𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐄𝐄𝐍

58K 987 154
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

TRIGGER WARNING!⚠️🚨

There are particular parts that may trigger your trauma or anxiety; if you cannot bear the scenes, please stop reading. Depression and anxiety, self-harm.


"Ihinto mo ang sasakyan!" mahinang bulong ko para hindi marinig ng mga bata. But he didn't listen. Nagpatuloy lang siya sa pag mamaniho. "I said stop the car!" hindi ko na mapigilang isigaw.

"D-daddy."

"N-nanay."Magakapanabay na tawag nang mga bata sa likod.

Nagulat sila sa biglaan kong pagsigaw. Tinabi ni Zachary ang sasakyan. Bumaba ako at umikot sa pintuan kung nasaan si Felip. I'm about to open the car's door but Zachary get in the way.

"Tumabi ka!" singhal ko sa kanya. Hahawakan sana niya ako pero umatras ako."Don't touch me! Don't touch me!"

"Please, mag-usap tayo, Kristine. Kung ayaw mo munang makipagbalikan. I can wait. . . I can wait until you want me back." Puno ng pagsusumamong aniya.
But, I don't believe him! He's a liar!

Tumawa ako ng mapakla sa mga sinabi niya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?!Nakakatawa Zachary, sobrang nakakatawa!" Galit na saad ko. Sinadya ko pang tumawa ng mas malakas. "Tumabi ka sabi, e!" asik ko, hindi pa rin siya nagpatinag.

Nanatili siyang nakaharang sa pintuan ng kanyang sasakyan.

"Nanay," Napalingon ako sa kabilang pintuan ng buhat doon ay lumabas si Felip. Nagmadali akong tumungo sa kanya at hinawakan siya sa kamay. Hahakbang na sana kami paalis ng maramdaman kong may maliit na kamay ang humawak sa kamay ko.

Nang ibaba ko ang paningin ko at ang umiiyak na mukha ni Catherine ang sumalubong sa akin. Parang pinipiga ang puso ko ng marinig ko ang mahina niyang paghikbi.

"N-nanay, are you mad?" tanong niya sa akin, hindi ko siya magawang sagutin." Galit ka po ba because tinawag kitang n-nanay? I will not call you n-nanay na po, huwag na po ikaw magalit . . . Nana—Ate Kristine."

Parang may sumasakal sa akin habang naririnig ko ang sinasabi niya at habang pinagmamasdan ang mukha niya, iniiwas ko ang paningin sa kanya at tinuon ko iyon sa ibang direksyon. Naikuyom ko ang kamao ko.

"I-im s-sorry po," pabulong na aniya. dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. Hindi ko na siya nilingon pa.

Nang may dumaang taxi ay pinara ko na agad at nang huminto iyon sa harapan namin. Wala akong sinayang na oras agad kaming sumakay ni Felip.

Lumingon ako sa kinaruruonan nina Catherine at iyon ang pinakamaling ginawa ko, dahil paglingon ko.
I saw Zachary, carrying Catherine. Pinapatahan niya ang bata.

Hindi ko mapigilang mapaiyak sa nakikita.

They both looked at us sadly...

——

"Ate, nasa labas po si Kuya Zachary gusto ka daw makausap." tawag sa akin ni Aira habang nagtutupi ako ng kumbri kama hindi ko kasi inaasa sa kanya ang pag-aayos ng higaan ko.

"Don't let him in, Aira, tell him I'm not around." utos ko sa kanya. Akala ko ay pinakinggan niya ang sinabi ko ngunit hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya nakakunot ang nuong nakatingin sa akin.

"Ate, pang ilang araw na po n'yo iyang sinasabi, andito lang naman kayo sa loob ng unit." aniya.

Napabuntong-hininga ako bago siya pinameywangan at tinaasan ng kilay napakurap naman siya at napalunok pagkatapos ay napangiwi.

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Kde ÅŸijí příběhy. Začni objevovat