"Maghunos dili ka nga, Ash! Guro 'yan! Estudyante ka. Kapag talaga mawalan ng trabaho 'yang si Sir, madami ka talagang kontra. Ang dami ding nagkakagusto doon sa guro nating 'yun."

"Hindi ko naman sinabing jojowain ko. For inspiration purposes lang—"

"Inspiration purposes?! E, halos ipagsigawan mo na sa buong paaralan na gusto mo. Oh my God, Ash! You're a big catch. Kapag nalaman yan ng lahat, ano na ang mangyayari. Paano kung dumating sa mga magulang mo?"

"Easy lang kayo, okay," pigil ko sa mga kaibigan ko. "Walang gagawin ang mga magulang ko."

"Anong wala?"

Wala naman talagang pakialam ang mga magulang ko. Ni hindi ko nga sila halos nakikita sa bahay. Mas naging busy na sila dahil sa papalapit na eleksyon.

Totoo din naman na wala akong planong i-level up pa ang pagkakagusto ko kay Sir Lawrence. Hindi naman ako ganu'n ka baliw.

Siguro ay ito na din ang ginawa kong dahilan para tigilan na ang mga pinaggagawa ko. Nagsawa na rin ako na binansagang playgirl kahit na hindi naman. This is my getaway to stop hurting others feelings.

Nakakasawa din pala ang pagmumukha ng mga kalalakihan. Sa totoo lang.

"What part of the lesson you cannot understand, Perez?"

Ngumiti ako. Kahit na alam ko na naman ang leksyon na ito dahil sa madali lang naman ang MAPEH, naghahanap lang talaga ako ng dahilan na makalapit sa guro.

Saan ba kasi nagsusuot itong si Sir at ngayon lang lumipat dito?

"About the Art of Renaissance and Baroque Period."

Oh, shit! Ang tanga ko! Ang dali lang pala nun!

Kinagat ko ang labi ko dahil sa sobrang kaba. Halos hindi na rin ako humihinga dahil sa sobrang lapit namin ni Sir. I can even smell his manly perfume.

Tiningnan ko ang buong mukha niya nang hindi siya nakatingin sa akin. He has that thick and dark eyebrows. Damn! How I really like those kinds of brows. His so dark eyes, his nose, his lips, his jaw. His face screams perfection. And those braces. Hindi ko akalain na ang ganda pala tingnan sa isang lalaki ang may braces sa ngipin?

"Are you listening, Perez?"

Napalunok ako at nag iwas ng tingin. Kinakabahan ako ng sobra. Hindi ko na tuloy nalaman ang mga ginagawa ko.

"Y-Yes, Sir."

Shit! Nakakahiya! Nakita yata niya na tutok na tutok ako sa kanya.

"As you can notice, the paintings looked old, but they were odd and unique. Hindi katulad ng mga paintings ngayon…"

Yes, Sir. Opo, Sir. Kahit na wala akong naintindihan sa mga sinabi niyo. Naiintindihan ko naman ang sarili ko, nababaliw po ako sa inyo, Sir.

Kagat labi at tuwang-tuwa na bumalik ako sa upuan ko. Hindi ko man lang maitago ang nag uumapaw na kasiyahan. Baliw na nga yata ako.

"You look like a rotten tomatoes. Look at your cheeks, Ash. Nilalagnat ka ba?"

Nagkamot ako ng ulo dahil sa sinabi ni Betane.

"Kung titingnan ay parang hindi mo man lang naranasan ang magkagusto. Jusko sa'yo, Ash! Matalino ka naman, nagkukunwari ka lang para lang makalapit kay Sir."

"By the way. Asan si Aubrielle?" Pag iiba ko ng usapan.

Kahit na ano pa ang sasabihin ng mga kaibigan ko, hindi na magbabago ang nararamdaman ko. I will continue admiring our teacher.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now