"Mom, please."

"No, Ashanta. Tumayo ka dyan. Hindi ka namin matutulungan!"

Humagulgol ako na hinawakan ang paa ng ina. Kung pwede pa lang na halikan ang paa niya ay ginawa ko na. Sadyang palagi niya lang akong pinipigilan.

"Ashanta, stop it. Wala kaming maitutulong sa'yo. Wala kaming magagawa para sa mga kaibigan mo–"

"But, Dad. You can help them in court. Please, po. I'm begging po."

"Alright!" Mommy said as if she gave up.

Nagpahid ako ng luha at tiningala siya. "Thank you, Mom–"

"In one condition."

"Po?"

"Papasukin mo ang politika pagka-graduate mo ng college. We will help you."

Yumuko ako at kinagat ang labi. Gusto kong tumanggi. Ayaw ko pero wala akong magawa. Kailangan kong matulungan ang mga kaibigan ko. Kahit yun man lang ang maitutulong ko sa kanila.

"P-Promise–" I sobbed with all of my heart.

But I don't want to follow their footsteps. I don't want to become like them.

"Good."

Iniwan ako ng mga magulang sa sala. Wala akong nagawa kundi ang humagulgol. Wala akong magawa kundi ang umiyak na lamang.

"Tahan na, Nikita."

Tinanggap ko ang mahigpit na yakap ni Manang Belen. Ngayon ay ito lang ang mayroon ako. Ang mahigpitan na yakap.

Hindi ko mabisita ang mga kaibigan sa ospital dahil bawal silang bisitahin. Kahit ako na kaibigan nila ay hindi man lang nakapasok sa mga kwarto nila sa ospital.

I was so devastated at the completion ceremony. I climbed at the stage with high honors, but I am not happy at all. Kasama ko sana ang mga kaibigan na umakyat din ng stage. Pareho naman kaming naghirap na mag aral pero ako lang ang naka-akyat ng stage.

Tinulungan ng mga magulang ko ang mga magulang ng aking kaibigan sa kaso. Nagpapasalamat din ako na nasa tamang gulang na ang mga nanakit sa mga kaibigan kaya nakulong sila. Kulang pa nga 'yun sa kanya.

The next day, after the trial, umalis si Betane papuntang Maynila. Isinama siya ng kanyang mga magulang. Si Aubrielle ay matagal nang umalis papuntang Maynila din. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila.

"Shit ka!" Inis kong sigaw kay Kaiden nang puntahan ko siya sa ospital.

Pagkatapos ng nga nangyayari sa mga babae kong kaibigan ay heto naman siya ngayon. Nasa ospital dahil nadisgrasya sa kanyang motorsiklo.

"Kanina mo pa ako minumura, Ash. Parang hindi man lang ako nasaktan. Look at me, I am broke–"

Inis na tinulak ko ang noo niya. "Broke! Takot na takot ako nang malaman kong nadisgrasya ka–"

"Oh, shhh. Stop crying."

Nagpahid ako ng luha at pinalo ng paulit ulit ang braso niya.

Takot na takot ako nang malamang nadisgrasya siya. Hindi pa nga ako naka-get over sa mga nangyari sa kina Aubrielle at Betane, ito na naman siya ngayon.

Nakakainis na!

Natakot lang lalo ako nang pagpasok ko sa kwarto ni Kaiden dito sa ospital ay puno ng benda ang katawan niya. Napuruhan nga talaga siya.

"Sorry na. Huwag ka nang umiyak. Pumapangit ka na, e."

Pinalo ko siya ulit.

"Natakot ako–"

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now