THIRTEEN

174 10 0
                                    

Chapter 13
Aihna's Point Of View

Hindi lang ang ilaw ng tahanan, haligi at mga miyembro ng isang tahanan ang matatawag nating pamilya. Saklaw rin nito ang mga kamag-anak natin. Mga pinsan, tito at tita, ganoon rin ang mga lolo at Lola.

At kahit pa ilang taon na ang lumipas na hindi natin sila nakakasama ay hindi natin maitatanggi na sila ay ating pamilya.

At nakalatakot ang pakiramdam na mawawala na sila.

Hindi temporary, kundi permanente.

Habang-buhay.

"Anong ginagawa mo? Bakit hindi ka mapakali diyan sa upuan mo? Nag-aalala ka para sa akin ano?"

Itinigil ko ang ginagwa dahil sa kaba ng marinig ang boses ni Lola.

It is... the day!

Ito ang araw na naka-schedule siyang operahan.

Nakahiga na siya sa hospital bed at ano mang oras mula ngayon ay magsisimula na ang operasyon niya.

Kunot-noo kong iniiling ang ulo sa kaniya para sagutin ang katanungan niyang iyon.

"Hindi po a. Bakit naman ako mag-aalala? Napakarami mo na pong napagdaanan. Hindi cancer ang makakapatay sa iyo."

Hinawakan niya ang kamay ko at piniga iyon.

Kahit kaunti, nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Ang sabi ng doctor ay walang dapat na ipag-alala dahil magiging successful ang operasyon. Ang mas dapat mong alalahanin ay kung anong gagawin mo ngayon? Pinatalsik ka na nila sa eskwelahan at inakusahan ng mga bagay na hindi mo naman ginawa."

Mapait akong napangiti.

Hindi na nalinis ang pangalan ko sa kaso ng pagnanakawsa school.

Kagaya ng sabi ni Liey, hindi basta papalagpasin ng Mama ni Reina ang nangyari. Kahit pa ilang ulit kong sabihin na hindi ako ang may gawa niyon.

Pinatalsik nila ako sa eskwelahan. Idagdag pa ang nangyaring sunog sa abandonadong building na pinuntahan namin ng gabing iyon.

Pero masaya ako kahit na ganoon dahil nang akuin ni Liey ang nangyari ay nakalabas ako at naalagaan si lola bago pa man siya isalang sa operasyon.

Hindi rin naman siya nagtagal sa loob ng kulungan ng matagal na panahon dahil sa hindi siya natiis ng Papa niya at tinulungang makalabas.

Iyon nga lang ay inilipat na siya ng eskwelahan bilang parusa.

Magmula niyon ay hindi na kami nagkita pa. Nakakapag-tawagan kami pero madalang iyon dahil mas hinihigpitan na siya ngayon ng mga magulang niya.

Mas matindi na ang pag-aaral niya ngayon at pagpupursigi dahil ang goal niya ay makaalis sa puder ng mga magulang niya at magtayo ng business na ikakasaya niya.

Ang tanging sabi ko lang ay handa akong sumuporta sa kahit na anong maisipan niya hangga't iyon ang ikakasiya niya. Pero hindi rin ako magddalawang isip na pigilan siya sakaling mapansin ko na mali na ang nagiging mga desisyon niya.

"Pag-usapan po natin iyan pagkatapos ng operasyon ninyo."

Sagot ko kay Lola.

"Hindi mo naman iniiisip na huminto na ng tuluyan hindi ba?"

"Wala ka po bang tiwala sa akin 'la?"

"Gumawa ka ng dahilan para pagkatiwalaan kita."

Napanguso ako sa sinabi niya.

"Kahit pa gusto ko ng mamatay, hindi ako pupwedeng mamatay dahil sa iyo."

"Kung ganoon... dapat pa akong gumawa ng kalokohan para mas humaba pa ang buhay ninyo."

VENGEANCEWhere stories live. Discover now