𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍

83.5K 1.1K 146
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Ilang buntonghininga na ang pinakawalan ko, kanina pa ako nakikipagtalo sa isip ko kung bababa ba ako ng sasakyan ko o hindi.

Nandito ako ngayon sa harapan ng building ng pamilya ni Zachary. Pakiramdam ko'y hihimatayin ako sa lakas ng tibok ng puso ko. I slowly tap my chest, mayamaya nga lang ay tumigil sa pagtibok nang malakas ang puso ko.

Tatlong buwan na noong huling makita ko si Zachary, at sa loob ng tatlong buwan ay araw-araw niya akong sinubukang kausapin. Araw-araw rin siyang pinagtatabuyan ni Angelie.

FLASHBACK . . .

"Ano na namang ginagawa mo rito?!"

Natigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang pagsigaw ni Angelie, kaagad akong tumayo at sumilip sa pintuan, nakatayo siya sa tapat ng pintuan habang nakapameywang. Itinaas ko ang paningin ko at tiningnan ang sinisigawan niya, napasinghap ako nang makita si Zachary.

He look so exhausted. Medyo mahaba na ang facial hair nito. "G-Gie, please let me to talk to her . . ."

"Huwag ka ngang nakiki-Gie, hindi tayo close at isa pa, ayaw ka niyang makausap, asa ka naman!"

"Angelie-"

"Dyosa! Call me Dyosa!"

"W-What?"

"Call me Dyosa, D-Y-O-S-A! Dyosa!" Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Angelie ay alam kong nakangisi siya ngayon, base na lang din sa tono ng pagsasalita niya.

"If I call you that would, you let me talk to her?"

"Hmm . . ."

"O-Okay, please, D-Dyosa, let me talk to her."

"Hindi pa rin, sarry . . ."

"Ange-" Pinagsarhan na niya ng pintuan si Zachary, pagkatapos ay nakangising humarap siya. Nang makita niya ako'y mas lalo lang lumaki ang ngisi siya, kumindat pa siya bago pumasok ng kusina.

"A-Angelie, p-please . . ." Naririnig ko pang sambit ni Zachary sa labas ng nakasarang pintuan.

Sa mga sumunod na araw ay gano'n pa rin ang naging sistema, araw-araw nagpupunta si Zach sa condo, at araw-araw rin siyang hinaharang ni Angelie. Dumating pa talaga sa puntong naglagay ng camera si Angelie sa tapat ng pintuan, naka-connect iyon sa bagong laptop na binili niya para sa akin para umano hindi na ako mahirapang sumilip 'pag dumarating si Zachary.

Hindi naman ako sumisilip 'pag dumarating si Zach, nagkataon lang talagang nagulat ako noong nakaraan, pero dahil si Angelie ay si Angelie, tumahimik na lang ako. Bakit pa ako magrarason kung gagawin pa rin naman niya ang gusto niya?

Bumili rin siya ng cellphone para sa akin. Ang sabi ko'y babayaran ko siya, pero todo tanggi siya kasi gift niya raw 'yon for me, pagkatapos malalaman-laman ko, pera ni Drake pinambili niya. Namili rin siya ng mga damit sapatos, at mga makeup na susuotin ko sa gagawin kong "Revenge".

Sa tuwing aalis si Zachary ay iniiwan niya ang mga dala niyang pagkain sa labas ng pintuan at sa tuwing nasisiguro ni Angelie na wala na si Zachary ay lalabas siya at kukunin ang mga pagkain at lalantakan niya iyon, at sa tuwing uuwi naman si Drake ay nagsasalo silang dalawa. Hindi nga lang alam ni Drake na kay Zachary galing ang pagkaing pinupuri nitong masarap.

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now