Kabanata 11

109 5 0
                                    

Hindi ko akalain na sa isang iglap ay malalayo ako sa mga kaibigan ko. Sa isang pangyayari na hindi ko inaasahan ay pinagbabawalan akong makita sila. Pero parang kasalanan ko naman kung bakit may kung anong nangyari sa kanila. Kung mas maaga lang sana akong dumating. Kung nakahingi lang sana ako ng tulong ay baka walang nangyaring masama sa kanilang dalawa.

Plano na naman sana naman makisali na sa practice ng completion namin. Puro takas lang ang ginagawa namin kaya naisipan na naming sumali pero hindi na namin nagawa.

Kinakabahan na tiningnan ko si Betane na sobrang putla at halos wala nang lakas na nakaupo sa armchair. Pareho kami ni Aubrielle na nataranta dahil sa kami na lang naman ang natira dito sa classroom. Lahat ng mga kaklase ay nasa court para sa practice.

Iniwanan ko sila para maghanap ng mainit na tubig dahil baka iyon lang ng kailangan ni Betane. Maghahanap na rin ako ng tulong.

"Wala ka bang practice, Ash?"

Natatarantang tiningnan ko ang tumawag sa akin. Papunta ako ng canteen o kung saan para lang may mahanap akong mainit na tubig. Tuliro na ako at hindi ko na alam ang gagawin.

"May kailangan ka ba?"

"Wala akong oras sa'yo, Ashton– Ano ba?!"

Pilit akong lumayo sa pagkakahawak niya sa braso ko pero ayaw niya akong bitawan.

Nagmamadali ako kaya wala akong oras sa mga ganito.

"Kung akala mo ay nakakalimutan ko ka ang hiwalayan natin. Pwes! Hindi! Minahal kita–"

"Ano ba?!" Pilit pa rin akong nagpupumiglas sa pagkakahawak niya pero wala pa rin.

"Nasasaktan ako. Ano ba?!"

"Sinaktan mo rin naman ako. That's alright, Ash. Makipagbalikan ka lang sa akin–"

"Ayaw ko nga! Ano bang problema mo?! Noong isang taon pa tayong hiwalay! Bakit ka ba pumunta pa dito??"

Nilapit niya ang mukha sa akin kaya inilayo ko ang mukha sa kanya.

Nasa hallway kami ng mga classrooms pero dahil sa busy ang lahat. Lahat ng grade ten ay nasa covered court para sa practice ng completion. Ang mga taga lower grades din ay busy sa pagpapapirma ng clearance kaya paniguradong nasa principal's office ang lahat. Hindi ako makahingi ng tulong.

"Maarte ka na ngayon?! Isa lang, Ash–"

Nanlaki ang mga mata ko. Kahit na mahigpit niya akong hinawakan ay nagawa ko pa rin siyang sipain ang gitnang bahagi ng kanyang katawan. Nabitawan niya ako kaya nagkaroon ako ng pagkakataong tumakbo.

Gusto kong umiyak dahil sa takot habang tumatakbo pero pinigilan ko lang ang paghulog ng luha. Kahit na hindi maganda ang naranasan ko ay inisip ko pa rin. Kailangan ko pa ring maghanap ng mainit na tubig.

I met harassment in my way, but I can't think about myself. I am still thinking about my friends.

Pagbalik ko sa classroom ay hanggang iyak na lang ang nagawa ko nang makitang nagkukumpulan na mga estudyante ang naabutan ko. Wala na ang mga kaibigan ko, nadala na sila sa ospital at tanging ang napakaraming dugo na lamang ang naabutan ko.

Gulong gulo ako sa mga nangyari. Pag alis ko kanina ay iniwan ko lamang ang mga kaibigan ko. Walang nararamdaman na kahit ano si Aubrielle at si Betane ay nanghihina. Pagbalik ko ay malalaman ko na lang na may mga estudyante ang pumasok sa classroom at pinagbubugbog sila. Worse, sinugatan pa si Aubrielle.

I am so damn useless! Kung hindi lang sana ako umalis ay baka hindi nangyari sa kanila 'yun. Hindi sana sila nasaktan.

I blamed myself for what happened to my friends. I hate myself for not being able to be by their side when they needed me the most.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now