𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄

59.3K 974 146
                                    

CHAPTER TWENTY THREE
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜



What happened this morning was ended mind blowing. Those revelation is hard to process in my mind. Akala ko sa mga teleserye ko lang mapapanood ang mga ganoong kasamang mga gawain, nangyayari rin pala sa totoong buhay.

Ngayon ko lang naalala kung bakit ganoon na lang katakot si Stella noon ng makita ko si Catherine, takot siyang baka malaman ko ang totoo na hindi niya anak ang bata. Praning nga talaga siya.

Hindi ko akalain na may mga tao pala talagang gan'yan. Gagawin ang lahat para lang sa sarili nila wala silang pakialam kung may masaktan man sila. Ang importante sa kanila ay maging masaya sila kahit pa makapatay na sila ng tao.

"Maman, bakit hindi niyo po alam na kambal ang pinagbubuntis niyo. Hindi po ba kayo nagpa-ultrasound noon?" napalingon ako kay Angelie nang magsalita siya.

"Nagpa-ultrasound ako pero ang sabi ng doctor ay iisang bata lang ang pinag-bubuntis ko. Nagtaka ako noon bakit dalawa ang sumisipa sa tiyan ko pero ang paliwanag ng doctor sa akin kaya daw ganoon dahil magalaw ang bata sa sinapupunan ko."

"Inulit lang nila ang ginawa nila sa 'yo kay Kristine. Dapat talagang maparusahan ang mag-inang baliw na 'yon!" Nanggigil si Angelie habang sinasabi ang mga iyon.

"Gie." Tawag ko sa kanya, ngayon ko lang naalala ang tungkol sa anak niya.

Tulog na ang tatlong bata ngayon. Si Edelyn ay pinagpahinga ni Maman, gigisingin na lang siya mamaya kapag dinner na, si Ayiesha ay hindi ko pa nakaka-usap nasa kusina daw ito at nag-aasikaso ng hapunan, bahay niya pala itong tinuloyan namin. Ang sabi ni Maman ay biglang tumawag si Desvaro kagabi ng mawalan ako ng malay pinasundo kami at dinala dito pagkatapos nang nangyari sa bahay ni Kristina ay siguradong may gagawin daw na hakbang ang mag-ina mas mabuti na daw iyong sigurado ligtas kami.

Si Zachary ay kausap si Drake at Desvaro sa library. Hindi pa namin alam kung kapatid ba namin sa ama si Stella. Iyon ang susunod naming aalamin dahil kung talagang kapatid namin siya bakit kailangan siyang itago ni Kristina at ’yong isang anak niya na itinago niya bakit kailangan niyang gawin ang mga 'yon? Iyon ba 'yong pag tra-traidor na narinig kong pinagtatalunan nila noon ni dad? Nalaman kaya ni daddy na may tinatagong anak si Kristina?

Hindi ko akalain na ganito kayaman si Ayiesha. Ang isa pang nagpalaki ng gulat ko kanina ay ng sabihin ni Ayiesha na magkapatid sila sa ina ni Zachary. Kaya pala kung itrato niya si Zachary noon ay ganun ganun na lang.

"Bakit hindi mo sinabing may anak ka? Akala ko ba magkaibigan tayo?" tanong ko kay Angelie, natigilan siya at iniiwas ang tingin sa akin bigla siyang hindi mapakali."Si Drake ba ang ama?"

Sa huling naging tanong ko ay marahas siyang napailing.

"No! H-hindi siya." nabasag ang boses niya ng sabihin iyon.

"Then who?" tanong ko.

"K-kristin—"

"Sasabihin mo ba sa akin o gusto mong magalit ako sa 'yo Angelie." seryosong sabi ko hinawakan ni Maman ang kamay ko. Tiningnan ko siya inilingan niya ako pagkatapos ay ibinalik ko na kay Angelie ang paningin ko na ngayon ay hindi na lalong mapakali.

"Kasi. . . ano. . . K-kasi." Hindi niya alam ang sasabihin.

"Ano? Kasi ano! Alam mo bang nakakatampo ka? Alam mo lahat ang tungkol sa akin? Pero sa 'yo halos wala akong alam, akala ko ba magkaibigan tayo? Matalik na kaibigan! Pero bakit mo ako pinaglilihiman?"

"Kasi ayaw kong dumagdag sa problema mo. Kitang kita ko paano ka nahihirapan. Kitang kita ko paano ka kadurog at nasaktan. Kung sasabihin ko sa 'yo makakadagdag lang ako sa problema mo, kaya ko naman, e, kaya ko 'yong problema ko ang hindi ko kaya ang mas makita kang mas lalong n-nahihirapan!"

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now