SIXTY-SIX

319 6 0
                                    

Chapter 66
Aihna's Point Of View

DUMMY!

He kept on saying that he will be fine but he is absolutely will not be.

A four-year course and years of gaining experiences in my field of work?

Sa tigas ng ulo niya ay imposible na hindi niya ako sundan doon with some random excuse.

Kaya naman habang kausap kanina si Papa ay ipinahanda ko sa kaniya ang extra-copy ng susi ng titirahan ko sa ibang bansa. Para sakaling wala ako sa bahay ay sa loob siya maghihintay.

Kaagad na tumango si Papa matapos na marinig iyon at einabi na nai-handa niya na iyon bago ko pa man sabihin sa kaniya. Kaya naman dalawa ang susi na ini-abot niya sa akin kanina.

Pero bago ko pa man masabi kay Elixxir ang tungkol sa susi ay tumayo na siya sa inuupuan niya at nag-aya ng umuwi.

Dahil sa mayroon akong bitbit na motor ay hindi ako sumabay sa kotse niya.

Nauna siyang umalis sa akin at makarating sa Manse De Nel pero magkasabay pa rin kami nang sumakay sa elevator.

Hindi niya ginawang magsalita. And I can't bring myself to open a topic too.

Sobrang nakaka-suffocate ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Nagtatalo rin ang mga katanungan sa isipan ko habang magkatabi kaming nakatayo sa loob ng elevator.

Should I say something?

Or should I not?

Will I let him sleep with an uneasy feeling?

Ofcourse not.

But how will I bring myself up to say it?

No. I can't open my mouth to speak!

Bumukas ang elevator dahil narating na namin ang tenth floor.

Lumabas na ako at nanatiling nakatayo sa harapan ng elevator at kinawayan siya para magpaalam.

Pero nang magtama ang mga mata namin ay hindi ko magawang huminga matapos na makita ang emosyon sa mga mata niya.

He looks like he is about to cry too.

"Fvck it."

Pagmumura ko habang pilit na pinipindot ang button para bumukas iyong muli.

Nang hindi iyon magbukas ay nagmamadali akong tumakbo papunta sa hagdan at umakyat sa 11th floor para puntahan ang unit niya.

Pagbukas ko ng pinto ng 11th floor ay sakto namang kita ko sa kaniya na kapapasok lang sa loob ng unit niya.

Nasa kabilang dulo ng hallway ang unit na tinitirahan niya kaya naman kinailangan ko na maglakad pa bago makarating doon.

Kaagad akong nag-doorbell habang bumabawi pa rin sa paghinga.

Ilang minuto pa ay bumukas ang pintuan niya at nagugulat akong tiningnan.

"I forgot to say something important."

Kaagad na sabi ko sa kaniya.

I didn't really plan to give this to him yet. Pero dahil sa sitwasyon ay mapipilitan akong ibigay na sa kaniya ngayon ang susi na balak ko pa sanang ilagay sa keychain para hindi niya maiwala.

"What–?"

Tanong niya matapos kong i-abot sa kaniya ang nakatiklop na kamay.

Tinanguan ko siya para sabihin na tanggapin iyon.

Nang nasa ilalim na ng kamay ko ang palad niya ay hnayaan ko na malaglag doon ang susi na hawak ko.

"Para saan ito?"

VENGEANCEWhere stories live. Discover now