"Oo nga po, e. Parang aliw na aliw naman po ang kasama niyong tumingin sa mga nasa loob ng court."

Oh, come on! Sino bang hindi matutuwa habang nakikita ang mga masayang masaya na mga tao na lumabas ng court at may dala-dalang mga food packs. Kahit na kontra-partido naman ang namigay ay hindi naman 'yun nakakapagbago sa nararamdaman ng mga tao. Masayang masaya sila. Iyon naman ang importante.

"Galing pa kaming kabilang barangay. Tumulong kasi si Ma'am na mamigay din ng mga relief goods."

Bakit kailangan pang sabihin 'yun? Pakialam naman noong tao, 'di ba? Tsaka bakit Ma'am na ang tawag ni Manong sa akin? Tsaka lang naman niya ako tinatawag na Ma'am kapag nandyan ang mga magulang ko. Ayos lang naman sa akin na Nikita ang tawag niya sa akin. Mas komportable pa 'yun.

"Talaga po ba?" Parang tuwang-tuwa pa na tanong ni Anthony.

"Mabait pala itong si Ma'am."

Tss!

"Mabait talaga 'yan. Minsan lang namang lumalabas ang pagkamaldita niya. Mabait siya palagi."

Mabait lang ako sa mga mababait, 'no!

"Ikaw ba, Hijo? Palagi kang tumutulong sa mga ganitong gawain?"

Yun din ang gusto kong malaman. Wala naman talaga akong pakialam sa kanya. And I am not curious at all. Gusto ko lang malaman. Yun lang naman.

"Hindi po palagi. Kapag wala po akong trabaho at sakto namang may ganito, tumutulong po ako."

"Matagal mo na bang ginagawa 'yan?"

"Yes, po. Numero unong taga-suporta po ako ng mga Tan."

Hindi ba niya kitang kontra-partido kami? Kailangan pa bang sabihin 'yan?

Hindi pa ba siya aalis? Hindi ba siya nangangawit sa kakatingin dito sa loob? May trabaho pa siyang dapat gawin, mas matatagalan lang lalo na umalis ang mga Van dahil sa ang isa sa mga dapat magdiskarga ay nandito. Nakikipag usap.

"Ma'am, ayos lang ba talaga kayo?"

Tiningnan ko si Nung Manuel. "Ayos lang po. Mag usap lang kayo diyan. I won't mind."

"Yun ba? Pwedeng lumabas muna, Ma'am?"

"Ayos lang po. Hindi pa naman po tayo makakaalis."

Umaatras si Anthony ng kaunti para makalabas si Manong pagkatapos ay patuloy na silang nag usap na parang ang tagal na nilang magkakilala.

Nanatili ako dito sa loob at hindi man lang inabala ang sarili na buksan ang bintana ng sasakyan. Baka kung ano pa ang isipin ng mga tao kapag nakita akong nandito. Kahit na wala naman akong masamang ginawa, baka kung ano pa ang masabi nila. Anak pa naman ako ng kalaban na partido.

Ilang minuto ay napatingin ako sa bintana nang marinig ang pagkatok. Hindi ko na naman sana bubuksan yun nang makitang si Anthony yun pero hindi naman ako baliw na hahayaan lang siya sa pagkatok.

"What?" I asked him when I opened the window.

Ngumiti siya kaya kinunotan ko siya ng noo. What's with your smile, Anthony James?

"Ilang buwan tayong hindi nag usap at nagkita, 'yan agad ang itatanong mo sa akin?"

"What else would I ask you.?"

"Kamusta?"

I look at him with disbelief.

Ayos lang ba siya? Hindi ba niya nakikilala kung sino ang nasa harapan niya? Hindi niya ba naalalang naiinis siya sa akin?

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now