𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 (𝐓𝐖𝐎)

41.1K 489 109
                                    

𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑(𝐓𝐖𝐎)

"Isubo mo"


I woke up feeling sad. Hindi ko na naman naabutan si Zachary. Alam ko namang walang siyang gagawing ikakasama ng loob ko alam ko namang hindi siya magloloko pero kasi nasasaktan ako at miss ko na siya. Wala na kaming time together busy siya sa dalawang business niya samantalang ako ay busy rin sa KRSTN Resto ako kasi ang namamahala nun. Umalis kasi ako sa company na pinamana ni daddy at mas pinagtuonan ko ng pansin ang resto.

Samantalang ang kambal, si Ramona at si Marigold ay si Aira pa rin ang nangangalaga. Kahit sobrang tsismosa niya ay magaling at maasahan naman siya pagdating sa pag-aalaga ng mga bata.

Bumangon ako at bumaba ng kama, inayos ko ang bedsheets at mga unan bago pumasok ng banyo. Mabilisan akong naligo, ayaw kong pumasok ngayon sa Resto matamlay ako at baka hindi rin ako makapag-focus doon.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang ako ng pangbahay. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower at inilugay  ko lang iyon.

Bago ako tuluyang bumaba ay sinilip ko muna ang kwarto ng mga bata. Tulog pa si Felip ganoon din si Catherine at Ramona, sinilip ko rin ang kwarto ni Marigold parehong tulog pa sila ni Aira, magkayakap.

Nang magtatlong taon si Marigold ay gusto na nitong mag-iba ng kwarto ayaw na niyang tumabi sa amin ni Zachary. Gusto niya lang si Aira, pareho na tuloy silang madaldal.

Pagbaba ko ay dumiretso ako sa kusina pero nagulat pa ako nang may makitang likod ng pamilyar na babae ang nasa harapan ng nakabukas na ref, tila ito may hinahanap doon.

“Angelie, what are you doing in my house at 6 in the morning?!”

Nakita ko paano siya natigilan. Maya-maya lang ay dahan-dahan itong lumingon sa gawi ko.

Umangat ang isang kilay ko habang hinihintay siyang tuluyang humarap.

“Oh my God! Angelie, what are you doing?!” bulalas ko nang makita ang itsura niyang napuno ng icing ng cake.

She giggled. Pinaglandas niya ang dila niya sa pang-ibabang labi na napuno ng icing.

Tumayo siya.

“Sorry. . . ang sarap ng cake niyo, e.”

“You came here just to eat our cake?” She pouted at pinagdungtong ang mga hintuturo niya. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango. “Naghihirap na ba kayo ni Juan? Pati ang pagkain ng cake ay dito pa sa bahay ko?”

Ang pag nguso niya ay nauwi sa pagsimangot, unti-unting namula ang gilid ng mga mata nito hindi nga nagtagal ay humikbi na ito. Gamit ang mga kamay na napuno ng icing ay pinunasan niya ang mga luha ngunit dahil sa ginawa niya ay nagkalat ang icing sa mukha niya.

“Damot mo. . . Cake lang, e.” paingos na sabi niya habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha niyang naghalo na sa icing.

Napatitig ako sa kanya mula sa mukha patungo sa tiyan niya.

Alam na alam ko ang ugali niyang ito.

“How many months is your tummy?” Natigil siya sa pag-iyak ng marinig ang tanong ko.

“I am not pregna—OMG! Two months ng delayed ang period ko!” bulalas niya at napatakip sa kanyang bibig.

Kumuha ako ng tissue paper at binasa iyon. Lumapit ako kay Angelie at pinunasan ko ang mukha niya. Nang wala ng natirang icing sa mukha niya ay ang mga kamay naman niya ang pinunasan ko. Pinaupo ko siya sa stool, habang nagtungo naman ako sa ref at inilabas mula doon ang cake na nilantakan niya. Isa iyong carrot cake, Edelyn baked it. Edelyn now owns a cafe that her husband built for her.

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon