Kabanata 17

110 4 0
                                    

"Anong araw ka hindi busy?"

Hindi ako agad nakasagot. Kunot-noo kong tiningnan ang mukha niya. Gusto ko lang malaman kung bakit niya pa tinatanong kung kailan ako hindi busy.

"Busy ako palagi."

"Ako din, busy palagi. But I can make time for us."

Mas kumunot lang ang noo ko.

Is it about the past? Gusto niya akong makausap dahil sa gusto niyang pag usapan namin ang nakaraan?

Tiningnan ko ang relo na suot. Ayos pa naman. May sapat na oras pa kami para mag usap.

"We can talk now."

"Hindi ka ba aalis pa Cebu?"

"Aalis. Doon naman ako palagi kapag weekends. Pwede pa tayong mag usap ngayon."

"Pero di ba sabi mo ay nagmamadali ka?"

Nagtaas ako ng kilay. Kailan ko naman 'yun sinabi sa kanya? Hindi ko matandaan na nabanggit kong nagmamadali ako.

"Ano ba ang gusto mong pag-usapan? We can talk–"

"Nagmamadali ka," paalala niya.

Inayos ko ang sarili pagkatapos ay tumayo. Nagmamadaling tumayo din siya nang makita ang ginawa ko.

"Edi kung ayaw mong mag-usap tayo, edi huwag na. Aalis na ako–"

"Okay. Let's talk now," he said as if he's defeated.

Tinitigan ko ang mukha niya. May perpektong oras at lugar ba ang pag uusap na gusto niya? Kung tungkol lang naman ito sa nakaraan edi mas mabuti na dito na namin pag usapan 'yun. Gusto ko na kapag magkita kami ulit ay tungkol na sa eleksyon ang pag-u-usapan namin.

Huminga ako ng malalim. Kailangan din naman naming pag usapan ito kaya ayos na 'to. Ito na ang perpektong oras na balikan namin kung ano man ang nangyari noon.

"First of all…uhm…I am sorry–"

"You didn't do anything wrong, Ash. Walang may kasalanan–"

Umiling ako. Namumuo na ang mga luha sa gilid ng mga mata. Naalala ko na naman ang nangyari noon. Ang nangyari sa akin sa bahay nina Vince, ang hindi pagtanggol sa akin ng mga magulang, ang pagsabi ng mga masasakit na salita sa akin ng mga magulang, ang pagtakas ko sa bahay, at ang pagbugbog sa kanya kahit na wala naman siyang ginawa.

"Ako naman ang pumunta sa bahay niyo…"

Naupo ulit ako sa sofa dahil sa panghihina ng tuhod. Naalala ko na pumasok pala siya sa amin bilang driver para lang mapalapit sa akin. Plano nila 'yun ng ama niya. Pero wala na naman 'yun sa akin. Hindi ko lang mapigilan ang maalala ang lahat-lahat.

That day was the darkest moment of my entire life.

"Kung hindi ako pumunta sa bahay niyo edi sana ay hindi ka nasaktan–"

"You were broke that time, Ash. Kaya nga pumunta ka sa akin para mabawasan ang sakit na nararamdaman, 'di ba? I am willing to listen."

Kung hindi lang sana ako tumakas sa bahay ay hindi sana nangyari 'yun. Maraming nadamay dahil sa ginawa kong 'yun.

"I'm really sorry, Anthony. Nasira ang buhay mo ng dahil sa akin–"

"Hindi," umiling siya pagkatapos ay nilapitan ako.

Tumayo siya sa harapan ko. Pinahid ko ang mga luha at tiningala siya. Mas lalo lang akong nagi-guilty dahil sa nakita ko siya ngayon.

Guilty ako sa nangyari noon dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Hindi ko inisip kung ano ang kahihinatnan ng mga ginagawa ko. Basta-basta na lang ako sa pagdedesisyon.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now