EPILOGUE

120 2 5
                                    

"HEY, bakit ka nagtatakip ng mukha?"

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

"HEY, bakit ka nagtatakip ng mukha?"

"Nakakahiya kaya."

Natawa si Leonel sabay marahan na hinatak ang isa kong kamay na nakatakip sa aking mukha.

Niyukuan ko siya. Nakita ko ang nakakaloko niyang ngiti, maging ang katawan niyang walang suot na pang-itaas at nananatiling tadtad ng mga tattoo.

It's our siesta time. Nakaupo ako sa sofa namin sa salas, habang si Leonel naman ay nakahiga, ang ulo niya ay nasa kandungan ko. Hawak pa rin niya ang kamay kong may suot na wedding ring namin habang dikit-dikit iyon sa kanyang pisngi.

"Nahihiya ka pa rin kahit pang-ilang beses na natin 'yang napanood?"

Halos mapasimangot ako kasabay ng pagbaling ng aking paningin pabalik sa TV na nasa aming harapan. May naka-play na video roon, which is 'yong wedding video namin.

Totoo, ilang beses na namin 'yon napapanood. Minsan kapag nagbo-browse si Leonel ng puwede naming mapanood tuwing nagpapahinga kami at wala siyang mapili, iyon ang mapapag-trip-an niyang i-play.

"Feeling ko ang goal mo na lang sa pag-play ng wedding video natin ay hindi para manood, kundi para makita akong nahihiya."

Pigil siyang natawa. "Hindi kaya. What I actually want to happen is for you to get past that stage and finally be comfortable and proud tuwing pinapanood natin 'to. What's there to feel shy, anyway? E, ang ganda mo namang bride. You made our entire wedding beautiful."

"Loko," Pinisil ko ang kanyang pisngi.

"Whatever love means, we both used to say."

Pareho kaming napatinging muli sa TV nang nag-play na ang part kung saan binabasa ko ang wedding vow ko para sa kanya.

"Pero sabi mo nga, we happened to be at the right place at the right time noong magkakilala tayong dalawa. Noong una, ayaw ko pa maniwala. Noong una, ayaw ko pa sa 'yo. I kept on building walls around me, between us, while you persisted and tried crushing them all down para makapasok ka sa mundo ko—at sa buhay ko."

Naka-focus sa akin video habang palipat-lipat ang aking paningin kay Leonel at sa maliit na papel na hawak ko.

"Before all that, kuntento na ako sa takbo ng buhay ko noon kasama ang mga kapatid ko who were always my priority. Ang plano at gusto ko lang noon, mapagtapos ko sila ng pag-aaral. That was why I turned you down nang yayain mo akong makipag-date sa 'yo. Pero super tigas ng ulo mo that time. At na-frustrate talaga ako sa 'yo noon, ha?"

The video then shows our guests na natawa sa sinabi ko.

"But I guess I was just too scared of the idea of romantic commitments—of the idea of love itself. Because to be honest, attracted na ako sa 'yo noon. I just didn't want to take any risk. Ayaw ko lang ng problema. And yes, I did see you as a potential life problem back then. Sorry na talaga, pero na-judge kita noon dahil sa edad mong mas bata sa akin at sa pormahan mong ang lakas maka-bad boy."

Whatever love meansWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu