"Hindi kami mapapahamak–"

"Damn! Paano kayo nakakasiguro?!" He angrily asked.

"Walang alam si Beatrice na mismo ang pinsan niya ang babaril sa kanya. Malapit sila ni Cassandra pero anong nangyari?"

His reaction is valid. Hindi din naman namin alam ang iniisip ng iba.

"Let's go together if you all want! Pupunta ako kahit na ayaw ko naman sana!"

Nakangiting nilapitan ni Gia ang kanyang asawa pagkatapos ay binigyan ng yakap.

Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko makumpirma na totoo nga ang natanggap kong imbitasyon. Kung saka-sakaling totoo ay hindi ko kaya.

Sa nalaman ko ay alas otso ng gabi ang engagement party kaya plano kong pumunta sa bahay niya ng alas sais ng gabi. Kahit mas maaga pa nun. Gusto ko siyang makita bago siya pumunta sa kung saan gaganapin ang engagement party. Baka mabago ko pa ang isip niya.

Sa akin naman siya nangako kaya paniguradong mababago ko pa ang isip niya. I am still hoping.

"Hihintayin ka namin dito, okay? Aalis ka kung hindi mo na kaya," paalala ni Gia.

Sunod-sunod akong tumango. Narinig ko na naman ang pagbuntong hininga ni Kaiden kaya hindi ko na siya nilingon, lumabas ako ng sasakyan at nagmamadaling pumunta sa harapan ng gate ni Anthony.

May tao pa sa loob, panigurado 'yun.

Nag-doorbell ako at agad naman 'yung nabuksan. Tumambad sa akin ang mukha ni Vladimir. Gulat pa siya nang makita ako.

"Ash," banggit niya sa pangalan ko.

"I wanna see him."

He was clenching his jaw while looking at me. Kita ko ang awa sa mga mata niya ngunit wala na akong pakialam. Kahit na lumuhod man ako dito para papasukin niya lang ako ay gagawin ko. Wala na akong pakialam.

Pinapasok pa rin niya ako. Sa sala ay nakita ko si August doon. Nagulat din siya nang makita akong kasama ni Vladimir pagpasok.

Tumayo siya pagkatapos ay nag-aalinlangan na tiningnan ako at ang silid ni Anthony.

"Ash," the way he called my name. He pitied me and I don't give a damn.

"He's in his room. Lalabas muna kami?"

Lumabas din naman silang dalawa kaya nanginginig ang buong katawan na tinungo ko ang silid ni Anthony.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay gusto ko ng takbuhin kaagad kung nasa si Anthony. Nakaupo siya sa pinakasulok ng silid. Nakapikit habang nakasandal sa pader. He looked tired and heavy-headed.

"Anthony," tawag ko sa pangalan niya.

Agad na binuksan niya ang kanyang mga mata kaya kaagad akong lumapit sa kanya. Hindi ko na mapigilang umiyak.

Wala siyang sinabi, nakatingin lang siya sa akin. Para bang hindi ako itong nasa harapan niya. Na parang nanaginip lang siya.

"I'm here, Anthony. I'm free and ready to settle down with you. Handa na ako–"

"It's too late, Ash."

Lumuhod ako para magpantay ang tingin naming dalawa. Sunod-sunod kong pinahid ang mga luha.

Hindi man lang matanggap sa sarili ang kaunting sinabi ni Anthony.

Pagod niya akong tiningnan kaya hindi ko na mapigilang humagulgol.

"Ang daya mo!"

Sunod-sunod ko siyang pinalo pero wala siyang ginawa. Tiningnan niya lang ako, hinayaan na saktan siya.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now