PROLOGUE

85 4 0
                                    

HINDI ako makapaniwalang kaharap ko siya ngayon, with him wearing a white tuxedo, his hair brushed up, his high cheekbones much more obvious than usual dahil sa hindi mapatid na pagngiti ng kanyang mga labi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI ako makapaniwalang kaharap ko siya ngayon, with him wearing a white tuxedo, his hair brushed up, his high cheekbones much more obvious than usual dahil sa hindi mapatid na pagngiti ng kanyang mga labi.

While both of us are smiling, pareho ring maaaninag sa aming mga mata ang kaonting luha na namuo dahil sa paghayag namin ng wedding vows para sa isa't isa sa harap ng pamilya't kaibigan naming saksi sa aming pag-iisang dibdib.

"In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, Leonel, my husband, please take and wear this ring as a sign of our marriage vows."

Nauna ako sa pagsuot ng wedding ring sa daliri ni Leonel. Then it's his turn.

"In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit," Leonel pauses as he makes me wear our wedding ring. "My love, my wife, Danica, please take and wear this ring as a sign of our marriage vows.

Nanatili kaming magkahawak kamay, ang mga mata namin ay nakatuon pa rin sa isa't isa habang ang mga labi namin ay hindi na tumigil sa pagporma ng matamis na ngiti.

"Leonel and Danica, as a witness of your vows for marriage before God, by the authority invested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."

Sa sinabing iyon ng aming pastor, hinawi na paitaas ni Leonel ang belo ko. Napahawak naman ang isa kong kamay sa braso niya para alalayan ang aking sarili.

Ang totoo, nanghihina na ang mga binti ko dahil sa pagmartsa ko kanina at dahil sa ilang beses na pagtayo at pag-upo namin the whole ceremony.

Ang hirap lang nang may sakit na iniinda kagaya ng sa akin. Kahit anong tagal at effort ko noon sa pag-take ng therapy at pag-practice sa bagay na ito, hindi ko pa rin talaga makontrol ang kapasidad ng mga binti ko.

Nag-aalalang napatingin si Leonel sa kamay ko. Malamang alam na niya ang nangyayari sa akin.

Agad din niyang binalik ang kanyang paningin sa akin at muli akong nginitian.

"Gotchu, my love," bulong niya sabay kilos para buhatin ako, bridal-style.

Nagulat ako sa ginawa ni Leonel. Napalingon ako saglit sa mga bisita namin at nakita kong maging sila ay mukhang nagulat. Pero lahat din halos sila ay nakangiti nang mapanukso sa amin.

Inayos ko ang aking  pagkaka-angkla sa leeg ni Leonel at tumitig sa kanya. Nanatili lang siyang nakangiti sa akin habang buhat-buhat ako.

"I can't kiss you, so ikaw ngayon ang humalik sa akin." may halong panunukso niyang utos sa akin.

Halos simangutan ko siya. Pero natawa na lang din ako kasabay ng paghawak ko sa isa niyang pisngi. And I kiss him on his lips--his lips that I can't really get enough off.

After 8 years of being together, after everything we have gone through, hindi pa rin talaga ako makapaniwalang mauuwi rin kaming dalawa sa kasal.

8 years ago, we didn't care about love.

"Whatever love means." That was what we both used to say.

But I guess, we really just happened to be at the right place and at the right time nang makilala namin noon ang isa't isa.

8 years ago...

8 years ago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N:

Featured inspiration song: Hold Me Now by Block B

The first time na sinulat ko 'tong Prologue, naisip ko, parang pang-Epilogue ang eksena😂

Anyways, ang magiging kuwento nito is parang retelling lang ng main female lead(Danica) sa kuwento nila ng kanyang napangasawa(Leonel). Kaya light lang ito with a bit of drama.

Chapter 1 to be posted on 9 Sept, then every night at 6pm ang posting ng update.

See you and thank you for reading!

-Azure🌸

Whatever love means (Love Definition Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon