CHAPTER 6

29 3 0
                                    

"ATE, ate, gising!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ATE, ate, gising!"

Napadilat ako sa pagtawag at pag-alog sa akin ng nakababata kong kapatid na babae na si Domi.

"B-bakit?" Antok kong tanong.

"'Yong inuwi mo kagabi na Magic Sakura Tree, ang ganda na!"

Natigilan ako, tila nag-loading ang utak ko. Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi pagkauwi ko.

Nang makarating ako kagabi rito sa bahay, agad akong kumain kasama ang mga kapatid ko. At bago ako natulog, doon ko lang nagawang kalikutin ang laman ng paperbag na binigay ni Leonel sa akin.

Ang laman no'nay isang papercraft kit na tinatawag na Magic Sakura Tree. Meron itong maliit na cardboard na hugis katawan ng puno na kinailangan kong i-set up sa round plastic stand na kasama sa kit. Pagka-set up ko sa katawan ng puno, gaya ng sabi sa instructions, binuhos ko sa cardboard na iyon ang isang pouch ng tinatawag na magic water. Pagkatapos ay maghintay raw ako ng 6 up to 24 hours para mag-full bloom 'yong Magic Sakura Tree.

Kasama si Domi, bumaba ako sa salas namin. Sa coffee table na naroon nakapatong 'yong Magic Sakura Tree, almost full bloom dahil sa pink crystals na tumubo sa ibabaw nito na nagsilbi at nagmukhang mga cherry blossoms.

"Ang ganda nga..." bulong ko.

Gamit ang hawak-hawak kong phone, ilang beses ko 'yong kinuhanan ng picture.

"Saan mo nabili yan, Ate?" tanong ni Dion, ang nakababata ko namang kapatid na lalaki. Nasa kainan siya kung saan abala siyang maghanda ng almusal namin.

"Regalo raw 'to ng katrabaho niya sa kanya." Si Domi ang sumagot.

"Online daw niya nabili 'to, e." dagdag ko habang isa-isang chine-check 'yong kinuha kong pictures. "Gusto mo rin ba bumili? Tatanungin ko siya mamaya kung saan niya mismo nabili."

Hindi na sumagot si Dion at nagpatuloy lang sa ginagawa.

Naghilamos na ako at sinabayan ang mga kapatid ko sa pagkain ng almusal.

Ganito ang eksena namin sa araw-araw dahil lahat kami ay may pasok, puwera na lang kung weekend.

Si Dion ang laging nakatoka sa pagluluto dahil sa aming magkakakapatid, siya ang matino at magaling magluto. Nagluluto na rin siya ng ihahapunan namin na puwede ilagay sa ref para iinitin na lang namin mamaya pagkauwi naming lahat. Iba-iba kasi ang oras ng uwi naming tatlo.

Kung sa pagliligpit at paghuhugas naman ng pinagkainan at pinaglutuan, kami ni Domi ang gumagawa no'n.

Ang nakakatuwa sa mga kapatid ko, marunong sila magkusa pagdating sa mga gawaing bahay. May pagkakataon nga lang na nagtatalo silang dalawa, pero hindi naman seryoso. Huwag nga lang siguro kapag usapang paboritong pagkain na kinukuha't kinakain ng isa. Minsan kasi nangangagat si Domi kapag galit dahil kinakain ni Dion ang nakatabi niyang pagkain.

Whatever love means (Love Definition Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon