𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐗

87.9K 1.4K 209
                                    

CHAPTER SIX
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kuwarto at bumungad sa akin ang puting kisame.

Nasaan ako?

"Ah . . ." daing ko nang subukan kong igalaw ang kamay ko.

Pilit kong iginalaw ang kamay ko pero kumikirot iyon. Binaba ko ang tingin sa kamay ko. Naka-dextrose, nasa ospital ako.

Bakit ako nandito?

"D-Drake . . ." tawag ko kay Drake. Natutulog kasi siya, nakayuko, nakapatong ang kaniyang ulo  sa gilid ng kama. Hawak-hawak niya ang kabilang kamay kong walang dextrose pero may benda.

"D," tawag ko uli sa kaniya. Umangat ang ulo niya at dahan-dahang bumuka ang mga mata. "S-Sorry for disturbing your sleep, Drake, but I'm thirsty . . ." paos kong sabi.

"Baby, wait, kuha lang ako," natatarantang aniya nang tuluyan na siyang magising, nagmadali siyang tumayo at lumapit sa mesa sa gilid ng bed ko.

Naupo naman ako at sumandal sa headboard ng kama, medyo napapangiwi ako habang inaayos ko ang pagkakaupo ko dahil kumikirot ang kamay kong may benda. Binuksan niya ang maliit ng mineral bottle at iniumang iyon sa bibig ko, dahan-dahan ko naman iyong ininom.

Sobrang uhaw ang nararamdaman ko.

Pagkatapos kong uminom ay hinawi niya ang buhok kong nakatabing sa mata ko, inipit niya iyon sa tainga ko, pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto at tumawag ng doktor at pagbalik niya ay kasama na niya ito.

"Good morning, Mrs. Monr—"

"M-Miss Aguila, Doc . . ." putol ko sa sasabihin niya.

Natigilan ang doktor. Nagtataka nitong tiningnan ang chart na dala-dala nito, nangunot ang noo. "But—"

"Just continue, Doc," sabat ni Drake.

Kahit nagtataka ay tumango ang doktor at nagsimula na akong i-monitor. Marami siyang sinabi sa akin pero tila ako nabingi dahil wala akong naintidihan sa mga sinabi niya. Tango lang ako nang tango, si Drake naman ay matamang nakikinig sa Doctor.

Paglabas ng doktor ay kaagad na lumapit sa 'kin si Drake. Ako naman ngayon ang mataman niyang  pinagmasdan. Mayamaya lang ay naging malungkot  ang mga mata niya, puno ng awa at pag-aalala ang mukha niya.

Nginitian ko siya hindi siya ngumiti pabalik kaya napanguso ko. I think he was mad.

Hinawakan ko ang kamay niya. "D, thank you."

"Please don't do that again, Kristine. Pinag-alala mo ako." Malungkot niyang ani.

Bumuntong-hininga siya at bahagya niyang pinisil ang kamay ko. "Are you hungry?" marahan niyang tanong kaya tumango ako. "Okay, I'll prepare your food, just wait for a while."

I nodded again. Pinagmasdan ko siya habang ihinahanda ang pagkain ko, medyo natataranta siya kaya may natatapon na pagkain sa lamesa.

"D, you don't have to hurry."

"Sorry, I know you're hungry, you've been sleeping for 3 days, by . . ."

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz