CHAPTER 21

24 2 2
                                    

TOTOO nga ang karma

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TOTOO nga ang karma.

"Finally, every other possible cause has been ruled out."

It doesn't matter kung ngayon ay bumabawi ako sa mga kapatid ko. Hindi pa rin nito mababago ang mga maling naramdaman at nagawa ko sa kanila noon.

"Lahat ng tests na ginawa natin, they all suggest na Multiple Sclerosis nga rin ang dahilan ng mga nararanasan mong sintomas, just like your dad's."

That is why I know I deserve this.

"We just can't tell yet what type exactly yours is, if it's progressive or not. So we have to continue monitoring you. For now, you have to move with extra care dahil hindi natin masasabi kung kailan aatake ulit ang mga sintomas sa 'yo at kung gaano iyon magiging kalala, at pati na kung anong sunod na maaari pang maapektuhan sa 'yo."

Deserve ko ang karma na ito.

Dalawang beses pa akong bumalik sa clinic ni Dra. Kim on separate appointments para makumpleto ang tests na ni-recommend niya at para makasigurado kami sa kondisyon ko. At gaya ng kinatatakot ko, nakompirma na nga namin na nakuha ko ang kaparehong sakit ng aking ama.

Ang sabi, 1% lang ang chance na makuha ng anak ang sakit na ito mula sa kanilang magulang. Kaya parang gusto ko na lang matawa dahil sa liit ng tsansa na iyon, nakuha ko pa rin ito.

Maybe this is just how karma works.

Matapos ng huling appointment ko kay Dra. Kim, nanatili akong nakaupo sa main lobby ng ospital. Kung hindi ako natutulala, pinapanood ko ang iba't ibang pasyente na sinusugod sa emergency rooms.

I wonder, karma rin kaya ang nangyayari sa kanila? Masama rin ba silang tao kagaya ko?

E, si Papa? Naging masamang tao rin ba siya noon?

Naluha ako nang maalala ko kung paano onti-onting nagdusa si Papa noon sa sakit na ito. Nagsimula siya sa paghihirap sa paglalakad. Ilang beses ko rin siyang nasaksihan na nadapa. Pero parati niyang sinasabi na okay lang siya. Basta raw kasama niya kami ni Mama, magiging okay lang siya.

Hanggang sa tuluyan nang nabulag at naparalisa ang kalahati ng katawan ni Papa, nanalig siya sa pagmamahal na mayroon sa pagitan nila ni Mama. Pero anong kinahantungan niya? Silang dalawa: anong kinahantungan nila sa pagmamahal nilang iyon?

Nag-vibrate ang hawak kong phone. May tumatawag, and it's Leonel.

Napalunok ako. Ilang saglit ko pang hinayaang mag-vibrate ang phone ko hanggang sa sagutin ko na ang tawag. Pero hindi ako nakapagsalita kaagad sa linya.

"Danica? Hello?"

Kailan pa naging masakit sa akin na marinig ang boses ni Leonel?

"Danica? Sumagot ka, please." Pagmamakaawa niya.

"S-sorry, sorry." Nagkunwari akong natatawa. "Uhm, sorry hindi ko nasagot mga text at tawag mo kanina."

Today is Saturday. Gaya ng nakagawian namin, lalabas dapat kami para mag-date. Pero umalis ako mag-isa kanina sa bahay nang walang sinasabi sa kanya o sa mga kapatid ko kung saan ako pupunta.

Whatever love means (Love Definition Series #2)Where stories live. Discover now