TWO

561 12 0
                                    

Chapter 2
Aihna's Point Of View

Request to withdraw from school.

Nanatili akong nakatitig sa papel na nasa harapan ko.

Reason for withdrawal.

Gusto kong sabunutan ang sarili sa mga oras na ito.

Pinapaalis na ako sa eskwelahan, pero dahil sa request ng Papa ko na huwag ilagay sa record ko na pinatalsik ako sa dati kong eskwelahan ay napilitan akong magsulat ng withdrawal letter. Ayaw raw kasi niya na mahirapan akong maghanap ng bagong school na lilipatan ko kapag nalaman ng iba na pinaalis ako dahil sa pakikipag-away.

Because of that jerk....

He really mean his threat. But didn't mean to see me again by himself.

Nagdala siya ng mga kasama. Ang nakakapagtaka pa ay hindi ko alam kung paano niya nalaman ang totoo kong pangalan at kung saan ako nag-aaral. Basta nalang silang sumulpot at sinugod ako ng walang kalaban-laban.

Lima silang lalaki habang mag-isa lang akong babae. Kung hindi pa kami nakita ng guard ay mas malala pa sa mga pasa ang matatamo ko.

Iyon nga lang, nang malaman ng school principal ang nangyari ay nagkasundo silang paalisin na ako sa school. Hindi raw kasi tamang gawi ng isang estudante ang masangkot sa mga away. Lalo part ang lalaki pala na iyon na ininis ko ay mula sa pinakasikat na eskwelhan sa buong bansa kung saan nag-aaral ang mga anak ng mga pinaka-kilalang mga tao sa bansa.

Kahit pa malinaw naman na ako ang biktima sa nangyari.

Ayaw lang talaga nilang masira ang reputasyon ng pinakamamahal nilang eskwelahan. Bulok naman ang sistema pati ng mga tao dito.

Muli kong pinagmasdan ang papel na harapan ko na nalukot na dahil sa ilang ulit ko na itong ipinaypay sa sarili.

Wala akong maisip na isusulat. Ano bang dapat kong ilagay dito?

"Hay. Papaalisin nalang ako dito kailangan pa ng susulatin, kainis."

Pinindot ko ang dulo ng ballpen at nagsimulang magsulat.

Kung ano nalang ang maisip ko ay iyon ang isusulat ko.

Matapos kong gawin iyon ay naglakad na ako pabalik sa teacher's office para ipasa ang papel ko.

"Sana naman ito na ang huling beses na makikita ko ang mukha ng babeng ito."

Pabulong na sabi ko sa sarili bago huminga ng malalim at binuksan ang pinto. Dumiretso ako sa lamesa ng adviser ko na mtaray akong tiningnan.

"Sa wakas ay aalis ka na. Dapat ay matagal na nila iyong ginawa. Isa pa, ano pang silbi ng withdrawal letter kung wala ka ring mararating sa buhay?"

Kinuha niya sa akin ang papel na hawak ko at inilapag iyon sa lamesa niya.

Napakadami pang sinabi, edi sana kanina pa ako nakaalis hindi ba?

"Nakakaawa ang Papa mo. Papaano niya nagawang  magmakaawang para sa walang kwentang anak na tulad mo? Hay naku."

Umiiling-iling siyang tiningnan ako na para bang talagang dismayado siya sa akin.

"Umalis ka na."

Hindi ko nalang pinansin pa ang sinabi niya at tinalikuran na siya ng muli naaman niya akong tawagin.

VENGEANCEWhere stories live. Discover now