Chapter 12

887 13 0
                                    

"Putangina mo, Joshua! Suntukan na lang, o!" naiinis na hamon ko sa kaniya. Tinawanan ba naman kasi ang mababa kong score sa quiz kanina. Palibhasa matalino.

Tawa nang tawa si Joshua at binato sa mukha ko ang papel ko na may marka na 12/30. Sa inis ko ay tinadyakan ko ang paa niya pero agad siyang nakaiwas kaya tawa nang tawa ang loko.

Kasalukuyan kaming naghihintay sa bago niyang jowa dahil ipapakilala raw niya sa akin. Nakakatawa man pero I didn't feel any pain dahil doon. In fact, I'm happy nang sinabi niyang ipakilala niya ito sa'kin. Kung noon kontrolado namin lahat ng ginagawa namin, ngayon we are free. Free to talk and tease each other na parang magkabarkada lang.

"Mag-aral ka kasi. Marami pa namang naga-assume na matalino ka dahil may pagka-introvert ka." Natatawang saad niya.

"Nag-aral ako no! Kasalanan ko ba kung lumabas agad sa utak ko? Duh!" Depensa ko at pabiro siyang inirapan.

"Ay, talaga ba?" pilosopong tanong niya.

Automatiko ko siyang inirapan, pero parang tanga lang dahil tawa nang tawa lang ang loko. Kulang na lang ay ma-dislocate ang mata ko kaiirap sa kaniya.

Akmang sasagot na sana ako nang bigla niyang pitikin sa noo ko. Maglilikramo na sana ako pero pinandidilatan niya ako ng mata.

"Umayos ka riyan. She's coming," alerto na saad niya.

Umayos pa ng upo at bumalik sa normal ang kaniyang ekspresyon. Lumingon ako para tingnan ang tinitingnan niya.

I was mesmerized by her beauty. Tama nga naman si Joshua at talaga namang nakaka-inlove. She looks like an angel wearing her floral dress. Nahiya ako sa sarili ko na naka-uniform lang. Magulo pa ang buhok at wala pang kulay ang labi.

She's like a living goddess.

"Hi!" Sa pagkatulala ko ay hindi ko man lang naramdaman na nasa tabi ko na siya.

Naramdaman ko na lang na kumakaway pala siya sa akin kaya nabalik ako sa huwisyo.

"Hello," nahihiyang bati ko sa kaniya at kumaway din.

Tumingin siya kay Joshua kaya dumapo rin ang tingin ko kay Joshua. Ang loko natulala pa talaga sa ganda ni Pamela. Well, I can't blame him. Maski ako nga natulala, siya pa kaya. I smiled secretly because of that. Finally, I won't feel guilty because of what I did.

Mabilis kong inapakan ang paa ni Joshua. Akmang sisigaw na sana pero nang makita si Pamela sa harap niya ay agad siyang ngumiti nang pilit. Siguro ay namimilit sa sakit dahil sa pagkakaapak ko.

"Hi, babe. Umupo ka." Mabilis na tumayo si Joshua at ipaghila ng upuan si Pamela.

"Thank you," pasasalamat ni Pamela.

Habang papaupo si Pamela ay mabilis akong nilingon ni Joshua at sinamaan ng tingin ngunit ngisihan ko lang siya. Pamela sit beside Joshua.

Sinipa ko sa ilalim ng mesa si Joshua dahil mukhang hindi pa naka-get over sa ganda ni Pamela.

Akmang maglilikramo sana siya pero pinaningkitan ko siya ng mata at binigyan ng 'ipakilala mo na ako' look.

"Ay nga pala, babe. Ito pala si Alliah." pakilala ni Joshua sa akin sa jowa niya, "She's my ex-girlfriend slash friend ko na ngayon. Alliah, girlfriend ko si Pamela."

"Alliah," pakilala ko at naglahad ng kamay.

I smile at her sweetly. I saw how she smile awkwardly dahil sa sinabi ni Joshua. Sinabi ba naman kasi na ex. Pwede namang sabihin na friend lang!

"Pamela," pakilala rin niya. Nang mahawakan ko ang kamay niya ay parang ayaw ko na itong bitawan.

Kaya pala nagkagusto si Joshua sa kaniya dahil nasa kanya na ang lahat. Ang lambot ng kamay at ang sarap pa pisil-pisilin.

"Omg, your hand is so soft!" Hindi ko mapigilang saad at pinisil-pisil ito.

Para akong bata sa ginagawa ko pero hindi ko talaga mapigilang mamangha. Ang lambot-lambot, daig pa ang special na mamon.

"Alliah, you're hurting her!" protective na saad ni Joshua at inagaw sa'kin ang kamay ng jowa niya.

I heard Pamela laughed softly because of what Joshua did.

"Oa mo naman. Parang hinawakan lang." Natatawang saad ko at pabiro siyang hinampas.

"Nako, ganyan talaga iyan. Napaka overreacting. Konting bagay pinapalaki," sabat naman ni Pamela at tumawa pero agad din siyang napatigil at napatuptup sa labi na tila nahihiya.

Bakas sa mukha niya ang pagka-guilty. Napatawa nalang ako sa inasal niya.

"Don't be shy, Pamela. Wala na akong feelings diyan kay Joshua. May bago na ako." Natatawang saad ko.

I saw how relieved she was.

"God! Kinabahan ako roon, a." Humawak pa siya sa dibdib na tila nakahinga nang maluwag.

Napatawa na lang kami ni Joshua dahil sa naging reaksyon ni Pamela

Matapos akong ipakilala ni Joshua sa bago niya ay agad na akong pumasok sa room. Nakaupo ako sa upuan habang naglalaro ng crossword puzzle. Wala pa namang professor kaya parang binagyo ang room namin dahil sa sobrang gulo. Kung may headset lang ako ay baka kanina ko pa ito sinalampak sa tenga dahil sa sobrang ingay ng mga kaklase ko. Kadalasan kasi sa kanila ay nanunuod ng Kdrama kaya sa tuwing may napapanood silang nakakakilig na part ay hihiyaw at titili sila.

Okay lang sana kung sila lang. Pero pipantayan din ito ng mga kaklase ko na lalaki na naglalaro ng ML. Kung makasigaw parang gusto ng maputol ang ugat sa leeg.

"Alliah, want mong sumama sa'min?" aya akin ni Jessica.

Medyo nagulat pa ako sa biglaan niyang pag-approach ngunit agad din na nakabawi.

"Saan?" Takang tanong ko at tumingin din kay Melvin at Alvin na nasa tabi niya.

"Cutting," saad niya at napakamot pa sa batok na parang nahihiya.

Akmang tatanggi na sana ako ngunit mabilis na nagsalita si Alvin.

"Sa rancho. Mangunguha ng mangga," seryosong sabat ni Alvin.

Napasimangot naman si Jessica. Siguro dahil binuking siya ni Alvin sa kaniyang kalokohan.

"I want to. But may gagawin pa kasi ako," nahihiyang tanggi ko at napakamot sa batok.

"Ha? Anong gagawin mo? Wala naman tayong assignment, a?" takang tanong ni Jessica.

"Mag la-"

I was about to say na maglalaro ako ngunit mabilis itong naputol nang may tumawag sa pangalan ko.

"Alliah!"

Mabilis na napatingin sina Jessica, Alvin, at Melvin sa sumigaw pagkatapos ay tumingin ulit sa akin si Jessica. Sa tingin niya ay parang may iba itong pinapahiwatig.

"May date ka pala ha!"




The Professor's Obsession Where stories live. Discover now