Chapter 26

801 13 0
                                    

“Sino ka ba talaga?” tanong ko sa kaniya at seryoso siyang tiningnan sa mata.

“Your fiance,” plain niyang sagot at akmang papasok na ngunit mabilis ko siyang pinigilan.

“You can't come in. Not unless you tell me who you are,” diretso kong saad.

Mabilis kong hinawakan ang pinto na parang ready na ready nang isarado kaya napataas ang kilay niya.

“May kasalanan ka pa sa akin,” saad niya na nagpataas ng kilay ko.

“At ikaw? Akala mo ba wala kang kasalanan?” malditang saad ko at pinaglandas ang kamay.

“What? Did I do something wrong?” maang-maangan niya pa.

Akmang papasok uli siya ngunit mabilis ko siyang piniligan.

“Sino ka ba talaga?” seryosong tanong ko sa kaniya kanya at pinasadahan siya ng kakaibang tingin.

His brows raised. “What do you mean? Nasagot ko na kanina, diba? I'm your fiance kaya papasukin mo na ako,” inis na sagot niya at pinasadahan ako ng kakaibang tingin, “Wala ka namang lalaki sa loob, right?”

“Gago! Malamang wala!” mabilis kong depensa at inikutan siya ng mata.

“Then, let me in,” paghahamon niya.

Bago pa ako makapag-protesta ay nakapasok na siya sa loob. Mariin niyang nilibot ang kaniyang tingin na parang may sinuri dahilan para mapaikot ang mata ko. Daig pa ang imbestigador sa kaniya.
Napunta ang tingin niya sa TV kaya napadako ang tingin ko doon.

JUST IN:
CEO Pollux Dela Fuente was caught having a date with another woman inside his car.

Ang kaninang pagtataka ay napuno ng galit, poot at hinagpis. Parang kanina lang ay sanasabi niya na engage na siya sa akin, ngunit ngayon ay nasa balita na naman siya.

Nakunan siya ng mga reporter na may hinahatid na babae.

At take note, estudyante rin po!

Paano ko nalaman?

Kasi ang babaing nasa balita ay ang babaing nakaengkwentro ko sa banyo noon. Ang babaeng tinulungan niya kono para hindi madulas!

L*nt*k na tulong ‘yan!

Mabilis na napalingon si Pollux sa akin dahil sa biglaang pagtigil ko. Ang mga mata niya ay parang nagsasabi na wala siyang ginawang masama ngunit hindi ko ‘yon pinaniniwalaan. Sometimes, looks can be deceiving.

Mabilis akong napaatras nang bigla siyang lumakad papalapit sa akin.

“B-bab, let me explain,” nagmamakaawa niyang saad.

Hindi ko alam kung talaga bang nagmamakaawa siya o acting lang.

“Get out, Pollux. What I saw is very clear to me kaya wala ka ng dapat pang i-explain,” saad ko bago tuluyang tumalikod at mabilis na tinahak ang daan papunta sa kwarto.

Nang makaliko ako ay mabilis akong napasandal sa pader at napabuga ng hangin. Akmang lalakad na uli ako nang marinig ko ang pag ring ng selpon niya. Sandali akong napatigil at napasandal uli sa pader.

“Why?”

“Give her everything.”

“Protect her.”

Mabilis na tumibok ang puso ko dahil sa narinig ko. Naghahalong kaba, takot at sakit ang nararamdaman ko,lalo na nang marinig ko ang yabag ng paa niya papalayo sa pwesto ko.

Mabilis akong napaupo at napahawak sa dibdib nang marinig kong magsarado ang pintuan namin.

Do I deserve this?

Ito ba ang kapalit ng pagmamahal ko sa kaniya?

I laughed sarcastically while holding my sob. Hindi ko akalain na ito lang pala ang kahinatnan ko sa bandang huli.

“Protect her?” I bitterly laughed.

“Paano naman ako?” parang tanga na tanong ko sa hangin habang tinuturo ang sarili ko, “Hindi niya ba po-protektahan ang puso ko para hindi masaktan?”

Kinabukasan, napuno ng bulong-bulungan ang unibersidad pagpasok ko. May iba na parang nandidiri at ang iba naman ay nakangiti na tila natutuwa.

“Sino kaya sa kanila ang totoong jowa ni sir, ‘no?” rinig kong tanong ng isang babae sa katabi niya habang naglalakad ako sa hallway.

The girl beside her shrugged. “Ewan… baka ‘yong isa. ‘Di hamak na mas maganda ‘yong isa kaysa sa kanya.”

The girl who asked earlier shook her head.

“Sabagay… feel ko nga rin ‘yon talaga ang jowa ni sir kasi nasa same level lang naman sila in terms of intelligence dahil head ng documentary team ‘yong girl.”

Mabilis akong napayuko at kagatlabi akong naglalakad dahil sa narinig ko. Palihim kong sinisi ang sarili ko kung bakit pa ako pumasok kung ito lang din naman ang sasalubong sa akin.

Ano nga bang labad ko sa kaniya? Head ng documentary team?

Malamang fluet ‘yon sa English. Magaling sa photography at iba pa.

Habang ako?

Anong maipagmamalaki ko?

Kung pwede lang ipagmayabang ang kabobohan ay kanina ko pa ginawa.

Pagkarating ko sa room ay mabilis kong inayos ang sarili ko at pilit na pinapagaan ang sarili. Nakailang hakbang na ako at ready na sanang itulak ang pinto nang may narinig ako.

“Alam mo, naawa talaga ako kay Alliah kasi halata naman na niloloko at pinaglalaruan lang siya ni Sir Pollux.”

“Oo nga i… Kawawa naman si Alliah. Akala ko pa naman ay sila na talaga dahil akala ko si Alliah ang pinapahiwatig doon sa interview.”

“Hindi tayo sure diyan. Baka naman si Alliah talaga ang pinapahiwatig ni sir at nagkataon lang na—”

“Hey, girl! Wake up! Sa tingin mo ba papatol talaga si Sir Pollux kay Alliah? Kung i-compare mo ang dalawa, walang-wala si Alliah doon sa date ni Sir Pollux kagabi. Base sa research ko ay head ng documentary team ang babaeng ‘yon. At take note, hindi basta-basta ang team na ‘yon!”

Hindi ko na tinapos pa ang bangayan ng mga kaklase ko dahil sa sobrang sikip na ng dibdib ko. Parang naging automatic ang paa ko para kusa nang tumalikod sa pintuan.

Nakailang hakbang pa ako nang may biglang magsalita.

“Saan ka pupunta? Hindi ka papasok ng klase?” mabilis akong napatigil hindi dahil sa tanong, hindi dahil sa kong sino ang nagsalita.

It was Jared, Pollux’s cousin, the one who asked.

“Naiwan ko ang bag ko kaya babalikan ko lang,” palusot ko habang nanatali na nakatalikod sa kaniya habang kagat-kagat ang labi.

Narinig ko ang yabag ng paa niya papalapit sa pwesto ko habang sarcastic na tumawa.

“Really? Sa pagkakaalam ko kasi isa lang ang bag na ginagamit mo at ‘yon ay ang bag na nakasabit sa likod mo ngayon.”

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagiging tanga. Nagpapalusot na nga lang, nahuli pa talaga.











The Professor's Obsession Where stories live. Discover now