FIFTY

80 5 0
                                    

Chapter 50
Elixxir's Point Of View

Ipinarada ko ang kotse at nagmamadaling naglakad papasok sa building namin.

Habang naglalakad din ay nakita ko sa daan si Aihna kaya naman malawak ang ngiti kong nilapitan siya.

"Aihna!"

Pagtawag ko sa kaniya bago sana akmang yayakapin siya nang kaagad niya akong tingnan ng masama.

Ofcourse I am kidding.

I've been teasing her a lot these days at palagi siyang iritado sa akin.

Hindi ko naman maiwasang gawin dahil sa tuwing ganito ang eksena namin ay doon lang nagbabgo ang ekspresyon sa mukha niya at nawawala ang pagiging sobrang seryoso.

Sa tingin ko nga ay mabilis siyang tatanda kapag hindi niya ginalaw ang mga muscles niya sa mukha.

"I told you that I'll kill you once you do that again."

Puno ng pagbabanta ang boses niya at mga mata.

Pero imbis na matakot ay malakas akong tumawa.

"Ofcourse I am just joking. Don't be so serious."

Kaagad niya akong inikutan ng mga mata at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa classroom namin.

Kaagad naman din akong sumunod habang hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi.

These past few days, pakiramdam ko ay mas naging close kaming dalawa.

I am comfortable hanging out with her and she is also comfortable with me... probably.

Pagpasok sa loob ng classroom ay ito nanaman yung feeling na para bang mayroong mga matang nakatingin sa akin.

Well it's because there is.

There is the remaining four members of the Royals, my sister, Xsana, Aihna's allies who are my classmates Miyo and Aleiksa. Then there is him. Luhence.

Dinaanan ko lang silang lahat ng tingin at naupo na sa katabing bangkuan ni Aihna.

We exchange seats last week at talagang hindi kami magkasundo ng seatmate ko.

Magkaibang-magkaiba kasi kami ng gusto.

Gusto niya ng tahimik habang ako naman ay gusto siya na kausap.

That is why we really don't click.

"For Ten minutes read the poem and I will call someone to explain what is the poem is all about."

Anunsyo ng lecturer namin ngayon.

Isang beses ko lang na binasa ang poem na iyon at kaagad ng idinukdok ang ulo at pinagmasdan si Aihna na nagbabasa sa tabi ko.

She really look like a calm person on the outside. But inside she is a storm.

Nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay kaagad niya akong tinaasan ng kilay.

"What?"

Tanong niya na ikinailing ko naman. Pagkatapos ay ngumiti.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla nanaman siyang nairita, kinuha ang libro ko at inihagis iyon papunta sa gilid niya.

Mabilis naman akong tumayo para kuhanin sana iyon nang maabutan ako ng lecturer namin na kababalik lang.

"Did I tell you to stand up Mr. Louisiana? Didn't I told everyone to read the poem?"

Striktang sabi niya sa akin.

Tiningnan ko ang katabi ko na dahian kung bakit ito nangyayari sa akin ngayon.

VENGEANCEWhere stories live. Discover now