CHAPTER 25

54 2 4
                                    

I feel like I've gone back to being a toddler

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I feel like I've gone back to being a toddler. 'Yong panahong walang ibang bagay ang mahalaga sa akin bukod sa paglalaro at ang purihin ako ng mga magulang ko, lalo na ni Papa.

Naka-squat sa tapat ko si Papa, hawak-hawak ako sa ulunan matapos kong magkuwento tungkol sa mga magagandang bagay na nagawa ko habang wala siya.

"Good girl talaga ng anak ko!"

Malapad ko siyang nginitian.

"Na-miss po kita, Papa!"

"I missed you, too."

"Hindi na po ba tayo maghihiwalay?"

Nginitian niya ako habang patuloy sa paghaplos sa aking ulunan.

"Hindi mo ba sila naririnig?"

Napakurap ako. "Sino po?"

"Ang mga kapatid mo."

"Mga kapatid?"

Sumakit ang aking ulo dahilan para mapapikit ako. Ang alam ko lang, isa lang akong anak nila ni Mama, kaya sinong mga kapatid ko ang tinutukoy niya?

"Ate... Gumising ka na, please?" Rinig kong boses ng isang babae.

"Sabi ko naman sa 'yo, Ate, wala lang 'yon sa amin, e. Hindi mo 'to kinailangang gawin." Boses naman iyon ng isang lalaki.

At pareho silang umiiyak.

Hindi ko alam, pero napaiyak din ako.

"Hinihintay ka na nilang bumalik, anak."

Nang balikan ko ng tingin si Papa, nakatayo na kami pareho. He is still taller than me, but I don't remember myself being this tall around him.

"Pati na ng boyfriend mo," dagdag pa niya sabay ngiti nang nakakaloko.

"Boy... friend?" Nalilito kong ulit.

"I miss you, too, my love. I swear, hindi na kita papakawalan pang ulit sa susunod. Whether you ask me to or not, I'll stay by your side."

Napayakap ako sa aking sarili, ang mga mata ko ay hindi napigilang maluha.

"L-Leo..." Pagbanggit ko sa pangalan ng lalaking narinig ko.

My heart is hurting. Para itong sinasakal at hindi makatibok nang maayos.

"Ate Dani..." That's Domi.

"Ate..." And Dion.

Suddenly, I remember their names.

Hinawakan ni Papa ang magkabilang pisngi ko.

"While I wanna be with you, too, I'll be happier if you will keep on living together with them: sila na mga taong mahal mo at mahalaga sa 'yo. Because they feel the same way. They love you, too, Danica. And they still want to be with you."

Whatever love means (Love Definition Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon