𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀

180K 2.6K 432
                                    

𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

TRIGGER WARNING!⚠️🚨

There are particular parts that may trigger your trauma or anxiety; if you cannot bear the scenes, please stop reading.

A G A I N 📌

My characters are flawed and imperfect so if you're looking for someone who has an ideal attitude, you can't find it here.
And please read the disclaimer bago ipagpatuloy ang pagbabasa para alam niyo kung ano ang possible na laman ng story na 'to. And if you are not open-minded, then leave this story alone. Keep your own narrow-minded opinion about the story to yourself unless it's constructive criticism, because you are not forced to read this story. This is mine, and I'll write whatever plot I want. Be a responsible reader, especially for minors.

_____

January 12 2012
8:30 pm

"I DON'T LOVE YOU! I WILL NEVER LOVE YOU!" Mga katagang araw-araw niyang pinapamukha sa akin kahit hindi niya sabihin. "FILE THE FUCKING ANNULMENT AND LEAVE!"

Araw-araw't gabi-gabi kong iniiyakan.

Gabi-gabi kong tinatanong sarili ko kung ano bang kulang sa akin? Bakit hindi niya ako kayang mahalin?

Ginawa ko naman lahat, ibinigay ko naman ang lahat.

Sa kaniya lang umikot ang mundo ko.

Lahat ng sinasabi niya sinusunod ko.

Lahat ng gusto niya ginagawa ko.

Kasi mahal ko siya.

Kaya kong tiisin kahit gaano pa kahirap.

Kahit gaano pa kasakit.

"Zachary, I'm pregnant!" I shouted. Nakita kong natigilan siya pero kaagad ding bumalik sa walang emosyon ang mukha niya.

His jaw tensed and he clenched his fist. "Get rid of it," diretsong sabi niya.

Parang nabingi ako sa mga katagang sinambit niya. "H-Huh?"

"I don't want a baby from you!"

"Zachary, this is your child! P-Paano mo nagagawa sa sariling laman at dugo mo?"

Akala ko masakit na 'yong sinabi niyang ipalaglag ang anak namin, mas may masakit pa pala.

"Stella is pregnant and I'm the father."

Stella Bonch was his girlfriend, bago siya ipinagkasundong ikasal sa akin.

Tatlong taon na kaming kasal pero sa loob ng tatlong taon na 'yon kahit minsan ay hindi niya ako itinuring na asawa, magkaiba ang kuwarto naming dalawa. Aalis siya nang maaga ng bahay para pumasok sa opisina at uuwi ng gabing-gabi na.

Our parents agreed to stop me from working so that I could fulfill my role as his wife. Wala na akong nagawa nang magdesisyon na silang lahat, and they asked him and he agreed as well.

Sa loob ng tatlong taon na 'yon ay papel ng pagiging asawa lang umikot ang mundo ko. Sa loob ng tatlong taon na 'yon, isang beses lang may nangyari sa amin, nagkataon lang na lasing siya at nagalaw niya ako. And it was two months ago. Sobrang galit niya sa akin dahil may nangyari sa amin.

Pinagbintangan niya akong pinagsamantalhan ko ang pagiging lasing niya. I was so hurt because for me that night is the best night, naramdaman ko ng gabing 'yon ang pagmamahal niya sa akin kahit panandalian, kahit pansamantala lang. Naramdaman ko ang pag-iingat niya sa akin kahit noong gabing 'yon lang. Ang gabing 'yon ay parang isang panaginip lang dahil sa paggising niya, galit at pagkamuhi ang pinaramdam niya sa akin na animo'y isa akong basura.

I was hurt but I ignored the pain. I love him, I love him so much that I can endure the pain kahit pa paulit-ulit niya akong saktan. I love him that even me I don't know why I love him, wala naman siyang ipinakitang maganda sa akin.

Basta nagising na lang ako isang araw, mahal ko na siya, nagising na lang ako na palagi na lang siyang laman ng isipan ko, na kahit puro pambabaliwala lang ang natatanggap ko sa kaniya, nananatili at umaasa pa rin ako na sana balang araw maging maayos din ang lahat.

Simula noong gabing 'yon, mas lalo siyang lumalayo sa akin, mas maaga na siyang umalis ng bahay, minsan pa ay hindi na siya umuuwi at 'pag hindi siya nakakauwi ay tumatawag sa akin ang secretary niya, ipinapaalam sa aking nasa opisina siya. Then I will send him food and clothes personally.

Ngunit sa bawat araw na magdadala ako ng pagkain para sa kaniya ay itinatapon lang niya.

I am praying that one day he'll love me back. But I guess hindi lahat ng pinagdarasal natin ay napakikinggan.

"No! Y-You're lying! N-Nagsisinungaling ka lang, 'di ba? Gusto mo lang akong saktan kaya mo nasasabi 'yan!"

"Leave me alone! I don't love you! I will never love you!" sigaw niya. Humakbang siya papalapit sa akin at hinawakan niya ang braso ko at kinalakad ako palabas ng bahay.

"Wait, p-please, h-huwag mo n-namang g-gawin sa akin 'to! P-Please, Z-Zach! P-Please!" pagmamakaawa ko sa kaniya, pero parang wala siyang naririnig sa pagmamakaawa ko. Patuloy niya lang akong kinakaladkad palabas ng bahay.

Nang nasa harapan na kami ng pintuan ay malakas niya akong binitawan dahilan para malakas din ang naging pagbasak ko sa sahig. "Ah!" sigaw ko nang biglang sumakit ang balakang at puson ko. "Ah! Ang sakit!" Patuloy na sigaw ko.

I looked at him, nagmamakaawa akong tulongan niya ako. His eyes looked at me without emotion, as if he had never seen me hurt.

"Zach! P-Please, h-help me! A-ahh! Outch!" patuloy na sigaw ko, mas lalong sumasakit ang balakang at puson ko. Hindi ko alam kung saan ang hahawakan ko.

Zach was just standing in front of me. Emotionless. Para bang wala siyang nakikita. It's like he can't hear me begging him.

Nabaling sa paanan ko ang paningin ko nang maramdaman kong may likidong dumaloy sa mga hita ko. My eyes widened when I saw blood. Nanlamig ako at halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa kaba.

"N-No! No! No! Not my baby! No! No Please! No!" natatarantang sigaw ko. "Zach, ang anak natin! Please! " tawag ko sa kaniya ngunit nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko, wala pa ring emosyon ang mukha niya, sinubukan ko siyang abutin pero humakbang siya paatras.

"Z-Zachary . . ." Sobrang sakit.

Bakit? Nakakaya niya akong tingnan, para bang hindi ako tao na hindi ako kailangang kaawan? Bakit niya nagagawa sa akin 'to? May nagawa ba ako? Gano'n niya ba ako ka-ayaw para kahit ang tulungan ako para sa anak namin ay hindi niya magawa?

"Leave." That's the last thing he said before he closed the door.

Naiwan ako sa labas na namimilipit sa sakit. Mas lalo pang tumindi ang sakit ng puson at ng balakang ko, sumabay pa ang sakit at pagkadurog ng puso ko. Pakiramdam ko durog na durog ako, ang daming katanungan ang tumatakbo sa isipan ko.

Kahit isa ay walang tugon.

Sinubukan kong tumayo, but I failed. Gumapang ako papalapit sa pinto. I tried to knock on the door, pero wala na akong lakas na kahit ang pag-angat ng kamay ko para kumatok ay hindi ko na magawa, masyado na akong nanghihina.

"Z-Zach, h-help me," huling mga katagang nasambit ko bago ko naramdaman ang unti unting pag dilim ng ulirat ko.

Can someone save me?

____

AVYANNAHLAVELLE

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now