Chapter 1

2.5K 35 14
                                    

"Pumasok ka na, love. Good luck sa klase. I love you!" I nodded slowly from his remarks.

Bahagya na tumingin sa kaliwa at kanan ang boyfriend ko pagkatapos ay pasimpleng humalik sa noo ko. Kahit matagal na kami ni Joshua ay kinikilig pa rin ako sa inaasal niya. Sweet pa rin kasi siya kahit nasa kolehiyo na kami.

"Good luck din, love. I love you too." I waved at him until his figure vanished.

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. First year of college means new faces, classmates, and teachers.

Tahimik akong pumasok habang hawak-hawak ang strap ng backpack ko. Nilibot ko ang tingin sa buong classroom, hoping that I will meet someone I know, ngunit ni isa ay wala akong kilala. Bagsak balikat akong pumunta sa pinakadulo na upuan. Medyo malayo kasi ang unibersidad na pinapasukan ko sa skwelahan na pinapasukan ko noong high school. We also moved in different house, pero si Joshua ay naka-boarding house siya.

Tahimik akong nanood sa ibang kaklase ko na nakikipag-usap sa kanilang katabi. Pinatong ko na lang ang ulo ko sa arm rest, humarap sa bintana kung saan tanaw ko ang field sa labas.

Tahimik akong nagmuni-muni nang biglang may umupo sa tabi ko, sa right side. Kaya sa halip na field ang makikita ko ay mukha niya ang naging view.

His red lips, thick brows and perfect eyelashes that paired with green eyes suit him very well. Idagdag mo pa ang buhok niya na parang nilagyan yata ng gatas ng baka dahil sa sobrang ayos.

Tahimik niyang pinatong ang backpack sa mesa. Sa unang tingin pa lang, halata ng mamahalin. It was made of leather.

"Don't you know that staring is rude?" he asked, sounding a little irritated.

I looked away at umupo nang maayos.

"I'm not staring at you. I'm looking behind you, the field," pagsisinungaling ko.

In my peripheral vision, I saw how he smirked, making me roll my eyes.

Ilang sandali pa ay may pumasok. Halata namang professor dahil naka-corporate attire. Sa pagpasok pa lang ng professor ay nagsimula na ang bulong-bulungan. Kahit naka-side view pa lang kasi ay halatang may hitsura ang professor namin.

Tahimik naming minamasdan ang bawat galaw ng professor. Tumalikod ito sa amin. Umayos ako ng upo at diritsong tumingin sa harap kung saan nagsusulat ang professor. Matapos niyang magsulat ay humarap siya sa amin. Tahimik kaming tumingin sa blackboard kung saan nakasulat ang pangalan niya.

"Good day everyone, I'm Pollux Dela Fuente, your instructor in GE 5. Since you are not a high school student, let's skip the introduce yourself part," saad niya na nagpa-ingay sa mga estudyante.

Napuno ng hiyawan ang buong silid. Kadalasan sa mga kaklase ko ay kinikilig sa taglay niyang kagwapuhan. But everyone became silent when Mr. Dela Fuente slammed the book on the table.

"Shut all your mouth if you don't want me to give you a quiz without discussing it!" he said, full of authority. Lahat ay napalunok.

Dahan-dahan siyang naglalakad na parang sinusuri ang kaniyang mga estudyante. Bawat nadadaanan niya ay kita ko ang paghinga nang maluwag dahil masyado silang na intimidate.

"I want you all to put this in your mind that time is gold. So, if you want to learn, better not waste your time. Am I clear?!" matigas na sigaw niya.

"Yes, Sir!" we said in unison.

Dinaig pa namin ang criminology student dahil sa sobrang snappy ng sagot namin. Muntik pa akong malagutan ng hininga nang huminto ang professor sa gilid ko.

"I believe that colored hair isn't allowed here, am I right?"

Pigil na pigil kong kinagat ang labi at napapikit.

I also believe na ako ang pinariringgan niya!

"Yes, Sir," they said in unison.

Hindi ako makaimik sa sobrang takot. His presence is intimidating. Idagdag mo pa ang matigas niyang boses na sa isang utos lang ay mapapasunod ka talaga.

"Am I right, Miss?" mariin niyang tanong na nagpakabog ng dibdib ko.

"Yes, Sir," I said, almost a whisper.

Seems like I will be in trouble till the end of the semester.

***
I thank God when the professor let it slide. Matapos niyang magturo ay umalis din kaagad kaya nakahinga na kami nang maayos.

"Are you okay?" The guy on the other side asked me.

Ramdam ko ang kakaibang tingin niya. Parang nag-alala talaga. Medyo bago sa'kin dahil parang kanina lang ay ang rude niya magsalita, pero ngayon ay may pag-alala na.

"I'm fine," I answered without looking at him dahil baka mapagkamalan na naman akong rude kapag titingin ako sa kaniya.

I looked at the entire room. Ang kanina na kaklase ko na nanginginig, ngayon ay nakangisi na. Ang iba ay nagce-cellphone pa.

When my phone vibrated, napatingin ako sa bag. Kahit medyo nanginginig pa ang kamay ay pinilit kong buksan ang bag at kinuha ang selpon. Agad na gumuhit ang ngiti sa mukha ko nang makita ang mensahe ni Joshua.

From: Joshua
Hi, love. I'm doing great here. I hope you do too :-)

I was about to reply when another message appeared.

From Joshua:
Love, I can't eat lunch with you today. There's an emergency in the house and I need to be there.

Wala sa sarili akong nag-reply. Nawala sa labi ko ang ngiti dahil sa kasunod na text niya. Gusto ko pa naman i-share sa kaniya ang nangyayari sa akin kanina, pero hindi bale, may susunod pa naman.

To: Joshua
Okay, love. Ingat.

Tahimik akong tumayo since lunchtime na. I gathered all my things at kahit wala akong kaalam-alam kung saan ang daan patungong cafeteria ay lumakad pa rin ako. Wala pa akong naging close kaya mag-isa lang ako.

Sobrang tahimik ang lobby. Nakapagtataka dahil kanina lang ay maingay ang lobby, pero ngayon ay tahimik na. Wala ni isang estudyante at tanging ako lang. Tanging nagpaingay lang sa paligid ay ang yapak ko.

Napahinto ako sa paglalakad nang may dalawang daanan na hindi ko alam kung saan patungo. Mas maliwanag ang daan sa kanan kaya ito ang pinili ko. Mukhang opisina rin kasi ng mga guro ang nasa kaliwa.

I was walking quietly when I suddenly heard a voice. I didn't mean to listen pero na iintriga ako.

"Damn you, Calix. Kapag iyon matakot at iwasan ako habang buhay, papatayin talaga kita."

Authoritative, intimidating, firm and cold, I know the owner of the voice.

Dahan-dahan akong napaatras sa takot. His cold and intimidating presence makes me shiver. Impit akong napatili nang mabasag ang isang vase sa tabi ko.

Shocked. That's my expression. My eyes are on the floor where the broken vase is scattered. I heard him curse, making me want to leave but it was too late dahil nakalabas na siya. He looked at me coldly.

"Pollux," I whispered.

I don't know what happened. Masyado akong natulala at naging lutang nang makita ko siya. I just found myself in his arms, carrying me like his wife.

The Professor's Obsession Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt