Chapter 25

812 14 0
                                    

“Pollux, ano ba! Masakit!” mangingiyak na puna ko.

Mabilis akong napatayo habang pilit inaalis ang kamay niya na nakahawak sa akin. Maslalong dumilim ang tingin niya dahil sa sigaw ko. Maslalo akong natakot dahil sa ugaling pinakita niya. Hindi naman bago sa akin kung paano siya magalit ngunit kakaiba ang pinakita niya ngayon.

“You fucking lied to me, Alliah!” Galit na sigaw niya.

“Ano bang sinasabi mo! Napaka-moody mo talaga, daig mo pa ang babae! We’re happy kanina tapos ngayon, bigla-bigla ka na lang nagagalit nang hindi ko man lang alam ang ra–”

“Jared! Jared is the one who f*ck*ng lend you that jacket!” sigaw niya na ikinatigil ko.

When he saw how shocked I am, he smirked and laughed bitterly. “Ano? Hindi ka makasalita kasi totoo?”

Ang mataas niyang boses ay biglang bumaba. Kung kanina ay nanlilisik ang kaniyang nata, ngayon ay parang napapalibutan na ng tubig na kulang na lang ay iiyak.

“I lied dahil alam kong magagalit ka,” pag-amin ko sa kaniya at napayuko.

Gulat man sa kung paano niya nalaman ay mas nangingibabaw pa rin sa akin ang pagka-guilty.

“Natural, magagalit ako dahil akin ka! You should be using my clothes not his clothes!” pangangaral niya at napasabunot pa sa buhok na tila gigil na gigil na sumuntok.

“I-I'm sorry,” puno ng senseridad na saad ko at tahimik na pinaglalaruan ang darili sa likod ko.

Nabalot ng katahimikan ang opisina niya. Walang nagsalita sa amin at tanging malalim na hininga lang niya ang naririnig ko habang ako ay paulit-ulit na kinakagat ang labi. Ilang sandali pa ay mabilis siyang  tumayo at lumabas pagkatapos ay padabog na sinara ang pinto habang ako ay tuluyan ng napaupo.

Bagsak balikat akong bumalik sa klase hanggang sa pag-uwi ng bahay. Hindi ko kasi mahagilap kahit anino ni Pollux buong maghapon.

Nakanguso ako ngayon habang nanonood ng balita. Walang gana dahil sa nangyari. Nang mag-ring ang selpon ko ay mabilis pa sa kabayo akong napatayo at nagbakasakali na si Pollux ang tumawag. Ngunit mabilis na napawi ang ngiti ko nang makitang si Joshua ang tumawag.

“Hoy, Alliah! Alam mo bang sikat ka na ngayon?!” bungad agad sa akin ni Joshua na ikinaikot ng mata ko.

Minsan na nga lang tumawag nakiki-tsismis pa.

“Okay ka lang ba? I’m sorry for what professor Pollux did to you,” pag-iiba ko ng usapan.

Malamang ang tinutukoy niyang pagiging sikat ko ay ang issue namin ni Pollux kanina sa room.

Sino ba naman ang hindi maging instant celebrity kung ang isang professor ay nagkaroon ng relasyon sa estudyante niya, diba?

Inaasahan ko rin naman na kumalat agad ‘yon dahil maraming tsismosa sa mga kaklase ko, daig pa ang news reporter.

“Okay lang. Ngayon alam ko na kung bakit siya ganoon. Ikaw ha! Si Sir Pollux pala ang sinasabi mong crush mo,” tudyo niya pa.

Napatawa na lamang ako dahil sa panunudyo niya. Parang kailan lang, nakikipag-usap kami isa't isa bilang magka-relasyon, pero ngayon bilang kaibigan na.

“Anyway, aware ka na ba talaga?” tanong niya uli.

“Saan? Sa landian namin ni Pollux sa room kanina?” tanong ko sa tanong niya.

“Hindi ‘yon! Channel 45 kaba nanonood now?” atat na atat niyang tanong.

My forehead creased because of his question.

“Hindi. Bakit ba?”

“Basta, i-switch mo sa channel 45 nang malaman mo!” saad niya at mabilis na pinutol ang tawag.

Gaya nang sinabi niya ay nag-switch ako sa channel 45, out of curiosity. Muntik na akong mapaupo sa sahig dahil sa sobrang gulat, buti na lang at napahawak ako sa sofa kaya sa sofa ako napaupo.

JUST IN:
The hot and young CEO of D.F. company is no longer single. He was caught on cam having a sweet romance inside the campus that he owned.

Napailing ako na tila hindi makapaniwala sa nangyari.

Pollux Dela Fuente?  Isang CEO? How come?

Bakit siya nagtuturo sa paaralan niya kung may kompanya siya na dapat niyang bigyan ng pansin?

Nakita ko ang mukha niya sa TV na pormal na pormal ang suot niya. Ngayon ko lang napansin na talagang mamahalin ang mga gamit niya. Mula sa bag niya na LV, damit niya Gucci, at relo niyang rolex.

Bakit nga ba hindi ko napansin ‘yon? Masyado akong nabulag sa mga pangyayari kahit simpleng bagay sa paligid ay hindi ko man lang napansin. Alam ko naman na mayaman siya ngunit hindi ko akalain na isa pala siyang CEO at pagmamay-ari niya pa ang paaralan na pinasukan ko?

“Ano ang masasabi mo sa mga fans at supporters mo ngayon na alam ng buong mundo na engage ka na, Sir?” tanong ng reporter.

I saw Pollux smile and speak, “Thank you for supporting me and I hope you’re all happy that I finally found my happiness.”

“Maghihiwalay pa ‘yan for sure. Kaya maghihintay kami!” rinig kong sigaw ng isang supporter niya.

Hindi pinakita ang mukha noong sumigaw at tanging nakatutok lang kay Pollux ang camera kaya nakita ko kung paano siya ngumiti at nagkibitbalikat.

“I doubt that. Binabantayan ko nga nang todo para hindi ako hiwalayan.”

Narinig ko ang malakas na sigaw ng mga tao. Maski reporter ay napatawa at nakitili rin.

Nasa ganoon akong posisyon nang may kumatok sa pinto. Mabilis na napunta ang tingin ko sa pintuan at dahan-dahan na napatayo. Muntik pa akong ma out of balance dahil hindi pa masyadong naka-recover sa gulat kanina. Without turning off the TV, pumunta ako sa pintuan baka si mama na ang kumatok.

Muntik na akong matumba dahil sa gulat nang bumungad sa akin ang mukha ni Pollux. Suot-suot niya ang damit na ginamit niya sa interview. Nag-aabang ako na mapaupo sa semento ngunit isang mainit na braso ang yumakap sa likod ko.

Ang mapungay niyang mga mata ang unang bumungad sa akin pagmulat ng mata ko. Dahil sa pagtataka ay mabilis akong napalayo sa kaniya at umiwas ng tingin.

How could a successful business man hold trash like me?

Hindi siya nababagay sa isang katulad ko na mahirap lang.

He deserves someone better. Someone who's on the same level as him.

“W-what are you doing here?” nauutal at halos bulong na tanong ko sa kaniya.

His brows instantly raised. “Am I not allowed to visit my fiance?”








The Professor's Obsession Where stories live. Discover now