𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎

60.1K 916 146
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


"Kailangan natin siyang patingnan sa Psychiatrist."

"Maman, she's not crazy!"

"I know, pero may trauma siya, sa 'yo na mismo nanggaling 'yon Drake! It's for her own good!"

"But-"

"Once she wakes up we will tell her about that. We need to help her, nakita mo ang nangyari sa kanya kagabi? Hindi pwedeng gano'n na lang palagi, Drake."

May mga naririnig akong mga boses na nag-uusap sa paligid, ilang sandali lang ay mga hakbang na ang akong naririnig pagkatapos ay ang pagbukas-sara na ng pintuan.

Iminulat ko ang mga mata ko.

Sumalubong sa akin ang kulay gray ng kisame ng kwartong hindi pamilyar sa akin. Luminga ako sa paligid wala na ang mga taong kanina ay nag-uusap sa loob ng kwarto. Ang ganda ng kwarto ang buong paligid ay pinaghalong black and Gray.

Dahan-dahan akong bumangon medyo masakit ang katawan ko pero kaya naman. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa pintuan, lumabas ako ng kwarto.

Napakunot ang nuo ko nang paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang napagarang hallway, may mga naririnig akong boses sa baba. Kaya humakbang na ako pababa. Habang bumaba ay hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita sobrang ganda ng bahay na hindi ko na naisip matakot ko ng sino man ang nagdala sa akin dito. Hindi naman siguro masamang tao dahil napakagara ng bahay, kung kidnapping man bakit wala akong tali at busal sa bibig. Hindi ba?

Nang makarating ako sa baba ay sinundan ko ang pinangagalingan ng boses. Unang nakita ko ay si Angelie at Drake, hahakbang sana ako palapit sa kanila pero natigilan ako ng may makitang isang babae katabi siya ni Desvaro.

Lumingon siya sa akin pinunit ng napakalaking ngisi ang bibig niya ng makita ako.

"Ayeisha!" Excited na bulalas ko. Nagmadali akong lumapit sa kanila pero natigilan uli ako ng may makita pang isang babae. Yakap-yakap siya ni Maman, ng marinig ang pagtawag ko sa pangalan ni Ayiesha ay mabilis silang naglayo. Puno ng luha ang kanilang mga mata pati si Angelie at Drake ay mga luhaan din.

Anong nangyayari? Bakit sila nag-iiyakan?

Tiningnan ko ang babaeng kayakap ni Maman. Pero ganoon na lang kabilis
nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha niya. Ang bibig koy literal na nagkurting O.

"W-who is she?!" naibulalas ko nang makabawi sa pagka-gulat.

The woman looked at me, but suddenly her facial expression changed. Her face suddenly showed no emotion. I turned around and was even more surprised to see Zachary sitting on the sofa. He smiled at me, and because I was still so shocked and surprised, I couldn't smile back at him.

I slowly stepped closer to the woman, and when I got in front of her, I suddenly grabbed her face and pinched it. She moaned immediately because of what I did.

"W-who are you?" I asked the woman.

"She's Edelyn." Maman answered me; she was still crying.

"Edelyn? Did you copy my face or wear a hyper-realistic mask?" I asked her, touched her face again, and pinched it again. This time, she removed my hand.

"Aray ang sakit! Bakit ka ba nangungurot?" marahan pero may diing reklamo niya.

"Kaboses din kita! Pati ba boses ko ginay-"

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon