CHAPTER 14

37 2 1
                                    

VALENTINE'S Day at may pasok kami sa office

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

VALENTINE'S Day at may pasok kami sa office. Everyone is giddy, except for me.

May plano kami ni Leonel na mag-date mamaya pagkatapos ng trabaho namin. Napagkasunduan naming manood ng movie sa mall. Pero na-cancel iyon dahil hindi siya nakapasok ngayong araw—dahil nagka-trangkaso siya.

"'Teh Dani, chill! Valentine's day e, pero work-work ka pa rin diyan." tukso sa akin ni Jane sabay kagat sa hawak niyang chocolate cupcake na pinamimigay sa office.

Masaya ngayon sa office dahil sa mini Valentine's event na hinold ng management namin. Pero ayun ako, tutok na tutok sa tapat ng laptop ko at nagtatrabaho.

"Ang dami ko pa kasing pending na project." Halos nakanguso kong reklamo kay Jane.

Nginuya't nilunok muna ni Jane ang kinakain bago ako sinagot.

"Oo nga. Bakit ba kasi sobrang dami mong tinanggap na project last week?" Naguguluhan ang hitsura niya.

Last week, hindi ko rin alam kung bakit oo lang ako nang oo sa mga in-offer na projects ng mga managers namin. Nagduda at sinabihan na ako ni Jane noon na baka hindi ko matapos on time 'yong mga projects ko. Pero ako 'yong si "Hindi 'yan, kaya ko 'yan" with matching confidence. Tapon ngayon ayun ako, nagkukumahog habang ang mga kasama ko, nagsasaya.

"Ang dami-dami mong energy last week noong tinanggap mo mga project mo. Ngayon bigla-bigla para kang nawalan ng inspirasyon." dagdag pa ni Jane. "An'yare, 'Teh?"

Doon ako natauhan.

Parang nawalan daw ako ng inspirasyon?

Naalala ko si Leonel. Normal man na sa akin ang maging workaholic sa trabaho, pero sa dalawang linggong lumipas mula nang mag-date kami, parang biglaan, lalo akong nagkaroon ng gana magtrabaho.

"Uhm," Naiilang akong natawa kay Jane. "Siguro kasi nakakapanghina lang 'yong thought ng Valentine's?"

Napahampas si Jane nang isang beses sa desk niya habang nanlalaki ang mga mata sa akin. "Kaya nga niyayaya kita na sumama ulit sa akin na mag-clubbing sa Friday. Malay mo sa pagkakataon na 'yon, makahanap ka na talaga ng lalaki na para sa 'yo."

"H-hindi, hindi na." Tensyonado akong napawagayway ng mga kamay. "Hindi talaga para sa akin ang clubbing. Ayaw ko na ulitin 'yong... 'yong nangyari last time... Baka bigla-bigla iwanan lang ulit kita."

Naalala ko si Charles. Sa totoo lang, hindi ko na ulit susubukang mag-clubbing dahil sa kanya.

Hanggang ngayon, wala pang alam si Jane tungkol sa nangyaring iyon sa amin ni Charles—kahit pa 'yong nangyari sa amin ni Leonel. Alam nga niyang may nakilala ako noon na kamuntikan kong makamabutihan, pero ayun lang ang nalalaman niya.

Pinanliitan ako ng mga mata ni Jane. "Alam mo, 'Teh? Feeling ko may nililihim ka sa akin."

Natameme ako't kinabahan.

Whatever love meansTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang