Alam ko naman na planado nila lahat, pati yung kay cora. Ginamit nila si cora para linlangin ang atensyon ko. I know that this is all part of their plan. Gusto nilang makakuha ng impormasyon sa kwarto ko, not knowing na hindi naman ako nag iiwan ng bakas dito.


Nag suot ako ng short at nag sando na black, yung sandong makapal ang tela then Nag heels na ako . Nag suot ako ng hikaw yung Pang lalaki simpleng itim na bilog lang ito, sa kaliwa at kanan kong tenga tig tatlo ang butas. Kaya naman anim na hikaw ang kailangan ko.

Sinuot ko yung necklace kong may nakaukit na Death. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangisi. Pagkatapod ay itinali ko ang buhok ko.

Itinabi ko muna ang bigay ni draye na kwintad pero for some reason hindi ko iyon mahanap. I think kinuha iyon ni aiden, akala niya siguro may makukuha siya doon.








----

WELCOME TO PASH UNIVERSITY!!!!

WELCOME TO HELL!!!!

Maganda naman ang school na to syempre kanino ba ito nag mamay ari. Edi sa pamilya ko. Yes, sa pamilya ko na naman.


Kilala ang mga vielle sa buong mundo, sikat na scientist ang mga magulang ko. Kaya naman hindi na ako mag tataka kung madami kaming school na pag mamay ari.

"Saan ang office" sabi ko, kahit amin to never pa akong nakatungtong dito hindi ko alam kung anong secretong ibinabalot nito.

Ngayon ko lang din naman natuklasan ito ng diko sinasadyang marinig ang usapan nina mom at dad. I know there is something wrong here in school. I can sense it.

"Hindi ka ba marunong mag good morning man lang?" Sabi nya saakin, siguro ay isa sya sa mga prof dito. Wala akong pake kung bastusan eh sa late nako eh .



"What so ever, bitch." Sabi ko kaya naman nilagpasan ko nalang siya.


"Siya ba yung bagong lipat dito?"

"Oo ata!"

"Ang ganda niya!"


"Anak ata yan ng Dyosa!"


"Talbog pa si Queen!"

Queen ulit? Kada may school ba requirements na may Queen?

"Ang cool niya!"


"San ba office dito?" Tanong ko sa isa sa mga nag bubulungan sa corridor.



"Sa second floor pa, kakanan ka." Tas ngumiti pa sya. Tumango lang ako at nag simula na naman akong mag lakad.



Habang nag lalakad ako may nakadanggil saakin na babae. Nakain siya kaya natapunan ang damit niya. Hindi na ako nag aksayang lumingon dahil siya naman ang may kasalanan kaya nag lakad na lang ulit ako.



"Araaay!" Sabi nung babae. Hindi ko siya nilingon at nag lakad lang ako.


Hindi ko naman kasalanan na tatanga tanga sya at wala akong panahon sa gaya niyang tao. May iba akong ipinunta dito at ayokong maging sagabal siya sa mga plano ko.




"Hoy! Ikaw!" Alam ko na ako ang itinutukoy niya. Pero hindi parin ako nalingon. Sabi ko nga wala akong panahon sa kaniya.




"Alam mo ba kung mag kano ang damit kong babae ka!"



Tumigil ako at nilingon aiya sabay smirk. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.



"Sa totoo lang, mas mahal pa tong sando ko sa lahat ng suot mo. Kayang kaya kitang bilihan ng damit yung original pa." Sabi ko sabay lakad papaalis . Iniwan kona siya na halatang gulat . Yung mga tao naman sa paligid e halata na nag pipigil ng tawa.



-------


BLAG!


"Andito ka na pala." Sabi noong babae habang nakangiti saakin.


"Saan ang room ko?" Walang galang na sabi ko.



"Umupo ka muna" sabi niya.


"Sabi ko saan ang room ko?"


"Sa third floor, pang sampong pintuan." pag ka sabi nya nun umalis naako , ano pa gagawin ko dun makikichismis?




Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at tumakbo na ako. Im late! As usual paano kasi yung mga nakakasalamuha ko ngayon mga malas.








RED EYED PRINCESS ✔️Where stories live. Discover now