Kabanata 15

122 3 0
                                    

"He's back."

"You should be with your fiancée, Kai. What are you doing here?"

Hinilot ko ang sintido at pagod na sumandal sa swivel chair. Ang dami ko pang iniisip sa mga nakaraang araw. Dumagdag lang itong balita niya.

"May klase si George sa kanyang Taekwondo class ngayon. It's my break so I am here."

"Kung wala kang ginagawa edi planuhin niyo na ang kasal niyo. You are just wasting your time here.."

Sumandal na din siya sa sandalan ng kinauupuan niya at halos ipatong na ang mga paa sa lamesa. Pinigilan lang yata ang sarili dahil baka mapalayas ko siya ng wala sa oras.

"Gusto ko lang ibalita sa'yo. I know you've been curious about his life for the past years. I'm here to tell you that."

I fired him a deadly look but he just smirked at my reaction as if he's expecting it.

Really, Kaiden? You went all the way here just to give me those news? As if I didn't know. Kung chismoso siya, madali akong nakakaalam sa mga pangyayari dito sa lungsod.

Ang pagbabalik ni Anthony dito sa San Vincente matapos ang ilang taon at ngayon ay siya ang hot topics ng mga tao. Paanong hindi? He owned the one and only hotel here in San Vincente. He's even the new owner of the shopping mall.

Probinsya ang San Vincente kaya hindi na bago kung iilan lang ang makikitang mga malls, hotels, at kung ano-ano pang makikita lang sa malalaking siyudad pero may isang lugar sa San Vincente na parang doon na makikita ang lahat. Restaurants, hotel, malls, and commercial establishments. People in San Vincente will all go there to buy, enjoy, and whatsoever they wanted to do.

San Vincente is a province that has everything. It's a province but in progress.

Nagulat din ako noong narinig ko ang balita pero hindi na din 'yun nagtagal. Masipag na naman talaga siya, noon pa man. Hindi ko na nalaman ang mga nangyayari sa kanya dahil sa biglaan niyang pagkawala sa San Vincente at dahil na din hindi na ako lumalabas dahil sa pagbubuntis ko. Wala na talaga akong balita sa kanya.

I am just happy for him, nothing more nothing less. I am not mad and I don't have any hard feelings. I just accepted the fact he's only part of my high school life and the end. Wala ng kasunod.

"You're not happy?"

Bumuntong hininga ako. Alam kong may gusto lang malaman si Kaiden pero nagsasayang lamang siya ng oras, wala siyang malalaman dahil wala naman talaga. Ano ba dapat ang magiging reaksyon ko?

"I am happy, of course. Nakabalik siya and he's doing good, but there's no more than that, Kai. I hope it answers your question."

"Still. You didn't know I guess."

May kailangan pa ba akong kailangang malaman? Wala na naman yata akong pakialam na. Sapat na ang mga nalalaman ko. Hindi ko na naman yata kailangan pang alamin pa ang iba pang detalye kung bakit siya nagbalik dahil paniguradong dahil yun sa negosyo niya. O di kaya ang pamilya niya.

"He's going to run for Governor in this coming election. Kakalabanin niya ang ama mo."

That shocked me a little. Really, huh? He's into politics now? But it's understandable, his father is the congressman and may be he wanted to follow the steps of his father.

Lahat naman pwedeng tumakbo at wala na akong pakialam. Wala na din naman akong planong tumakbo ulit. Tama na ang tao years term ko as the mayor, hindi na kailangan pang dagdagan. Natupad ko na ang pinangako sa mga magulang, sapat na siguro 'yun para hindi na nila ako kwentahan sa pagpapalaki sa akin.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now