Chapter 8

932 18 0
                                    

Pulang-pula na ang mukha ko ngayon sa hiya. Nandito kami ngayon sa sala ng mansyon ng mga Dela Fuente. Kaharap ang magulang at kapatid ni Pollux. Pulang-pula na rin si Mrs. Dela Fuente dahil sa pabalang na mga sagot ni Pollux.

“Come on, Mom. I told you panagutan ko siya,” inis na sagot ni Pollux at iginaya pa ang kamay niya sa baywang ko dahilan para mapairap ako.

Si papa naman ay nandito lang sa gilid ko. Tahimik na nanood sa amin na tila hindi tutol sa gustong mangyari ni Pollux. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang siya nag-react, alam naman ni papa na may boyfriend na ako.

“You don't have to, Sir. Walang nangyari sa’tin. It was purely an accident” inis na sabat ko sa kanila.

Gigil na gigil na ako dahil sa paulit-ulit na pagsabi niya na papakasalan niya ako. Like, really? Sa tingin niya ba hindi magiging magulo ang lahat kung papakasalan niya ako?

At isa pa, it was just a freaking kiss! Pwede pa naman sigurong pag-usapan lang ng maayos, diba?

“Accident? Do hear yourself? We make out not only once Alliah but twice, remember that,” matigas na saad ni Professor Dela Fuente at tinanggal ang kamay sa baywang ko.

Napayuko ako sa hiya. Does he need to say those things? Pinapahiya niya ako sa harap ng parents niya. Mas lalo akong nahiya dahil nandito si papa. I'm sure iba na ang iniisip ni papa lalo na’t alam niya na may boyfriend ako.

“And all of that was an accident,” matigas na puna ko rin sa kaniya.

Kung matigas siya ay matigas rin ako. Magpatigasan kami kung ganoon. Hindi naman pwede na lahat na lang gusto niya ay masusunod. At talaga namang aksidente lang ang lahat! Kung hindi ba naman dahil sa lintek na pagiging kiss stealer niya, malamang ay wala sana ako rito ngayon.

“I don’t care. I'll marry you,” mariin at desidido na saad niya.

Agad na napanting ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Na alarma ako dahil sa pagiging desidido niya.

“No! Hindi pwede! I have a boyfriend!” Sa puntong ito ay mabilis akong napatayo dahil sa sinabi niya.

Punong-puno na ako sa pamimilit niya. Kahit na gwapo pa siya ay hinding-hindi niya ako madadaan sa ganito. He's very bossy! Paano na lang kung magiging asawa ko siya? Malamang daig ko pa ang nasa kulungan dahil sa pagiging bossy niya!

“Then break up with him.”

Break up with Joshua?

For him?

Never!

Joshua is the first man who introduced me the word “love”. Kaya hindi ko kayang basta-basta na lang iwan si Joshua para sa kaniya.

Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Mr. Dela Fuente.

“So, it's settled then. We’ll set a date for the wedding,”  matigas na saad ni Mr. Dela Fuente.

Gusto kong tumutol pero napatigil ako nang hinawakan ni papa ang kamay ko. Umiling siya na tila ba ayaw niyang sumagot ako. Napaiwas na lang ako ng tingin. Nakokonsensya ako dahil sa kagagawan ko.

“Thank you, Dad,” saad nito, malaki ang ngiti dahil sa naging pahayag ng ama niya.

No wonder kung bakit malaki ang ulo niya, masyadong kinokonsente ng ama. Iba talaga kapag mayaman. Parang ang dali lang sa kanila na mang-apak ng ibang tao.

Matapos ang usapan namin ay hinatid na kami ni Pollux sa bahay. Tahimik lang kami habang nagbabyahe. Si papa ay nasa likod at ako naman ay nasa harap. Kita ko ang pasulyap-sulyap ni Pollux pero hindi ko ito pinansin. Ipiniling ko na lang ang ulo ko hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock. Dahil sa gulat ay bigla akong napaupo. Nagtatakang tumingin ako sa gilid ng higaan.

Kailan pa ako nagkaroon ng alarm clock?

Umiling-iling na lang ako at nagmadaling mag-ayos nang makitang alas syete na.

Lumabas ako sa kwarto nang naka-uniform na. Sumalubong agad sakin ang amoy ng bacon, hotdog at itlog. Agad akong pumunta sa kusina.

“Marami yata tayong ulam ngayon, Pa,” saad ko habang tinitingnan ang nakahalerang ulam. May hotdog, bacon at itlog. Kumuha ako ng hotdog at saka kumagat.

“Do I looked like your father?” Imbis na tinig ni papa ang marinig ko ay iba.

Napaangat ako nang marinig ang boses ni Pollux. Ganon na lang ang pagkamangha ko nang makitang nakasuot siya ng apron at may hawak pa na sandok.

“What are you doing here?” hindi makapaniwala na tanong ko.

“Cooking food for my beautiful fiance.”

What?!

Sasagot na sana ako ng biglang pumasok si papa sa kusina. Nagmano ako at binati ng magandang umaga.

“Can I talk to my daughter alone, Mr. Dela Fuente?” Bigla akong kinabahan sa sinabi ni papa.

Napayuko na lamang ako at nag-iwas ng tingin dahil sa hiya. I feel so guilty for what I've done. Pakiramdam ko ay sobrang sama kong anak.

“Sure, Sir,” magalang na saad niya.

Nabalot ng katahimikan ang buong silid nang umalis si Pollux.

“Sorry, Papa,” pangunguna ko.

“Anak, ipaliwanag mo naman. Naguguluhan si papa i,” mahinang saad ni papa at tila gusto ng umiyak.

Umupo si papa sa isang bakanteng upuan. Napakagat na lamang ako sa labi at napatingala para pigilan ang pagtulo ng mga luha.

“He is our professor, Pa. Hindi ko alam kung paano ako nasangkot sa gulong ito. P-pa, ayoko pong magpakasal sa kaniya. H-hindi ko siya gusto,” saad ko at nagsimula ng umiyak.

Marahan na hinaplos ni papa ang likod ko na para bang pinapatahan ako. 

“Wala na tayong magagawa, anak. Dela Fuente sila. Hindi natin sila pwedeng kontrahin,” naawang saad ni papa.

My forehead creased because of what papa said. Nalilito ako kung bakit lahat na lang sila ay natatakot sa nga Dela Fuente.

“Papa, ano naman kung Dela Fuente sila? Pantay-pantay lang naman tayo. At isa pa, professor si Pollux, labag sa batas po iyon!” Parang bata na sumbong ko.

Magiging disaster ang buhay ko kapag kumalat ito sa campus. He's our freaking professor. Ano na lang ang isipin ng iba sa’kin.

“Kahit na, Anak. Marami silang koneksiyon, Anak. Walang-wala tayo kung babangga tayo sa kanila.”

My father sighed. “Kailangan mo siyang pakasalan, Anak.”






The Professor's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon