CHAPTER 7

24 3 0
                                    

"'TEH Dani, okay ka lang?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"'TEH Dani, okay ka lang?"

Napakurap ako sa tinanong ni Jane.

"Oo naman. Bakit?"

"Kanina ka pa natutulala." Halos kumunot ang noo niya sa akin. "May problema ba diyan sa project mo ngayon?"

"Ahhh," Binalik ko ang aking paningin sa PC monitor na nasa aking tapat. "Hindi ko alam... Nahihirapan lang ako..."

"E? Seryoso, 'Teh Dani? Ikaw, nahihirapan sa project mo ngayon?"

Natawa ako sa pag-arte ni Jane na nabigla. "Uy, grabe, ha!"

"Never pa kaya kita narinig na nagsabi ng ganyan sa kahit na anong project mo! Sa tagal na nating magkasama rito, ngayon lang 'to nangyari."

Nakangiti akong huminga nang malalim.

Ang totoo, hindi naman talaga ang project ko ang tinutukoy ko.

"Lalabas muna ako saglit," paalam ko sabay tayo. "Lalaklak muna ako ng banana milk."

"Ah, saglit, pasabuy ako!"

Nag-abot ng pera si Jane at nagpasabay bumili ng cookies.

Sa pagbaba ko ng building, muling bumalik sa akin ang bagay na bumabagabag sa akin: ang naging huling pag-uusap namin ni Leonel noong nakaraang linggo noong nagsabay kaming mag-lunch.


***

"WHATEVER love means... Would you like to find it out together with me?"

Bahagya akong napanganga sa tanong na iyon ni Leonel.

"Ha? Anong... Anong ibig mong sabihin?" nalilito kong tanong pabalik sa kanya.

Nanatili siyang nakatingin nang diretso sa mga mata ko habang nagpapaliwanag.

"I am also not sure myself kung ano ba talaga ang love. How do we know if we are already falling? How can we tell if it's really love? And when I gave it a thought, that if I am to figure out what love really means, I want it to be with you. Because I think I like you."

Lalo pa akong napanganga sa tahasan niyang pagsabi no'n.

"T-teka, teka." Nagtaas ako ng isang kamay para pahintuin siya kasabay ng tensyonado kong pagtawa. "Sabihin mo. Nagbibiro ka lang, hindi ba?"

"Do I look and sound like I am joking right now?" Seryoso nga ang hitsura at tono niya.

Muli akong natawa. "Nako. Huwag ka ngang magpadalos-dalos sa bagay na 'yan."

"Paanong huwag magpadalos-dalos? Gaano katagal na ba since nakilala kita? Just so you know, nagsimula ang lahat ng ito noong unang beses mo akong kinausap tungkol din sa bagay na 'to. I've been thinking about you and about this ever since."

Whatever love means (Love Definition Series #2)Where stories live. Discover now