"It's not your fault. Nangyari yun dahil yun naman talaga ang dapat na mangyari. Don't blame yourself on the things that was already happened. It happened for a reason, Ash. Nandito tayo ngayon sa kung ano tayo dahil sa nangyari noon."

Tinakpan ko ang mukha gamit ang dalawang kamay at yumuko.

Ang akala ko ay wala na. Na matagal na panahon na ang lumipas kaya ayos na ako pero hindi pa pala. Lahat-lahat ng sakit sa bumalik. Ang dahilan kung bakit ko siya pinuntahan noon. Bumalik lang lahat.

Once again I am hurting because of what happened a long time ago. I am still hurting.

"Just cry. I am here…always."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko kaya napahagulgol ako. Kaya siguro nagkakaganito ako kasi hindi pa rin ako nagbabago. Ako pa rin anf dating Ashanta na umiiyak at nagsusumbong sa kanya. Baka hinintay ko lang talaga siya ng napakaraming taon para gawin 'to. Hinintay ko siya kasi siya lang naman ang gusto kong makinig sa mga problema ko at ang makakakita na umiiyak ako. Hindi ko kailangang magtago ng nararamdaman kapag kasama ko siya.

"I'm sorry–"

"Shh. It's okay. Wala kang kasalanan. I didn't blame you. Never."

Hinawakan ko ang pisngi. Ramdam ko ang sakit at init doon dahil sa pagsampal ni Daddy sa akin. Pero tiningnan ko pa rin siya at hindi nagpakita ng emosyon.

"How could you do this to me?! Ibang tao ang susuportahan mo at hindi ako?! Nasaan na ba ang utak mo, Ashanta–"

"Tama na, Joseph," sinubukang pigilan ni Mom si Dad pero ayaw pa rin niyang paawat.

"Kung ito lang naman ang gagawin mo sa akin, mas mabuting magkakalimutan na tayo!"

"Ano ba, Joseph! Dahil lang sa politika ay sisirain mo ang pamilyang ito–"

"Hindi ako ang sumira, Natasha," galit na tinuro niya ang mukha ko. "Yang anak mo na 'yan ang sumira sa pamilya nating ito!"

Napasinghap kami ni Mommy nang makita ang paglabas ng baril ni Daddy. Galing yun sa drawer sa kwarto nila.

"Ano ba, Joseph?! Anak mo 'yan!" Galit na sigaw ni Mom.

"Anak?! E, sisirain ako ng batang 'yan kaya mas mabuting patayin ko na lang ito!"

Mommy cried but I didn't. I won't cry because my father pointed his gun to me.

I stand straight and proud. Ngayon lang ako susuway sa mga magulang kaya dapat ay panindigan ko na. Hindi ko na kaya ang mga pinagagawa nila sa akin. Sobra na.

"Sige, Dad! Patayin niyo ako! Barilin niyo ako dahil sa diyan naman kayo magaling! You're a killer, Dad!"

Galit ko siyang tiningnan. All my life I have been following whatever they wanted. I have following them, but why can't they even turn around and see the difficulties I face? They never look back and they keep on neglecting my happiness. I don't want to remain as their follower, may sarili din akong kagustuhan.

"I'm sorry for ruining my own family, Dad. I am sorry because I am the reason why this family has become a mess."

Gusto kong isisi sa kanya ang lahat-lahat. Na siya naman ang dahilan. Na nambababae siya, na kriminal siya at kung ano-ano pa pero sa huli ay ako pa rin pala ang sisisihin. Kailan ko ba maririnig ang salita galing sa kanila na may nagawa akong tama. Lahat nalang ay mali. Ako na lang palagi!

"Patawarin niyo po ako dahil naging anak niyo ako."

Galit na tiningnan ko ang ama.

"I'm sorry for setting aside my dreams just to follow what you all wanted. I am sorry because I cannot do what you wanted."

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now