CHAPTER 9

26 3 3
                                    

FRIDAY late afternoon, para akong lantang gulay na nakaupo sa puwesto ko sa office

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

FRIDAY late afternoon, para akong lantang gulay na nakaupo sa puwesto ko sa office. Nakapahinga ang ulo ko sa mga braso ko habang pinapanood si Jane na tinitingnan ang sarili sa isang hand mirror.

"Parang ang saya maging ganyang edad ulit..." pagod kong komento kay Jane.

Napakurap siya bago napatingin sa akin.

"'Teh, four years lang agwat natin."

"Kahit na. Mas bata ka pa rin. At nasa 20s ka pa rin. Kapag nasa ganyang edad, marami ka pang opportunities kapag dating sa romance."

Bumagsak ang mga balikat ni Jane at malungkot na tumitig sa akin. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo, 'Teh. Bago ka pa sumampa sa edad na 'yan, sinabihan na kita, 'di ba? Na kumilos ka na or else mahihirapan ka na."

Sinimangutan ko siya. "Alam mo naman ang sitwasyon ko, e..."

"Puwede mo naman kasi pagsabayin 'yon, 'Teh! Ang love life at ang responsibilities mo sa mga kapatid mo. Ayan, nagsisisi ka tuloy."

Inangat ko ang aking ulo at nagpangalong-baba. "Hindi naman ako nagsisisi. Siguro nanghihinayang lang."

"Ganoon din 'yon, e. Anyway, hindi pa rin naman huli ang lahat! Gusto mo bang sumama sa akin mamaya?"

"Tingnan mo hitsura ko, oh?" Tinuro ko ang sarili kong mukha. "Nababad sa stress. Tapos isasama mo akong mag-clubbing?"

Nginisian ako ni Jane sabay angat sa makeup kit niya. "Makeup lang ang solusyon diyan."

"At wala akong damit. Club 'yon tapos ito ang suot ko?" Sunod kong tinuro ang suot ko na casual office dress: white blouse na naka-tuck in sa high waist denim skirt na lagpas tuhod ang haba.

Nagtaas ng isang kamay si Jane. Nakangisi pa rin siya. "Open pa ang mall pagka-out natin. At naka-sale pa rin 'yong boutique na binilhan ko ng dress ko. Puwedeng-puwede kang humabol na bumili ng masusuot doon."

Natulala na lang ako kay Jane.

"Wala ka nang dahilan tumanggi, 'Teh. So ano? Tara na mamaya?" Naging malapad ang ngiti niya sa akin.

"Hmm..." Tiningnan ko ang PC monitor ko kung saan naka-open ang email application namin.

Two hours ago ko pa sinend kay Leonel 'yong final copy ko ng project namin. Pero hindi pa rin siya nagre-reply kahit simpleng acknowledgment man lang sa email ko.

Si Leonel... Hindi naman niya malalaman kung mag-clubbing ako at humanap ng love life, 'no? Ayaw ko lang mapahiya, dahil ang confident ko nang sabihin ko sa kanya na hindi ko priority ang romance, kahit ba binabagabag ako ng bagay na iyon magmula nang maging 30 years old ako.

Although totoo pa rin namang hindi ito ang top one priority ko dahil mananatiling kapakanan ng mga kapatid ko iyon. Pero sabi ni Jane, puwede ko naman daw pagsabayin ang mga iyon. Kaya naisip ko, baka lang mag-work out. Baka kayanin ko nga.

Whatever love means (Love Definition Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن