THREE

420 14 0
                                    

Chapter 3
Aihna's Point Of View

Pingsisisihan ko ng sinabi kong gusto ko nalang na tumulong sa pagtitinda ni Lola kaysa sa mag-aral.

Kanina kasi, alas singko pa lang ng madaling araw ay ginising na niya ako.

Kailangan raw naming mamalengke para sa mga iluluto niya mamaya. Ilang oras narin akong nagbubuhat at panay lang ang sunod sa kaniya haang namimili siya ng mga sangkap na gagamitin niya sa pagluluto.

Nangangalay na ang mga binti ko sa kalalakad at mga braso naman sa parami na ng paraming plastic ng mga pinamili niya.

"'la hindi pa ba tapos?"

Puno ng pagrereklamo at pagamakaawa ang boses ko.

Magmula kanina ay hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng iniikot ang mata sa tuwing mayroon nanaman siyang bibilhin at ako nanaman ang pagbubuhatin. Kanina pa ako nangangawit sa pagikot-ikot namin sa palengke.

Kailan ba matatapos ito?

"Hindi pa ako nakakabili ng isda. Teka."

Muli nanaman akong napabuntong hininga kasabay ng muling pag-ikot ng mga mata. Hindi na ako nagsalita pa at sumunod nalang sa kaniya.

Ilang tindahan lang rin mula sa kinatatayuan ko ang layo ng panibagong tindahan na pinaghintuan niya. Pero ayaw natalagang kumilos ng mga paa ko at gusto na nilang magpahinga.

Nang balikan ako ng tingin ni Lola at nakitang nakahinto parin ako ay tinaasan niya ako ng kilay.

"Susuko ka na?"

Iyon ang sinasabi ng mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Syempre, hindi ako magpapatalo. Ayoko, ayoko pang pumasok.

Ilang segundo pang tumagal ang titigan na iyon bago ako kumalas at naglakad na papalapit sa kaniya. Huminto ako sa harap ng bilihan ng isda.

Nakikita ko na ang labasan sa loob ng palengke kaya naman nararamdaman kong malapit ng matapos sa pamamalengke niya si Lola.

Sana talaga ay dito na ang huling pupuntahan namin dahil kanina ko pa gustong umuwi!

"Pili lang po 'nay."

Sabi ng tindera kay Lola.

Nagtingin siya ng mga isda. Kahit isa doon ay hindi ko alam ang pangalan. Tanging tuna, bangus at tilapia lang ang mga pamilyar sa aking isda.

Hinayaan ko na siyang mamili at pinagmasdan ang kapaligiran ko.

Ngayon nalang ulit ako nakapunta ng palengke matapos ng mahabang panahong hindi pagbisita rito. Dito ko lang naman kasi nararanasan ang simpleng pamumuhay dahil sa amin ay hindi ko na kinakailangan pang kumilos sa bahay dahil mayroon ng gumagawa niyon para sa amin.

Ang Mama kasi ng kapatid ko ay maraming kaartehan sa buhay. Dahil sa nag-aaral sa magandang eskwelahan ang kapatid ko ay gusto niyang ipakita sa iba na nakatira rin siya sa magandang bahay. Kahit pa galing sa isang krimen ang kayamanan na mayroon sila ngayon.

"Magluluto ka na ulit 'nay? Ilang linggo ka ng sarado, namimiss na ng mga bata ang luto mo."

Muling napunta sa tindera at kay Lola ang atensyon ko ng marinig ang pag-uusap nila.

Natawa si Lola sa narinig. Mukhang magkakilala silang dalawa.

"Kung ganoon ay papuntahin mo ang mga bata mamaya. Sabihan mo rin ang ilan mong mga kakilala na magbubukas na ako ulit."

Tinanguan siya ng tindera bago iniabot ang plastic na mayroong lamang isda. Imbis na tanggapin iyon ay inginuso niya ako at nanguha ng perang ibabayad sa binili niyang isda.

VENGEANCEWhere stories live. Discover now