Kabanata 5

117 5 0
                                    

Sa buong buhay ko ay mga magulang ko lang ang bumabalewala sa akin kaya siguro big deal sa akin ang hindi pagpansin ng kahit isang tao man lang. Kaya siguro nakakagawa ako ng mga bagay na hindi ko naman ginagawa noon.

Hindi ko ugali ang ipagsisiksikan ang sarili sa taong ayaw naman sa akin pero dahil sa nainis ako o dahil sa pakiramdam ko naapakan ang pagkatao ko, hindi ako titigil na iparamdam sa taong ito na mali ang ginawa niya.

It's a normal weekend. I should stay at home just like what I always do on my weekends. But I had another plan.

Nagpaalam ako kay Manang Belen na pumunta sa kina Betane para sa group study. Hindi ako basta-basta nagsisinungaling pero ngayon ay magsisinungaling ako. Hindi naman palagi kaya ayos na naman siguro. Pumayag siya pero dapat ay tatlong oras lang ako sa labas. Hinatid ako ni Nung Manuel sa bahay nina Betane. Pero hindi ko na inabala pa ang sarili na pumasok sa bahay nila dahil sa manggahan ko naman gustong pumunta.

Nalaman ko noong isang araw na nagtatrabaho sina Anthony at ang kapatid niya sa manggahan nina Lola Lolita kaya paniguradong nandoon siya ngayon. Gusto kong makita ang hitsura niya habang nagtatrabaho. Gusto kong makita ang dahilan kung bakit niya ako kayang dedmahin.

Kung sasabihin niyang papansin ako, hindi ko 'yun tatanggapin. Pero sa sarili ko ay alam kong naging papansin na ako. Simula bata pa naman ako ay ganito na ako. Gusto kong mapansin ako ng lahat.

Siguro 'yung level ko ng pagiging papansin ay nasa level 100 na.

"Hindi ka ba dumaan sa bahay, Apo? Nandoon si Beatrice," si Lola.

Pumunta kaagad ako sa kung saan si Lola Lolita. Pumunta raw siya rito para dalhan ng tanghalian ang kanyang asawa at ang mga apo niyang nagtatrabaho din dito.

"Hindi po, Lola. Dumiretso ako dito. Iyon kasi ang alam kong ginagawa ni Betane, sumasama siya sa inyo dito kapag tanghali."

Lies!

"Nako. Hindi na yun sumasama. Hindi ko din alam kung bakit. Pero dito ka na muna. Masyadong mainit ang panahon, baka mangitim ka kung pupunta ka ng bahay ngayon. Wala ka pa namang payong."

"Yun nga po, Lola, e. Umalis na kasi ang driver."

Success!

Sinama ako ni Lola sa kung saan kitang kita ang mga nagtatrabaho. Masyadong malawak ang manggahan kaya hindi namin makikita ang lahat ng mga nagtatrabaho pero nakita ko na din naman agad ang hinahanap ko.

May suot na jacket, nakapantalon at may takip sa ulo. Kahit na nasa medyo malayo siya ay nakilala ko naman siya. Iilan lang naman sa kanila ang matatangkad. Si Kaiden, Alexis, Gavin, Gregory, at si Anthony. Sila-sila lang ang mga matatangkad na nagtatrabaho kahit na sila naman ang mga kabataan na nagtatrabaho.

"Hindi ba sila pwedeng magpahinga, Lola? Sobrang init po ng panahon."

Kung tingnan ay init ng panahon ay baka maluluto talaga ang balat ng tao. Ang klase ng init na parang nangangagat dahil sa hindi na ito normal. Masakit na sa balat.

"Pwede naman silang magpahinga pero hindi pa oras ng pahinga."

Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa mga nagtatrabaho. Mukhang hindi din naman nila alintana ang init pero delikado pa naman ang init ngayon.

"Ganu'n po ba?"

"Kapag may lupain ka rin at ganito ang nakikita mo, maaawa ka talaga pero 'yun ang patakaran, Apo. Magsisimula sila ng alas siyete ng umaga, titigil ng alas onse ng umaga para sa kaunting pahinga at tanghalian na rin. Babalik ng ala una ng hapon, may pahinga ng ilang minuto ng alas tres kasi merienda, babalik din kalaunan. Titigil sila ng alas-kwatro ng hapon."

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now