Kabanata 13

107 4 0
                                    

"Congratulations, Mayor….. Grabe! Man lang ako makapaniwala! Alkalde ka na, Ash?"

"May kailangan ka ba sa akin, Kaiden? Sir?"

Ngumiwi siya sabay upo sa upuan na nasa harapan ko.

"Noong isang taon pa ako nakaupo sa posisyong ito. Late ka na masyado, Sir—"

"What's with the honorifics, Ash—"

"Call me Mayor Perez. We are at the municipal hall, Sir. Where's the respect?"

Sinamaan niya ako ng tingin kaya hindi ko na napigilan ang tumawa ng malakas.

"Ito na nga…"

"Chismis na naman ba? Pumunta ka lang dito sa opisina ko para sa chismis? Ano pa bang oras—" inangat ko ang kamay at tiningnan ang relo na suot.

"Oh my God! It's twelve. I need to go–"

"Hep! Diyan ka lang muna. Huwag ka na munang umalis. I brought our foods."

Kaya ang daming nagsasabing boyfriend ko siya dahil sa halos araw-araw ay pinupuntahan niya ako dito sa munisipyo.

"Anong ginagawa ng may ari ng paaralan dito? Oh my God! You're driving me nuts, Kaiden? When will you leave me alone–"

"Kapag nag asawa na ako. For the meantime, don't stop me from doing this. I like seeing you each and every day. Nawawala kasi pagod ko kapag nakikita kita."

"Talaga ba? So, ano ako ngayon?"

"Ikaw ang aking pahinga."

Yuck! Nandiyan na naman siya sa kanyang corny lines. Parang hindi man lang guro kung magsalita. Pahinga!

"Ikaw din ang dahilan kung bakit ako mamamahinga ng tuluyan. I'm busy, Kai. Can't you see?"

Tinuro ko ang mga folders na nasa harapan. May isang barangay pa akong pupuntahan ngayong alas dos para sa isang turn over ceremony.

"May importante akong sasabihin."

Sinasabi ko na nga ba. Kung hindi chismis ang dala niya sa akin sa tuwing bumibisita siya, problema naman. Hindi ko alam kung kaibigan pa ba ang turing nito sa akin o tagakinig sa mga problema niya.

"Alright," sumandal ako sa swivel chair at tiningnan siya ng diretso sa mukha.

Suot pa talaga niya ang uniform niya. May logo ito sa may right side na kwelyo.

"Remember the mining operations in one of the Barangays? One of my students got stuck in the land…"

Kumunot ang noo ko. Paano naman mapupunta ang isang estudyante doon? Hindi ba ay malayo naman 'yun sa mga kabahayan? Bukid nga lang 'yun.

"It's my father's," I answered.

'Yun naman talaga ang negosyo ni Daddy. Tsaka private property 'yun kaya hindi pwedeng may makapasok na iba.

"And…he's dead.."

Napaahon ako. "What?"

"Kung nagtataka ka kung paano nakapasok ang estudyante ko doon. Nagtatrabaho siya doon."

"Pero walang minors na tinatanggap ang minahan, Kai. Ako mismo ang nag renew ng business permit dahil wala namang lumalabag sa mga patakaran. Ayos naman ang lahat."

Tsaka bakit may estudyante siyang doon nagtatrabaho? Scholar ba 'yun? Puro may kaya lang naman ang mga estudyante niya? From Kindergarten to college, the students there are all well-off.

"Yun nga din ang pinagtataka ko. I'm just concerned with my student, especially that he's studying in my school. I cannot just sit and forget what happened."

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now