Chapter 14

884 15 0
                                    

Tahimik akong nakadapa sa kama habang nanonood ng K-drama. Todo tili at sipa lang sa ere ang ginagawa ko sa tuwing kinikilig ako. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung apat na lalaki ang magkakagusto sayo at puro gwapo pa!

Panandaliang nawala sa isip ko ang nangyari noong nakaraang araw. Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin na iba na ang naramdaman ko kay Pollux.

Malakas akong tumili nang malapit nang maghalikan ang female at male lead. Pero imbis na paglalapat sa labi ang makikita ko ay pangalan ni Joshua ang nagpakita. Inis akong umupo sa kama at sinagot ang tawag niya.

“Bakit ba? Nanood ako ng k-drama rito, disturbo ka!” Naiinis na bungad ko sa kaniya pero hindi man lang siya nahiya o nagalit dahil tinawanan lang ako.

“Easy. Gusto pa naman kitang i-treat pero huwag na lang.” Agad na nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya.

Kinuha ko ang unan at nilagay sa lap ko habang pinaglalaruan ito.

“Ikaw naman ‘di mabiro, saan ba?” mabilis na bawi ko sa sinabi ko kanina.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya. Kahit hindi ko siya nakita ay alam kong napailing siya.

“Huwag na. Iba na lang isasama ko,” pang-aasar pa niya.

“Ako na nga, i! Gagong ‘to, saan ba? Now na?” atat na atat na tanong ko.

Mabilis akong nagbihis kahit hindi pa siya pumayag. Nakaligo na rin naman ako kaya go na.

After how many minutes ay napapayag ko na rin ang siya. Isasama naman pala gusto pang pinipilit, jusko!

Dahil sa sobrang excited ko dahil sa wakas ay makakapunta na rin uli ako sa mall ay hindi na ako nagdala ng extra na pera at tanging pampamasahe lang ang dala ko.

Nasa labas pa lang ako ay tanaw ko na si Joshua sa loob na nagce-cellphone habang nakaupo. Nakaputing t-shirt na de-kwelyo at itim na short naman sa ibaba na pinarisan ng itim na sapatos.

Mabilis ko siyang pinuntahan. Agad naman niya akong napansin kaya mabilis siyang tumayo bitbit ang isang paper bag at sinalubong ako.

“Kanina ka pa?” tanong ko sa kaniya pagkatapos ay bumitaw sa pagkakayakap.

Days passed and many things changed between the two of us. We normalized hugging if we greet each other and holding his arms while walking. Parang best friend lang ganoon.

“Not really. By the way, wear this,” inabot niya sa akin ang isang itim na cap na inilabas niya mula sa paper bag.

Halatang bagong bili pa ito dahil hindi man lang natupi at kakaiba ang amoy na para bang galing pa sa mall.

“Para saan 'to?” Naguguluhan na tanong ko habang inaayos ang cap.

Kumuha naman siya ng isa pa na kagaya nang sa akin mula sa paper bag at sinuot ito.

“For protection lang,” saad niya at inaayos ang cap niya.

Napagiwi na lang ako sa naging sagot niya. Masyadong unspecific kung sumagot. Para tuloy kaming magii-spy sa sout naming cap. Kung hindi man mapagkamalan na spy ay baka mapagkamalan pa kaming mag-nobyo.

“Protection ka riyan. Be specific nga. Mukha na tuloy tayong spy nito. Mas worst baka mapagkamalan tayong thief,” Lekramo ko habang naglalakad at nakasunod lang sa kaniya.

“Nah, just want to hide from my girlfriend,” sagot niya na ikinatigil ko.

“And why would you do that?” takang tanong ko.

Perhaps he still likes me?

“Because she's also here in the mall and I want to buy her a necklace and surprise her using it. That’s why I don't want her to know that I'm also here baka mabulilyaso lahat ng plano ko,” sagot niya at tumigil din.

The Professor's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon