jared dahil nasa iba ang tingin ko. Ngunit hindi ko siya pinansin, bagkus nilampasan ko siya at pumunta sa gawi ng mangga. Hindi ko na ma-describe ang expression mukha ko dahil sa sobrang pagkamangha nang makita ang isang pond na may malaking puno ng mangga sa center.

At take note, maraming hinog na bunga ang mangga!

Imbes na doon sa kubo pumunta ay tinahak ko ang daan papunta sa pond kung saan nasa gitna ang puno ng mangga. Naramdaman ko namang nakasunod lang sa akin si Jared kaya kampante ako.

“Gusto ko ng mangga,” saad ko sa hangin.

Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para marinig ni Jared. Nagbabakasakali na mag-insist siya na siya kukuha ng mangga.

Nang hindi ko marinig ng yabag ni Jared ay mabilis akong lumingon sa kaniya kanya. Napalabi na lamang ako ng nakatingin lang siya sa akin habang nasa dalawang bulsa ng slacks niya ang kaniyang kamay.

“Bakit?” maang-maangan niya at tinaasan pa ako ng kilay.

Tinuro ko ang mangga habang nakalabi. “Gusto ko ‘yon!”

“Then?” parang walang pake na tanong niya.

I pouted. “Kunan mo ako ng mangga, please!” pagmamakaawa ko.

Nag-puppy eyes pa ako. Akala ko hindi tatalab, pero nang lumakad siya papalapit sa akin ay lumaki ang ngiti ko.

“Manahimik ka nga. Nandito tayo para magpahinga hindi para manguha ng mangga,” satsat niya at pinitik ang noo ko.

“Bitaw! Ayoko! Gusto ko ng mangga!” pagra-rant ko na parang bata habang pilit tinatanggal ang kamay ni Jared na nakahawak sa wrist ko.

“Jesus! You're acting like a child!” komento ni Jared na nagpakulo ng dugo ko.

“So, what? Ano kong naga-act ako na parang bata? Are you going to compare me to her?! Ikukumpara mo na rin ba ako sa babaeng ‘yon, ha?!” sigaw ko habang tumutulo na ng luha sa mga mata.

I hate him now!

Akala ko pa naman ay malalapitan ko siya!

Pero sasaktan niya rin lang pala ako gaya ng iba!

Imbes na yakapin at i-comfort ay isang matalim na titig lang ang natanggap ko kay Jared. Tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.

“What now?! Alam kong panget ako at hindi nga ako deserve sa lintik mong pinsan na manloloko kaya huwag mo akong tingnan mula ulo hanggang paa dahil kahit saang banda talo na ako sa babae niyang head sa docu!—”

“God! You freaking hurt my ears,”  putol niya sa sinabi ko, “Manahimik ka nga. Hindi kita tiningnan para ikumpara sa lintik na babae ng pansin ko kundi…" he stopped and looked away.

Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin. “Kundi ano? Kundi dahil sa kapangitan ko? Ganyan naman kayo, diba? Ang hilig-hilig niyong manghusga. Hindi niyo man lang titingnan ang panloob na ugali ng tao. You're all a jud—”

“Oh, shut up! I was just wondering if you’re pregnant!” sigaw niya na ikinatigil ko.

He sighed. “And I think nasagot na ang katanungan ko. From how you act…” pinasadahan niya ako ng tingin, “malabong hindi ka buntis.”

The Professor's Obsession Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu