𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐎𝐍𝐄

133K 1.8K 262
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐎𝐍𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

TRIGGER WARNING!⚠️🚨

There are particular parts that may trigger your trauma or anxiety; if you cannot bear the scenes, please stop reading. Depression and anxiety, self-harm.


——

It's been six years, but I'm still in pain.

Losing my child is like losing my life.

"Ah, shit!" sambit ko nang maramdaman ko ang hapdi ng palapulsuhan ko. Mapakla akong napangiti.

Ilang hiwa pa ba ang kailangan?

"Ah!" I yelled. Pinagtatapon ko ang bawat bagay na mawakan ko, hindi ko iniinda ang hapdi ng mga sugat ko. "Ah!"

Hindi pa ako nakuntento, pinulot ko ulit ang kutsilyong naitapon ko, pinagsasaksak ko ang unan maging ang kama ko. "Why don't you kill yourself instead?" tanong ng isang bahagi ng isip ko.

I froze. "Kill? Death?"

Hindi sapat ang kamatayan para maibsan ang sakit at pangungililang naramdaman ko. Kailangan kong pagbayaran ang kasalan ko sa anak ko.

Living a life full of regrets and pain is worse than dying.

Kung hindi lang sana ako nagpakatanga, buhay pa sana siya.

"Ah!"

Araw-araw kong pinagdudusahan ang pagkamatay ng anak ko, araw-araw sumasagi sa isipan ko, paano kung buhay siya? Paano kung naging mas maingat lang ako? Paano kung mas minahal ko na lang ang sarili ko? Pero lahat ng paanong 'yon ay mananatili na lang na paano. Nang dahil sa katangan ko, nawala sa akin ang anak ko.

Saksak dito, saksak doon ang ginawa ko sa kama at sa unan ko. Nagkalat ang laman ng kama ko at ng unan. Ang iba'y dumikit sa sugatan kong kamay ngunit wala akong pakialam.

Nang mapagod ay pasalampak akong bumagsak sa sahig. "A-Anak, I'm so s-sorry . . ." hagulgol ko. "I'm so s-sorry, baby." Isinubsob ko sa mga palad ko ang mukha ko.

Naghalo na ang dugo galing sa kamay ko at ang luha sa mukha ko. Ang lagkit ng mukha ko sa pinaghalong pawis, luha at dugo.

Six years na, pero heto pa rin ako, nasasaktan, nagdurusa, nangungulila.

Ito na ba ang karma ko? Ito ba ang kapalit ng pagmamahal ko kay Zach? Ito ba ang karma ni Stella sa akin? Kung hindi lang sana ako pumayag na pakasalan si Zachary ay dapat sila ang ikinasal at hindi kami?

Stella is a good person. Kahit hindi niya ipinakita sa aking nasaktan siya nang ikasal kami ni Zachary ay alam kong nasaktan siya. Kahit nginingitian niya ako sa tuwing nakikita niya ako ay alam kong nasaktan siya. Dapat magalit ako sa kaniya dahil nagpabuntis siya sa asawa ko.

Ngunit may karapatan ba ako? Ako 'yong nang agaw.

Siya ang nauna kay Zachary.

Siya ang tunay na mahal.

Nasaktan ako, oo, dapat ko ba siyang idamay sa galit ko kung alam ko sa sarili kong una pa lang ako na 'yong mali? Kung sana hindi na lang ako pumayag sa pagpapakasal kay Zachary, hindi sana kami pare-parehong nasaktan.

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now