Chapter 13

1.2K 23 0
                                    

Agad na napakunot ng noo dahil sa tudyo sa akin ni Jessica. Nginisihan pa ako na parang nang-aasar. Nang ma-realize ko kung ano ang ibig niyang sabihin ay napailing na lamang ako.

“Parang tanga!” Natatawang saad ko.

Kita ko kung paano natawa si Jessica dahil sa puna ko. Napatingin ako sa paligid at nakita ko kung paano umiwas ng tingin ang mga kaklase ko nang tumingin ako sa kanila.

“Deny pa more!” tudyo ni Jessica.

Akmang mang-aasar pa ulit siya ngunit mabilis siyang hinila ni Alvin.

“Alis na kami,” paalam nina Melvin at Alvin.

Nang makarating si Jared sa pwesto ko ay agad ko siyang kinunutan ng noo.

“Bakit?” takang tanong ko sa kaniya.

Nakakunot pa ang noo niya na parang galit at parang na-stress.

“We are assigned to lead the fucking Foundation Day celebration in our classroom,” nainis na saad niya sa’kin pagkaupo niya sa tabi ko.

Bakas sa mukha niya ang pagka-irita at pagkadisgusto. Galing kasi siya sa opisina ng adviser namin kaya malamang ay hindi niya ito gawa-gawa lang.

“Bakit kasama ako?” tanong ko at tinuro ang sarili.

Hindi naman ako ganoon ka active sa ganoong bagay kaya nakapagtataka kung bakit kasama ako.

“Maybe the professor knows that smart and stupid is a perfect combination,” he said in a sarcastic way.

Nilabas pa niya ang notebook at ballpen mula sa bag niya pagkatapos ay nilapag sa mesa. Mabilis ko siyang inirapan. I crossed my arms and looked at him angrily.

“Are you saying that I'm stupid ha?” naiinis na tanong ko.

Parang kailan lang noon gumala kami sa tabi ng dagat, ngayon para na naman kaming aso’t pusa na nagbabangayan.

Kung malinis ang mesa ko at walang nakapatong na kung ano-ano ay taliwas naman ang sa kaniya. Sandamakmak na libro, notebook, papel, highlighter at ballpen ay present sa mesa niya. Sa isang tingin pa lang ay malalaman mo na kaagad na achiever siya.

“I'm not, but you’re,” pabalang na puna niya.

“Ewan ko sa’yo!!” Naiinis na saad ko at padabog na umayos ng upo.

Akala ko maiinis siya pero hindi. Ni hindi siya umimik at nagkibitbalikat lang. Muli akong tumingin sa kaniya at tumikhim. Taas kilay naman siyang tumingin sa’kin at sumandal upuan niya.

“What?” Napangiwi ako sa masungit na tono niya.

Muli akong tumikhim bago nagsalita. “So anong gagawin natin this upcoming foundation day?”

“Don’t know,” clueless na sagot niya dahilan para mapaismid ako. Mukhang hindi naman siya nagbibiro dahil seryoso ang tingin niya.

“How about mag budol tayo sa lunch?” suggestion ko na ikinataas ng kilay niya.

“What’s budol?”

My jaw dropped because of  what he asked. How could this living individual doesn't even know what budol is. Parang hindi siya nakatira sa Pilipinas kung makatanong.

“Seriously? Budol? Hindi mo alam? Saan ka ba nakatira? Sa Mars?”  pang-aasar ko ng makabawi ako sa gulat at tumawa pa.

Kahit naman siguro sa ibang bansa ay may nakakaalam kung ano ang budol. Pero itong katabi ko? Jusko! Ewan ko na lang kung saan siya nakatira, mukhang nasa mars yata siya ipinanganak.

“Kasalanan ko bang may pagkajeje ka?” sarkastikong tanong niya kaya nabatukan ko.

Sinabihan pa talaga akong jejemon!

“Hindi iyon jeje! Gago 'to!” Naiinis na saad ko at sinamaan siya ng tingin.

Sa lahat ng tao na kilala ko, siya lang yata ang nagsabi sa akin na jeje ako. Langya, dinamay pa ako sa pagiging introvert niya. Introvert din naman ako pero malala lang siya.

“Whatever, jejegirl.” Sarap dukutin ang mata niya nang inirapan niya ako.

Kapag ako hindi makatiis at talagang mapipikon sa kaniya, pasensya na lang talaga.

“Aba't!”

Nasa ere na ang kamay ko. Handang batukan ang nag-iisang asungot na katabi ko nang umalingawngaw sa buong silid ang isang matigas na boses.

“Both of you! Stop!”

That firm, cold, and authoritative voice makes me stop. Dahandahan kong ibinaba ang kamay ko at umayos ng upo.

The chocolate eyes that I've been longing for, nakita ko na.

Those cold voices and intimidating presence, I miss it. I miss him.

Agad na tumambol nang malakas ang puso ko. Hindi ko alam kong dahil ba sa kaba o iba na.  Ako ang unang umiwas ng tingin dahil habang tumatagal ay lumakas ang tibok ng puso ko.

“I told you to stop. Iyan tuloy, napagalitan tayo,” mahinang sermon sa akin ni Jared nang dumapo sa iba ang tingin ni Pollux.

“Bwiset ka. Ikaw ang nauna sa ating dalawa. Gantihan lang,” naiinis na bulong ko sa kaniya.

Kita ko kung paano siya umiling at nag-focus pagkatapos ay tumingin sa harap.

“Good afternoon, Prof!” sabay nilang bati nang medyo mawala ang tensyon sa buong silid.

Nahuli pa ako sa pagtayo kaya hindi na lang ako nagsalita at umupo na lang uli pagkatapos nilang bumati.

Nagsimula ng magtalakay si Pollux. Walang ni isa sa amin ang naglakas loob na gumawa ng ingay at tanging kay Pollux lang ang atensyon.

Palihim akong sumusulyap sa kaniya pero talagang nakapukos siya sa tinalakay niya at hindi na ako pinansin. Napalabi na lang ako dahil sa inis. Feeling ko tuloy hindi na ako ang gusto niya dahil hindi man lang ako niya ako dinapuan ng tingin.

Gumawa na ako ng kaunting ingay gamit ang ballpen ko. Tinapiktapik ko ito sa mesa pero walang effect. Buti pa ang mga kaklase ko ay tumingin sa’kin, kaya nga lang, sinamaan ako ng tingin. Pero wala akong pake sa kanila. Hindi naman para sa kanila ang pagpapansin ko.

Napasimangot na lang ako nang matapos na ang klase pero hindi pa rin niya ako pinansin. Napalumbaba na lang ako sa mesa at tumingin sa kawalan. Agad na umingay ang paligid nang makalabas si Pollux. Isa-isang naglabasan ng cellphone ang kaklase ko.

Tahimik akong tumayo at tinahak ang daan patungo sa banyo. Marahan akong tumingin nang maayos sa daan mula sa pagkakayuko. Ngunit agad akong napatigil nang makita ang dalawang pigura ng tao.

Nakahawak si Pollux sa baywang ng babae habang ang babae naman ay nakahawak sa balikat niya. Agad na nagtama ang paningin namin ni Pollux. Tila nagulat pa siya kaya marahan niyang nabitawan ang baywang ng babae dahilan para muntik na itong matuba.

Umiwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang paglakad. Ramdam ko ang matalim na titig niya pero hindi ko ito pinansin. Nang makapasok ako sa banyo ay mabilis kong sinirado ang pinto. Doon ako tuluyang na napaupo at napahilamos ang palad sa mukha.

What’s this feelings I have right now?





The Professor's Obsession Onde histórias criam vida. Descubra agora