CHAPTER 23

43 2 2
                                    

MULA noong humiwalay ako kina Mama para mamuhay nang mag-isa, natutunan kong umasa lamang sa sarili ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MULA noong humiwalay ako kina Mama para mamuhay nang mag-isa, natutunan kong umasa lamang sa sarili ko. Itinatak ko sa aking isipan na ang lahat ng kakailanganin o gugustuhin ko sa buhay, hinding-hindi ko iaasa sa iba.

Noong makasama ko naman na ang mga kapatid ko, natutunan kong mabuhay hindi lang para sa aking sarili, kundi maging para sa kanila. After all, wala na kaming ibang maaaring maasahan. Wala na ang aming mga ama at hindi naman kami pinili ng sarili naming ina. Wala kaming matawag na pamilya na maaari naming masandalan. Ang meron lang kami: ang isa't isa.

Dahil doon, naitatak ko rin sa aking isipan na responsibilidad ko na sina Dion at Domi. Bilang nakatatanda nilang kapatid, may pananagutan ako sa kanilang dalawa—lalo na't may mga pagkakamali akong nagawa sa kanila noon.

"Ate, nabili ko na."

Napakurap ako mula sa pagkakatulala at tiningala si Dion. Nakaupo ako sa isa sa mga upuang nasa main lobby ng ospital habang kababalik lang niya mula sa pagbili ng aking gamot.

"Thank you, Dion." Nginitian ko siya at hiningi ang hawak niyang maliit na paper bag. Agad naman niya 'yong inabot sa akin.

Umupo sa aking tabi si Dion kasabay ng pagtingin ko sa gamot na binili niya. Tama naman ang mga ito at maging ang bilang according sa prescription na binigay sa akin.

Sa ngayon, wala pa raw talaga gamot para gumaling sa sakit ko. May mga medications lang na maaaring i-take para hindi ito lumala. Sa susunod, baka i-consider ko na lang din ang magpa-physical therapy gaya ng recommendation ni Dra. Kim para sa problema ko sa balanse at paglalakad.

"Sorry na sa abala, ha. Sa susunod, okay lang kahit hindi mo na ako samahan sa mga appointment ko kay Dra. Kim. Kaya ko namang mag-isa."

Binalikan ko ng tingin si Dion. Nakita kong nakabagsak ang kanyang mga balikat habang nakatitig siya sa akin. Umiling siya bago sumagot.

"Kahit na. Sasamahan pa rin kita. Kung hindi ako, si Domi ang sasama sa 'yo." pagpilit niya.

"Puro weekdays na ang magiging schedule ng appointments ko kay Dra. Kim. Hindi naman puwedeng um-absent kayo sa school ni Domi nang dahil lang sa akin." pagkontra ko.

"Basta," Mukha nang naiinis si Dion. "Magagawaan namin ng paraan 'yon."

Pinigilan kong mapasimangot.

It's Wednesday at may pasok dapat sa school si Dion. Pero kaysa pumasok ay pinili niya akong samahan sa pagbalik ko sa ospital para sa scheduled appointment namin ni Dra. Kim.

Yumuko ako at tumitig sa steel cane na nakasandal sa inuupuan ko. Kinailangan naming bumili nito noong nakaraan dahil dumadalas ang panghihina ng mga binti ko. But soon I may end up using a wheelchair dahil dumadalas na rin ang pamamanhid ng mga binti ko dahilan para hindi na talaga ako makatayo. Idagdag pa roon ang minsang panlalabo ng aking mga mata. That's why ayaw na ni Dion na lumalabas ako nang mag-isa.

Whatever love meansWhere stories live. Discover now