𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐕𝐄

90K 1.4K 151
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐕𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


TRIGGER WARNING!⚠️🚨

There are particular parts that may trigger your trauma or anxiety; if you cannot bear the scenes, please stop reading. Depression and anxiety, self-harm.




FLASHBACK. . .



Maaga akong nagising dahil gusto kong magluto ng agahan para kay Zach. Medyo masaya lang ako, kahit friends lang muna kami.

Hindi na nga pala natuloy ang plano naming movie marathon kagabi, nakatulugan ko na kasi. Pakiramdam ko nga ay nangangapal ang eye bugs ko,siguro dahil iyak ako nang iyak kagabi ng hindi ko alam ang dahilan.

Medyo masama ang pakiramdam ko, parang lalagnatin pa 'ata ako. Pinilit kong bumangon, siguro iinom na lang ako mamaya ng gamot pagkatapos kong mag-agahan, kailangan kong ipagluto ang asawa o kaibigan ko dahil may pasok siya sa trabaho.

Ang weird pakinggan pero siguro mas okay na rin 'yong ganito, at least magsisimula na kaming kilalanin ang bawat isa.

Habang pababa ako ng hagdan ay nadaanan ko ang kuwarto ng Zachary. Balak ko sanang lagpasan na lang ngunit kaagad akong napahinto sa paghakbang nang marinig ko ang boses ni Stella sa loob ng kuwarto ng asawa ko. Bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam, biglang parang may maliliit na matutulis na bagay ang dahan-dahang tumutusok tusok sa puso ko, tulad ng naramdaman ko kagabi.

Parang gusto kong maiyak.

Sa kuwarto siya ni Zachary natulog? Sa naisip ay mas nanikip ang dibdib ko.

Hindi ba't ako ang asawa niya? Bakit ibang babae ang natutulog sa kuwarto niya?

Sa halos mag-iisang buwan naming mag-asawa, ni minsan ay hindi ko nasubukang pasukin ang kuwarto niya. Hindi dahil sa ayaw ko, kung 'di dahil pinagbawalan niya akong makapasok. Hindi ko rin alam ko ng bakit ako bawal na pumasok, may itinatago ba siya sa loob ng kuwarto niya?

Pero bakit si Stella puwede? Bakit ako hindi puwede?

"Zachy, I don't want to go home! Can I just stay here please!"

"You can't, Stell—" Hindi na natapos ni Zachary ang sasabihin niya nang pagbukas niya ng pinto ay bumungad ako. His eyes widen, naglumikot ang mga mata niya, para bang natataranta, pero panandalian lang dahil nang makabawi siya ay naging seryoso na ang mukha niya.

Napatingin ako kay Stella suot-suot niya ang damit ni Zach, dahil medyo may kaliitin si Stella compared to Zach ay hanggang tuhod nito ang t-shirt na pantulog ni Zachary.

May pang-ilalim kaya siya?

"K-Kristine—" tawag sa akin ni Zach. Nakasunod sa tinitingnan ko ang mata niya. Ibinalik ko ang paningin ko kay Zachary.

"A-Ah, pababa na ako, a-anong gusto n'yong breakfast?" nakangiting tanong ko. Gusto kong palakpakan ang sarili ko, dahil kahit ang sakit-sakit ng dibdib ko ay nagawa ko pa rin silang ngitian.

"Sorry Kristine, nabasa kasi ang damit ko kaya ng hiniram ako ng damit ni Zachy, si Zachy kasi ang kuli—"

"Stella," putol ni Zach sa sasabihin niya.

Bakit niya pinuputol ang sasabihin ni Stella? May ginawa ba sila?

"Okay, sorry, hiniram ko lang damit ni Zachy," ulit niya at inosenteng ngumiti siya.

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now