𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

87.7K 1.2K 402
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

WARNING!
WARNING!
WARNING!
SPG! SPG!
R18! R18!

This chapter is not suitable for young readers. This chapter contains one or more of the following: crude indecent language (L), explicit sexual activity (S).

MATURE AUDIENCES ONLY

____

FLASHBACK

"Good morning," bati ko kay Zachary pagbaba niya.

Sinadya ko talagang hintayin siya rito sa sala dahil ipinagluto ko siya ng agahan niya, nag-ready na rin ako ng para sa lunch niya. At habang hinihintay siyang bumaba kanina'y naglilinis din ako drto sa sala, kahit na paika-ika akong maglakad.

I smiled at him. Umaakto ako na para bang hindi ako nasaktan at hindi ko iniyakan ang nakita kong video scandal niya kagabi kasama ang babaeng hindi ko kilala. Iniyakan ko 'yon magdamag kaya ngayon namamaga ang mata ko, dagdag pang namamaga pa rin ang paa ko dahil sa nangyari kahapon.

Hindi niya ako tinugon.

"Bakit hindi ka na bumalik pagkatapos mong ihatid si Stella kahapon?" tanong ko sa kaniya. "Zach—"

Nilingon niya ako at malamig ang tinging ipinukol niya sa akin kaya bigla akong kinabahan. "Shut up! Shut the fucking up! Don't talk to me!" singhal niya sa akin, puno ng galit ang mga mata, tumingala siya at naihilamos niya ang kamay sa mukha.

I was shocked for his sudden outburst. My eyes widen, my heart's beating so fast, my hands trembled, I gasped.

"Putangina!" he shouted he walked towards the door and slammed the door shut.

"W-What d-did I do? W-What's w-wrong?" nagtatakang tanong ko.

Bakit siya galit? Kahapon lang ay okay kami . . .

Dahil sa gulat sa pagsigaw niya ay hindi ko namalayang napaluha na pala ako. Pinahid ko ang mga luha ko gamit ang dulo ng damit ko. Siguro pagod lang siya. Siguro gano'n nga. Isusunod ko na lang ang sa opisina niya ang ginawa kong pagkain para sa kaniya.

Umakyat ako sa kuwarto ko, naghanap ako ng puwede kong masuot, habang namimili ay hindi ko mapigilang mapa hikbi.

"A-Ano ba, Kristine? Para ka n-namang t-tanga, e!" sabi ko sa aking sarili. "B-Baka p-pagod lang siya, k-kaya s-siya g-gano'n k-kaya t-tahan na . . ." pagpapatahan ko sa sarili ko.

Hindi pa rin maimpit ang pagluha ko. Kahit anong punas koy patuloy parin sa pagtulo. "A-Ano ba 'y-yan, l-luha! M-Makisama ka n-naman! A-Aalis pa ako, e . . ." Kailangan ko pang dahan-dahang paluin ang dibdib ko, pakiramdam ko'y kakapusin ako ng hininga.

Ipinagpatuloy ko ang pagbibihis ko kahit napapahikbi pa rin ako. Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako, nagtungo ako sa kusina at kinuha ang paper bag na pinaglagyan ko ng pagkaing inihanda ko para kay Zachary. Tutungo sana ako sa sasakyan ko, pero hindi nga pala ako puwedeng mag-drive dahil sa paa ko kaya naghintay na lang ako ng taxi.

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now