𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐎𝐍𝐄

69.7K 1K 161
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐎𝐍𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


"Alis na tayo, Aira." Tawag ko kay Aira nang makarating ako sa sala. Nasa sala siya at binabantayan ang mga batang naglalaro. Tumayo siya nang marinig ang naging pagtawag ko tinawag naman niya agad si Felip.

"Baby boy, alis na daw tayo."

Lumingon si Felip sa amin ni Aira. Ngumiti siya hinawakan niya sa kamay si Catherine. Nilinga siya ni Catherine pagkatapos ay lumingon sa akin si Catherine. Nakita ko paano naging malungkot ang mga mata niya nang makita ako.

I let out a sigh. I stepped closer to them. I can see how Catherine's hand clings to Felip's t-shirt her eyes show nervousness and sadness.

Lumuhod ako ng makarating ako sa harapan nila para magpantay ang mukha namin ni Catherine.

I smiled at her. Ang kaninang mata niyang puno ng kalungkotan ay biglang nagningning sa saya ng makitang ngumiti ako.

"How are you, baby?" I asked her habang hinahaplos ang pisngi niya. Nakita ko paano na punit sa isang matamis na ngiti ang mga labi niya matapos marinig ang naging tanong ko. I can't help but smile too.

"N-nanay, are you not mad?" she asked me innocently. Oh my God, how I miss her calling me nanay. I shook my head and kissed her forehead.

"Nanay's not mad, kumusta ka na?"

"I'm f-fine po, Nanay. I miss you po." mangiyak-ngiyak na aniya. Bigla niya akong niyakap, niyakap ko naman siya pabalik pero natigilan ako ng bigla siyang umigik ng yakapin ko. Inulit ko ang marahang pagyakap sa kanya at ganoon pa rin ang reaction niya. Nilayo ko siya at hinawakan siya sa braso, nakita ko na naman paano siya ngumiwi na para bang nasasaktan siya, nabitawan ko naman agad ang braso niya.

"What happened? May masakit ba sa 'yo?" Nag aalalang tanong ko.

Pagkatapos ko iyong itanong ay napaatras siya ang mga mata niyang kanina ay nagniningning sa saya ay napalitan ng takot. Hindi ko makita kong may sugat o ano ba sa katawan niya dahil ang suot nitong dress ay mahaba ang manggas na hanggang palapulsohan nito.

"Catherine!" sigaw ni Stella, ilang saglit lang ay nasa harapan ko na siya bigla niyang marahas na hinablot si Catherine sa braso para mas mapaigik pa ito kitang kita ko paano tumulo ang mga luha nito palatandaang nasasaktan ito sa paghawak ni Stella.

Marahas akong tumayo at itinulak si Stella dahil sa mabilis na paggalaw ko ay hindi niya napaghandaan ang biglaan kong pagtayo at pagtulak sa kanya, minadaling hinawakan ko si Catherine para hindi niya madala sa pagkatumba.

Bumagsak siya sa center table dahilan para mahulog ang mga nakapatong na babasagin sa lamesa pagkatapos ay bumagsak uli siya sa sahig. Namilipit siya sa sakit. Sinenyasan ko si Aira na kunin si Catherine agad naman siyang lumapit at dinala ito sa tabi nila ni Felip.

"How could you?!" hiyaw niya, tumayo siya at lumapit sa akin para sana bigyan ako ng sampal pero bago paman siya tuloyang nakalapit ay sinipa ko siya sa tiyan bumagsak uli siya sa center table pagkatapos ay nahulog ulit sa sahig.

Outch. Kitang kita ko kung paano siya napangiwi dahil sa sakit ng pagbagsak niya.

Gamit na gamit ko pala talaga ang mga sinabi ni Angelie. Naalala ko pa noong mga nakaraang buwan tuwing sabado ay gigisingin niya ako ng maaga para pumunta sa Gym at mag-aral ng Taekwondo. Inis na inis pa ako sa kanya noong una dahil gusto ko pang matulog pero dahil sa ugali niyang mapilit ay napipilitan akong sumama kasi hindi naman niya ako tinitigilan sa pangungulit. 'Tapos pagdating doon ay ako lang ang mag-aaral ng Taekwondo kasi siya ay nasa isang gilid lang nakasalampak, may sapin-sapin na maliit na tela at may sipsip na chuckie. Ang sabi niya ay ako lang daw ang dapat matuto  iyon pala kaya hindi siya sumasali sa training ay dahil buntis na siya nang mga panahong iyon. Dapat ay noong nakaraang buwan pa ang kasal nila ni Drake ewan ko ba bakit na postponed siguro dahil buntis si Angelie. Baka gusto niya manganak muna bago ikasal.

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now