CHAPTER 17

30 2 4
                                    

HINDI ko maipaliwanag kung ano eksakto sa pakiramdam ang pagiging officially in a romantic relationship

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HINDI ko maipaliwanag kung ano eksakto sa pakiramdam ang pagiging officially in a romantic relationship.

On the outside, parang wala itong kaibahan sa pagde-date namin ni Leonel noon. Halos lahat ng ginagawa namin noon, ginagawa pa rin namin ngayon. Though we still do not do PDA in the office pero mas madalas na kaming nagla-lunch nang magkasama. We also and still go out on a date on our rest days, usually to see movies, at kumakain pa rin siya minsan sa bahay kasama ang mga kapatid ko.

If anything has changed, it's us being more comfortable with skinship. We hold hands most of the time and we hug each other a lot as long as it's just the two of us together. And of course, we kiss—much more often than I've expected it to be. Para bang bigla-bigla, naging emotionally and physically attached ako kay Leonel. Ang bilis ko lang nasanay bilang girlfriend niya.

"Doon mo na lang ihinto sa may poste," Tinuro ko 'yong susunod na poste na madadaanan ng sasakyan namin ni Leonel.

"Okay," he steers his car on the left-most side at hininto ito sa tapat ng poste na tinuro ko.

Tinanggal ko na ang seatbelt at bababa na kaagad sana ako ng sasakyan, nang mapansin ko si Leonel na inaayos ang kanyang suot. Isa ito sa mga araw na hindi siya naka-headwear or long-sleeved top. He's just his simple and soft-looking self in a white T-shirt, making his arm tattoos visible, na hindi ko magsasawang sabihin na gustong-gusto kong nakikita.

Kamuntikan akong matawa. Napatingin tuloy siya sa akin, ang mga mata niya ay namimilog sa pagtataka.

"Bakit ka tumatawa?" May paninita sa kanyang tono.

"Bakit ka kasi nag-aayos ng sarili na para bang literal mong makakaharap ang tatay ko?"

"Who knows, baka nasa paligid lang ang espiritu niya para makita ka. Meaning, posible rin niya akong makita, so I gotta be presentable." seryoso niyang paliwanag. Para akong kinalibutan doon.

"Hoy, loko 'to. Magtigil ka nga?"

Siya naman ang kamuntikang matawa. "Uy, takot?"

"Hindi 'no. Halika na nga!" Natatawa akong bumaba ng sasakyan.

Today is my dad's 22nd death anniversary kaya napag-usapan namin ni Leonel na bisitahin ito sa himlayan nito sa isang sementeryo.

Bumaba na rin si Leonel ng sasakyan at kinuha sa backseat ang maliit na paso ng puting mga rosas at aster na binili namin sa labasan.

Nang isara niya ang pinto ng sasakyan, nagtinginan kami at nginitian naminn ang isa't isa.

"Tara," yaya ko sa sabay hawak sa isa niyang kamay.

Ginantihan niyang hawakan ang kamay ko habang naglalakad kami sa pathway hanggang sa makarating kami sa isang itim at marble na puntod na may pangalan ng aking ama: Dennis Bandejas.

Tinulungan ako ni Leonel na ikalat ang mga bulaklak sa puntod ni Papa. 'Yong kandila, siya na rin ang nagsindi gamit ang posporo. Pareho nga lang kaming natawa dahil hirap na hirap siya sa pagsindi at napakahangin.

Whatever love means (Love Definition Series #2)Where stories live. Discover now