Chapter 15

888 16 0
                                    

Nandito na kami sa Jollibee. Ang paborito naming food chain ni Joshua. Parehong spaghetti lang ang inorder namin dahil hindi naman kami masyadong gutom.

“Hey, let's meet in the park at 3:00 pm.”

Napatigil ako sa pagsubo ng spaghetti nang bigla kong mabasa ang mensahe. The number was unregistered kaya kumunot ang noo ko habang dahan dahan na nilunok ang spaghetti.

“Sino ba ‘yan?” tanong ni Joshua nang mapansin niya ang pagkunot ng noo ko.

Sasagot na sana ako nang biglang may bagong mensahe na dumating.

Unknown:
It's me. Jared.

“Kaklase ko,” saad ko at ni-replyan si Jared.

I saw him nod and continue eating. Mabilis kong sini-save sa contacts ang number ni Jared at nag-reply.

To Jared:
For what?

Bumalik ako sa pagsubo ng spaghetti ngunit ilang sandali pa ay tumunog na naman ang selpon ko.

From Jared:
Foundation Day

Dahil sa mensahe ni Jared ay mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Nagpahinga saglit bago lumakad.

“Hey, are you sure kaya mo ng pumunta roon na mag-isa?” nag-aalala na tanong pa ni Joshua.

Nandito na kami ngayon sa labas ng mall. Matapos naming magpahinga ay nagdesisyon na agad kami na umuwi na dahil may lakad ako at ganun din siya. Malamang ay pupunta na niya ang girlfriend niya.

“Oo nga, ang kulit!” Natatawang saad ko sa kaniya.

He's been asking that thrice in a row already. Simula pa nang lumabas kami sa pinagkainan namin ay panay tanong siya.

He just sighed heavily and patted my hair.

“Okay, bye. Ingat ka,” parang bata niyang paalam.

I nodded and smiled at him. “Ikaw din.” 

Ngumiti siya at dahan dahan na tumalikod. I stared his back while smiling widely. I just can't believe that we’ll be friends. Dahil kadalasan sa mga ex ng mga kaibigan ko noong high school ay magkaaway ang turingan. Daig pa ang mag strangers kung maka-ignore.

Nang mawala siya sa paningin ko ay tahimik akong umupo habang naghihintay ng masasakyan papuntang park. Tanaw ko sa di-kalayuan ang isang tinted na sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan. Napakibitbalikat na lang ako at nagpasalamat nang may dumating na rin sa wakas na jeep.

Mabilis kong nilibot ang tingin ko sa park. Nakatalikod pa lang pero alam ko na kung sino. He's wearing a black short paired with a striped shirt. Agad akong pumunta sa pwesto niya. I bet he saw my feet because he slowly lifted his head.

“You're late.”

Napangiwi ako sa masungit na salubong niya sa’kin.

Tumingin ako sa relo ko at napasimangot nang makita ang ang oras.

“3:05 pa lang naman, a!” nakasimangot na puna ko at umupo sa tabi niya.

Sakto ang view na pinili niya dahil sa hindi kalayuan ay may fountain. Sa gilid naman ay may malaking puno at may vines na nakasabit, may ilan pang  butterfly na pumapalibot.

“Late pa rin.” I feel irritated by what he said.

“Pasalamat ka nga pumunta pa ako dito.” Hindi ko mapigilang magsungit dahil sa inasal niya.

Hindi kasi ganoon kababa ang temper ko kaya minsan ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mainis o magalit kahit sa maliit lang na bagay.

I saw how his brows raised and I heard him “tsk” but I just ignored it.

“So anong plan natin?” pag-iiba ko ng usapan.

I heard him sighed heavily. I looked at him quietly. Sa mata niya ay parang may kakaiba siyang dinadala na para bang may buhat buhat siyang isang sako na bato dahil sa bigat ng kaniyang mata.

“I don't know,” tipid na sagot niya.

Imbis na matawa sa sagot niya ay hindi ko magawa. I can feel that he's not okay. Kahit naman loko-loko ako ay may pakiramdam pa rin naman ako kahit papaano.

“Want to share something with me?” mahina kong tanong habang tumitingin sa langit.

“If you don't, it's ok—”

“My mom and dad broke up,” putol niya sa pahayag ko.

I didn’t talk. Gusto ko mang magsalita ay parang may bumara sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapagsalita. I see pain in his eyes.

“They're so happy back then… hindi ko alam kung bakit naging komplikado ang lahat. They started throwing words that could hurt them. A-and now mom filed an annulment. My dad is devastated… a-and I am devastated too.” With that, he started to cry.

I felt pity when his tears started to fall. I think he's been hiding this because I can feel the way he talks and cries.

Mabilis ko siyang niyakap at hinagod sa likod. Naramdaman ko na lang ang mainit na likido na lumabas sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit naiyak ako sa sinabi niya. Bumitaw ako sa pagkakayakap ng kumalma na siya. My vision is a little bit blurry so I wiped my tears.

“Sorry if I'm emotional today. I just can't hold my feelings," he whispered while wiping his tears and looked away.

“It's okay, but since binasa mo ang shirt ko, you need to buy me an ice cream,” I said enthusiastically para gumaan ang atmosphere.

Hindi ko naman talaga gustong kumain ng ice cream ngayon pero gusto kong gumaan ang pakiramdam niya through eating sweets. Bago pa siya makapagsalita ay mabilis ko na siyang hinila. Buti na lang at hindi siya naglekramo at nagpahila lang.

“Manong, dalawang ice cream po. Cookies and cream po ang flavor.” Hindi na ako nag-abala pang tanungin siya kung anong flavor ang gusto niya baka mamaya ay magbago pa ang isip niya.

“Magkano po yan, Manong?” tanong ko habang nagsasandok si manong.

“Ten pesos lang po, Ma'am,” magalang na saad ni manong.

Napatango na lang ako habang tinitingnan ang bawat pagsandok ni manong. Nang ibigay ni manong ang ice cream ay mabilis kong binalingan si Jared.

“Bayaran mo.” Utos ko sa kaniya.

Mabilis namang bumunot ng pera si Jared mula sa pitaka at kumuha ng sengkweta pagkatapos ay hinila na ako paalis habang ako ay muntik ng madapa dahil hawakhawak ko ang dalawang ice cream.

“Hoy, teka may sukli pa!” Protesta ko sa kaniya nang binitawan niya ako.

Akmang lalakad ako pabalik nang mabilis niya hawakan sa likod ng shirt dahilan para mahila niya ako pabalik.

“Sa kanya na iyon. Napaka buraot mo naman,” saad niya at mabilis na kinuha ang isang ice cream.

Mabilis niya itong sinunggaban. I saw how amazed he was while licking his ice cream.

“Hinay-hinay lang baka mabilaukan ka,” pagbibiro ko sa kaniya pero sinamaan lang ako ng tingin.

I smile in relief when I saw his expression. Tila nakatulong ito upang mabawasan ng konti ang problema niya.






















The Professor's Obsession Where stories live. Discover now