Chapter 16

1.2K 24 0
                                    

"Thank you," he said out of the blue moon.

Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa biglaan niyang pagpapasalamat.

"Para saan?" I asked and looked at the sky where he was looking at.

The view is so calming. Nakaupo lang kami sa swing na parang bata habang nakatingin sa langit. Hindi naman mainit dahil hapon na at may puno rin sa tapat namin.

"For today. For making me feel better," saad niya at tumingin sa akin.

My smile automatically formed at tumingin din sa kaniya. I bet we stare at each other for one or two minutes before kami nag iwas ng tingin.

"Thank you rin," matamis na puna ko dahilan para kumunot ang noo niya.

"Para saan?" Nagtatakang tanong niya.

I smile and shrugged. "For surviving... at para na rin sa lakas loob mo na lumaban kahit na nahihirapan kana."

He immediately looked away because of what I said.

"Ngayon alam ko na..." he stopped and looked at me. "Alam ko na kung bakit ka niya nagustuhan."

Agad namang napataas ang kilay ko dahil sa puna niya. Masyadong pa thrilling pa ang loko.

"Sino?" takang tanong ko.

Hindi ko aakalain na may magkakagusto pa rin pala sa isang katulad ko.

"Pollux," he said.

Napako agad ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Agad na tumibok ang puso ko nang marinig ang pangalan ni Pollux na para bang automatic na ang mabilis nv beat kapag pangalan niya ang naririnig ko.

"Paano mo naman nalaman? Galing mo naman gumawa ng fake news," saad ko at umiwas ng tingin habang pilit tinatakpan ang kaba.

Kahit hindi naman mainit ay pinagpapawisan ang ilong at noo ko dahil sa sinabi niya.

"Simply because..." he paused.

"Because? Tapusin mo agad! Pabitin ka masyado!" naiinis na saad ko.

Napatawa naman siya dahil sa inakto ko habang ako ay wala pa rin sa sarili.

"Excited? Hindi makapaghintay?" biro niya pa at napailing.

I pouted. "Paano ba naman kasi?"

"He's my cousin," he said and chuckled.

Agad naman na napanting ang tainga ko dahil sa narinig.

"W-what?" gulat na saad ko at napatayo pa sa swing.

"Pinsan mo si Pollux? As in, Pollux Dela Fuente? How come? Paanong hindi ko alam?" sunod-sunod na tanong ako at dahan-dahan na napaupo uli sa swing.

"Grabi ka naman maka-react." Natatawa niyang kaya inikutan ko siya ng mata.

"Anong gusto mong maging reaksyon ko? Wala lang? For god sake, Jared! He's your cousin pero hindi mo man lang sinabi sa akin at mas worst parang ayaw na ayaw mo pa sa kaniya," hysterical na saad ko at nag hand gesture pa na parang naguguluhan.

"I didn't say I don't like him, Alliah. I'm just warning you to stay away from him but you're so stubborn," sermon niya sa akin.

"I, bakit nga gusto mo akong palayuin sa kaniya?" kuryusadong tanong ko.

Imbes na makakuha ng matinong sagot ay nagkibit balikat lang siya kaya napasimangot na lang ako.

"Teka, paano mo nga naman siya naging pinsan? I, green ang mata mo habang sa kaniya brown," takang tanong ko.

Mukhang malabo naman yata dahil ibang-iba naman sila kung tutuusin.

"Kulay ng mata na ba ang basehan ngayon para masabing magpinsan ang isang tao?" Natatawang tanong niya dahilan para ikutan ko siya ng mata.

Minsan gusto ko rin batukan siya pero pinipigilan ko na lamang ang sarili ko na mapikon baka ma-high blood pa ako at mamatay ng maaga.

Sayang naman, wala ng maganda sa mundo. Joke!

"Hindi naman pero kasi, ibang-iba kayong dalawa. May lahi ka bang foreign o baka alien ka?"

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa mga walang kwenta kong tanong. Napapansin ko ay parang wala na talaga ako sa sarili nitong mga nakaraang araw. Epekto na yata ito sa isang tao na gusto kong makita at masilayan. Hindi ko na sasabihin kung sino, mukhang alm niyo rin naman.

Jared rolled his eyes at me. "Gusto mong makutusan?"

Mabilis akong napalabi dahil sa pagbabanta niya.

"Ikaw naman, hindi naman mabiro." Nakangusong saad ko at pabiro pa siyang hinampas, "So, ano nga? Paano mo nalaman ang ganoong issue?"

"It's obvious, Alliah," tipid niyang sagot, "And I bet he's fuming mad right now also," komento naman niya.

"Ha? Bakit?! Wala naman siya rito," komento ko at tumingin-tingin pa sa paligid.

He smirked. "Hindi ka ba aware?"

Mabilis na napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "Saan?"

He looked at me seriously. "That he's following you wherever you go."

"W-what?" Hindi makapaniwala na saad ko.

"Alam kong narinig mo ang sinasabi ko kaya hindi ko na uulitin," bakas sa boses niya ang pagka-irita.
Dahil sa gulat ay hindi ako makapagsalita.

Isang Pollux Dela Fuente? Laging nakasunod sa akin? Parang ang labo naman yata. Ni hindi na nga kami nag-uusap kapag magkasalubong kami, i.

"How come? Paano mo nalaman? Parang mababaliw na ako," tarantang saad ko at napahawak pa sa buhok na parang naguguluhan.

"Like what I said, pinsan ko si Pollux kaya I know him," napipikon na saad niya dahil sa pagtatanong ko.

Naguguluhan man ay hindi na ako umimik. Napabuntonghininga na lamang ako at tumingin sa kawalan habang pilit pinoproseso ang bawat salita na binitawan ni Jared ngayong araw.

Ngayon, hindi na ako masyadong nagtataka kung bakit magpinsan sila sapagkat ang ugali nila ay may magkatugma. Pareho silang masungit at madaling mapikon.

Parang natakot tuloy akong tanungin ulit siya tungkol kay Pollux at baka may iba na naman akong malaman.

"Hindi ba natin pag-uusapan ang tungkol sa foundation?" pag-iiba ko ng usapan.

I tinukod ko ang paa ko upang mag swing.

Mas pinili ko na lamang na ibahin ang usapan dahil baka mapahiya na naman ako dahil sa katatanong ko.

"I'll just handle it," tipid na sagot niya.

"Ay, grabe ka. I can help you rin naman tungkol doon." Nakangusong saad ko at tumigil sa pag-swing.

Parang kanina lang ay pinapunta niya ako para pag-usapan ang tungkol sa Foundation Day, pero ngayon inaako na niya ang mga gagawin.

Parang tanga lang!

"Huwag na, ako na ang bahala. Just enjoy dahil alam kong sa susunod na linggo ay tadtad na naman tayo ng projects," senserong saad niya at ngumiti.

"Wow! Mabait ka rin naman pala, i, 'no?" nakangiting saad ko.

Binigyan ko siya ng mapang-asar na tingin but he just raised his brows. I smile widely while looking at him.

Behind those cold green eyes and being malevolent, he's also capable of care and love.












The Professor's Obsession Onde histórias criam vida. Descubra agora