"Dadating din naman siya sa puntong iyon. Pag aaral pa talaga ang iniisip niya, pero kung saka-sakali mang maisipan niya, why not di ba? Susuportahan namin ang anak namin."

Ha! Wala akong plano!

Nakahinga din naman ako ng maluwag nang makawala na ako sa mga hanay ng mga politiko. Pero napunta naman ako sa mga anak ng mga politiko, katulad ko.

Nagpakilala na naman sila isa-isa. Mas marami ang babae kaya ayos lang sa akin. Hindi din katulad ng mga pinsan ko, hindi sila nanghuhusga. Pero ganun naman talaga. Paano sila manghuhusga, kakakilala lang naman namin. Hindi pa namin alam ang kung sino talaga kami.

"Clide. Kilala na kita, Ash. Can I call you Ash?"

Tumango ako doon sa mukhang ka-edad ko lang. He's Clide.

"Pinsan ko kasi si Ethan Daniel. Kilala mo siya, 'di ba?"

"Yup!"

Sa mga nandito ay may iba-iba kaming pinag-usapan. Kami lang ni Clide ang nag uusap dahil sa may ibang pinag uusapan ang mga nandito. Hindi ko relate.

"Ang ganda mo pala talaga. No wonder, patay na patay sa'yo yung pinsan ko."

"Sa ibang partido siya, 'di ba?" Tanong ko na sinagot niya ng isang beses na pagtango.

"Hindi magkasundo ang mga pamilya namin pero iba naman kami. Close kami."

Okay!

"Taga Cebu talaga kami. Mga bisaya kami, si Ethan din."

I chuckled at what he just said. Hindi ako nagtanong pero ayos na din naman. Kakaiba ang sinabi niya.

Sa lahat ng mga sinasabi niya ay binabanggit talaga niya ang pinsan niya na parang gusto niyang palagi kong maalala ang pangalang Ethan Daniel na may gusto sa akin.

"Sana hindi mo siya i judge dahil nasa ibang partido siya sumusuporta. Kapag ikaw din naman ang tatakbo ay hahabulin ka niya."

"Ha?"

"I mean…susuportahan ka niya. Ganun."

Nagkamot siya ng ulo. Nagkamali lang ba siya o sinadya talaga niyang sabihin 'yun? Sa lahat ng mga sinasabi niya ngayong gabi ay paniguradong naiisip niyang isali niya sa kanyang mga sinasabi ang kanyang pinsan.

Natuwa din naman akong kausap siya. Para lang din siyang si Ethan, palabiro.

Dumating ang hatinggabi ay wala pa rin yatang plano ang lahat na tumigil sa kakausap. Wala yatang plano na umuwi.

"Mom, I need to go home tonight. I have my class tomorrow."

Hinaplos ni Mommy ang balikat ko. Nilapitan ko lang talaga siya para lang sabihin sa kanya 'yun. Sa narinig ko ay dito na matutulog ang lahat. Naka-book na ng kwarto ang lahat na nandito. Ang iba ay sa kabilang resort na magpapalipas ng gabi.

"Iniisip ko na rin 'yan. All you need to do is to say goodbye to your father. I'll call the guards and the driver."

"How about you, Mom? Hindi pa po ba kayo uuwi?"

Umiling si Mommy kaya hindi na lamang ako kumontra.

Honestly, takot akong bumiyahe mag isa. Kahit na may kasamang mga gwardya, nababahala pa rin ako. It's in the middle of the night. Sa mga napapanood ko sa K-drama ay may kung sinong haharang sa daan at kikidnapin ako. Pero sino naman ang gagawa nun? Wala naman yata.

Nagpaalam ako kay Dad at pati na din sa mga kasama niya sa lamesa. Hindi ko na kailangang magpaalam sa lahat, baka abutin pa ako ng umaga. 'Tsaka wala naman silang pakialam sa akin kaya wala din silang pakialam kung aalis na ako.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now